JERRY OLEA
Sa dinami-dami ng naging leading ladies ni Andrew E sa mga pelikula, ang tingin sa kanya ng iba ay playboy.
Read: Andrew E shrugs off critics of hit song "Humanap Ka ng Panget"
“Merong nagtanong sa akin, e, ‘Palagay mo, meron kang anak sa labas?’” lahad ng 57-anyos na si Andrew sa mediacon noong Setyembre 8, 2024, Linggo, sa Golden Ballroom ng Okada Manila, Parañaque City.
“Mga kaibigan, ganito ang sagot ko, ‘Ang anak ko, tatlo. Ibig sabihin nun, certified worldwide.’ Certified yon, kaya kung ano, tatlo lang talaga ang anak ko. Di ba?
“E, nung araw?! Nung araw, di ba?! Ano, e, wala pa akong anak. Single pa ako, di ba? So, may mga interbyung ganyan, yung inabutan ako na single ako.
“Take a look. Kailan ba ako nagkaroon ng pamilya? Thirty-two years old. So when I was younger, 31 pababa, single ako.
“O, e, tinatanong ako. ‘Andrew, ilan ang anak mo sa labas?’ ‘Paano ako magkakaanak sa labas, e, baog ako?!’
“Ang ibig sabihin ng ‘baog’ in Dongalo, Parañaque, ibig sabihin nun, wala pang anak. Hindi sinabi na hindi ka magkakaanak. No.
“Sa amin, ang meaning nun, when you say, ‘O, Andrew E, iyan ba, may anak na yan?’ ‘Hindi, baog pa yan.’ Ibig sabihin, baog pa.”
May naging girlfriend ba siyang artista?
“Wala, di ba? Wala, di ba?”
Intensiyon talaga niya na huwag magkasyota ng artista?
“Hindi. Kasi, ano… hindi ko maiwasan na… how do you say? Hindi maiwasan na… look, e… pag nag-girlfriend ka kasi at that time, ang tendency is ipe-play around mo yung sa mata ng tao yung pagiging loveteam nyo or whatever-whatever, di ba?” pagmamatwid ni Andrew E.
“E, remember, ang loveteam ko way back, e, sa pelikula lang.”
Read: Andrew E., relevant pa rin sa music industry after 34 years
ANDREW E. ADMITS COURTING ANA ROCES
Iba-iba naging leading ladies niya…
“Pero meron akong tinaguriang loveteam at the time, kay Ana Roces. Pero…”
Sino ang artistang crush niya noon?
“Crush ko at that time. Walang nilingid na… I can’t, I can’t hide it. Ana Roces.”
Niligawan niya?
“Niligawan ko pero basted ako. Oo, basted, e. Wala tayong magagawa. Hindi niya ako type, e,” pagsisiwalat ni Andrew E.
“Unang-una, siyempre at that time, ordinaryong itsura lang ako. I might have the name, you know, pero…”
Read: Andrew E on courting Ana Roces in the '90s: "Basted po ako."

GORGY RULA
Magpapasiklab si Andrew E sa kanyang first ever major concert na 1 Time For Your Mind sa Disyembre 11 sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.
“We will present to you what you call Las Vegas-type of show,” pangako ni Andrew E.
“Kasi you know, for quite some time, napapansin ko… ako naman, sa dinami-dami naman ng mga major concert na nakikita natin sa Pilipinas way back 30 years ago, 20 years ago, 10 years ago…
“We need to define and create something new, you know. Kaya ang naisip ko, something new, kasi madalas din ako sa Las Vegas.
“Pag nanonood kami ng mga show sa Las Vegas, you know, ang tendency ng tao is to watch and not to talk about the show.
“Meaning, how do I say it in layman’s words? Tipong… magso-show kami nang hindi namin kinakausap ang tao.
“And you are there to be entertained talaga, and entertain as well. So, for me, let us devise something…
“Let’s plan of doing something for the people na talagang manonood sila, and they will appreciate what they’re seeing and what they’re hearing and what we’re doing — without us talking to them, ‘Kumusta na kayong lahat? Kumain na ba kayo? Kumusta ang buhay-buhay?’
“Wala ganon. It will be a Las Vegas-type of event.”
Read: Andrew E., 34 taon ang hinintay para sa first major concert
FIRST-EVER MAJOR CONCERT
Parang magastos ang production value ng ganoong klase ng palabas, ahh?
Tumango si Andrew E, “Parang something to that effect. Yeah, parang ganun talaga. And maybe, siguro naman, matagal niyo na rin akong kilala sa industriya.
“Meron akong ugali na sinusurpresa ko kayo sa mga kanta ko na you don’t know what direction I’m heading to when it comes to creating a song, or you know, I don’t copy anybody’s line.
“Or may I say, I don’t copy anybody’s style. Para kahit papaano, pag naglabas ako ng kanta, it will be different and at the same time, it will be entertaining.
“And at the same time again, it will be something new. So, ii-incorporate ko yung ugali na yun towards the concert.
“And at the same time, let me audition again. May I say, let me humbly audition again to the people who saw me before, who see me now, and who’s about to see me perform.”
Magbi-brainstorming pa lang ang production sa mga kaganapan sa first ever major concert ni Andrew E.
“We are trying to complete the team, and at the same time, we are injecting all the ideas properly for each and every sequence,” pagtatapat ni Andrew E.
“And ma-digest iyon ng mga team namin if ever. Yun siguro muna ang first phase.”
Available sa TicketNet outlets at Ticket1 branches nationwide ang tiket sa 1 Time For Your Mind concert.
Ang halaga ng tiket ay P9800 (SVIP), P7800 (VIP), P5800 (Orchestra Center), P4800 (Orchestra Side), P3800 (Loge), P2800 (Balcony Center), at P1800 (Balcony Side).
Read: Andrew E. cites reasons he is still a hit even with new audience
NOEL FERRER
Maliban sa tatlo niyang anak, sinu-sino ang mga panauhin sa 1 Time For Your Mind concert?
“You can see the smile on my face. Wala akong liberty kasi. Baliktad kasi yung sitwasyon namin, you know,” wika ni Andrew E.
“This is what’s funny and at the same time, entertaining. Kasi usually, di po ba, na kapag nagso-show ang isang artist, or magkakaroon ng concert or something to that effect ang isang grupo, or band…
“Hindi ba ina-announce nila yung guest nila? Kami po, parang much different aspect, or much different direction.
“Mas ine-excite namin yung tao thinking na, ‘Baka wala siyang guest.’
“Or maybe kung meron man, ‘Aabangan namin yung day or days ng announcement kung sinu-sino yung mga guest.’
“But then again, e, wala akong liberty for now to tell sino yung iniisip naming guest or whatever, yung binabalak. But it will be fun.
“And probably in as much as may I say, October. Or November, at saka pa lang ia-announce. Together with the billboards that will come out in Metro Manila.
“So yun yung excitement dun! Ha! Ha! Ha!” paghagikgik pa ni Andrew E.
At ang taas tuloy ng expectation ng mga tao at ako na rin, dahil sa Hollywood type of show ni Andrew E.
Aabangan natin iyan talaga!
