PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mayor Joy Belmonte, kinumusta sa mga artistang politiko sa QC

Coming soon: Museo ng Pelikulang Pilipino sa Quezon Memorial Circle.
by PEP Troika
Published Sep 19, 2024
mayor joy belmonte quezon city
Quezon City Mayor Joy Belmonte on possibility of acting in a TV show or movie: “Wala naman po tayong talento. Kaya hindi na dapat pilitin natin ang sarili natin kung wala naman tayong mga biyayang katulad ng pag-aartista mula sa Panginoon na talent.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Natawa si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa biro ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na gagawin siyang artista sa Season 3 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, ang action-comedy series na napapanood sa GMA-7.

Hindi pa raw siya umaakting sa kahit anong pelikula o TV program.

“Never, never! Hindi po ako artistahin talaga,” sambit ni Mayor Joy nitong Setyembre 18, 2024, Miyerkules ng umaga, sa Amoranto Sports Complex, Roces Avenue, Quezon City.

Sinamahan ni Mayor Joy si Senator Bong sa bloodletting project nitong Dugong Alay: Pandugtong Buhay this Wednesday morning.

Read: Bong Revilla, kinumpirmang magkakaroon ng Walang Matigas na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 3

bong revilla joy belmonte bloodletting
Mayor Joy Belmonte (right) with Senator Bong Revilla (left) at the bloodletting project of the actor-politician in Quezon City.
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi niya pinangarap lumabas sa movie or TV drama kahit as herself?

“Wala naman po tayong talento. Kaya hindi na dapat pilitin natin ang sarili natin kung wala naman tayong mga biyayang katulad ng pag-aartista mula sa Panginoon na talent,” pagpapakumbaba ni Mayor Joy.

QUEZON CITY: CITY OF STARS

If ever, OK raw sa kanya na mag-cameo lalo na kung ang shooting ay sa Quezon City.

“Kasi para sa akin, ang importante, ma-promote yung Lungsod Quezon,” pakli ni Mayor Joy.

Nananatili ang Quezon City bilang City of Stars. Ang sabi pa ng iba, City of Superstars.

“Yes! Talaga namang hindi yan mawawala because we are proud to be called the City of Stars,” pahayag ni Mayor Joy.

“And in fact, marami kaming plano para palaganapin pa yung reputasyon namin na yan.

“May mga plano tayo to become the creative city of films sana. And then we’re also working with Mowelfund para itayo na natin, actually meron nang building yung tinatawag na Museo ng Pelikulang Pilipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That’s another one of our plans. Yung QCinema filmfest, tuloy pa rin sa November, at pinalaki pa.

“And we continue to support the industry, kaya natuwa naman ako. At yung industry naman ay very supportive din sa aming lungsod.”

Read: Quezon City Mayor Joy Belmonte now unfazed by memes about her

NOEL FERRER

Iyong Museo ng Pelikulang Pilipino ay located sa Quezon Memorial Circle.

“This is under the partnership with the Mowelfund. So, kausap namin si Tita Boots [Anson Roa-Rodrigo], and nagulat si Tita Boots,” pagtatapat ni QC Mayor Joy Belmonte.

“Kasi maliit na lugar lang yung hinihingi niya pero yung malaking museo na ang ibinigay ko sa kanya.

“Because sabi ko, ‘Kailangang i-own natin yung monicker na City of Stars.’

“And we really have to make it also the destination for everyone who’s interested to support the movie industry.

“Na kung gusto nila, anything to do with movies, dapat sa Quezon City — kumpletos rekados na tayo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So one of the latest that we are doing as well, is we’re passing an ordinance sa tulong at suporta ng aking Sangguniang Panlunsod.

“One-stop shop para sa lahat ng gustong gumawa ng pelikula. Hindi na sila mahihirapan, hindi na iba-iba yung kausap. Hindi na rin iba-iba yung binabayaran.

“May resibo talaga. At may mag-aalalay maghanap ng mga sites, at alalayan talaga yung mga moviemakers natin sa paggawa ng pelikula dito sa Quezon City.”

Lumiit ang office ng Mowelfund sa isang gusali, hindi katulad dati na malawak na compound kaya may espasyo para sa mga memorabilia.

“Yun nga ang naging problema nila kaya nga sabi ko, OK, kami naman, happy kami to host this museum. It will be an honor for us to host this museum,” sambit ni Mayor Joy.

Mas ok na itong Museum ang ayusin than paartehin pa si Mayor Joy!!!

Winner itong Museum of Filipino Film sa QC: The City of Stars!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Joy Belmonte: "Yung iba diyan, mas inuna ang pagpapasara sa ABS-CBN."

JERRY OLEA

Kumusta ang performance ng mga artistang politiko sa Quezon City?

Napangiti si Mayor Joy Belmonte, “I’m very happy, kasi yung dating stereotype ng isang artistang pulitiko ay pa-cute-cute lang at wala masyadong performance.

“Hindi totoo iyan sa Quezon City. I’m just very proud to say, ang ating dating congressman, Congressman Alfred Vargas who’s now a councilor, still performing, still doing well.

“Ganun din si Councilor Aiko Melendez. Mataas ang tsansa ni Aiko na mag-top ng District 5 elections.

“At ngayon, may mga nagpapakilala nang mga artista muli na gustong mapasama sa slate natin.

“May mga bago. Hindi ko muna sasabihin. Surprise! Surprise ang mga yan.

“Pero in general, all of the actors and actresses who are also public servants in Quezon City are doing very, very well.”

Nagsabi si Congressman Arjo Atayde na hindi totoo ang bali-balitang tatakbo siyang mayor ng Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes, si Congressman Arjo is my inaanak. Inaanak ko sa kasal yon. Malapit na malapit kami,” sabi ni Mayor Joy.

“Isa ako sa talagang I guess dumiin sa kanya sa kanyang pagtakbo bilang congressman.

“Talagang alam ko from the start nung lumulutang yung pangalan niya na hindi iyan magkakatotoo.

“Kasi, sobra ang aming pagka-close ni Congressman Atayde.”

Read: Arjo Atayde, sobrang thankful sa ContentAsia Awards victory

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Quezon City Mayor Joy Belmonte on possibility of acting in a TV show or movie: “Wala naman po tayong talento. Kaya hindi na dapat pilitin natin ang sarili natin kung wala naman tayong mga biyayang katulad ng pag-aartista mula sa Panginoon na talent.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results