JERRY OLEA
In-unveil ang mural painting ng 16 MMFF stars nitong Setyembre 19, 2024, Huwebes, sa dating gusali ng MMDA sa EDSA, Makati City.
Kaugnay ito sa “Sine Sigla sa Singkuwenta” kung saan 50 MMFF movies ang ipapalabas sa mga piling sinehan nationwide sa Setyembre 25-Oktubre 15 sa halagang PHP50.
Read: 50 MMFF classic films, mapapanood nationwide sa halagang P50
Tampok sa Pilot Mural Painting ang National Artists na sina Fernando Poe Jr. at Nora Aunor, kasama sina Dolphy, Vilma Santos, Vice Ganda, Maricel Soriano, Vic Sotto, Eddie Garcia, Gloria Romero, Amy Austria, Christopher de Leon, Cesar Montano, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Joseph Estrada, at Anthony Alonzo.

HOW THE 16 MMFF STARS WERE CHOSEN
Ipinaliwanag ni MMDA Chairman at concurrent MMFF ExeComm Chairman Romando “Don” Artes kung paano pinili ang 16 MMFF stars sa nasabing mural painting.
“Unang-una po, iyan ang mga Hall of Famers natin. Mga aktor doon sa mga pelikula na naging topgrossers,” lahad ni Chairman Artes.
“Iyon po yung ating naging criteria. Either awardee po sila as best actor, best actress. Or kahit hindi po sila nagkaroon ng award bilang best actor, best actress.
“Yung kanila pong pelikula ay topgrosser po sa MMFF. So, yon po yung naging criteria namin.
“Alam niyo po, limampung taon po ang MMFF. Hindi po namin kayang ipinta lahat sa isang mural dahil napakarami po naman na magagaling na aktor, aktres.
“Alam ko po, may mga magku-question lalo na iyong mga fans pero pagpasensyahan niyo po, ito po yung napagdesisyunan namin.
“I take responsibility for it dahil ako po ang nag-approve. Pero based on that, pinili po namin yung ano lang namin na malaki yung kontribusyon sa MMFF.”
Sinadya na si FPJ ang ipuwesto sa pilot mural bilang pinakauna sa bandang kaliwa, sa halip na isentro.

Mahigit 50 murals ng movie posters ang ipe-painting pa along EDSA, at kabilang sa magpipinta ang isang sikat, premyado at fashionistang aktres.
“In fact, meron pong sariling poster ang Panday na ipipinta rin po natin. So, ito [pilot mural] naman po ay isa lamang. Marami pa po yan,” pahayag ni Chairman Artes.
“So, hindi naman po ibig sabihin na may maiiwan. We know that we cannot please everybody.
“Sabi ko nga po, limampung taon yan. Kung average na walong pelikula bawa’t taon ay mahigit apat na raan na pelikula po yan.
“And we cannot please everybody.”
Siyempre, may magtatanong kung bakit wala sa pilot mural sina Senator Bong Revilla, Ai-Ai delas Alas, Judy Ann Santos, Sharon Cuneta, Jennylyn Mercado, Derek Ramsay, Aga Muhlach, Eric Quizon, at iba pa…
“Meron po silang sariling poster. Individual, yung per movie po nila,” sambit ni Chairman Artes.
Read: MMFF movie posters, ipipintang murals sa EDSA Buendia-Ayala
Ang pangunahing artists sa pagpipinta sa nasabing mural painting ay sina AG Sano at Sim Tolentino, with Phonsie Castañeda as creative director.
Kabilang sa mga present sa launch ng “Sine Sigla sa Singkuwenta” sina National Artist Ricky Lee, MOWELFUND chairman Boots Anson Roa-Rodrigo, MMFF executive director Atty. Rochelle Ona, Joel Saracho, Direk Paolo Villaluna, Direk Marlon Rivera, Direk Richard Somes, Dan Morales, at iAcademy COO Raquel Wong.

GORGY RULA
Ang 50 MMFF movies na bahagi ng “Sine Sigla sa Singkwenta” at mapapanood sa halagang P50 mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 15 ay:
- Insiang
- Mano Po
- Jose Rizal
- Crying Ladies
- Ang Panday (1980)
- Big Night
- Ang Tanging Ina Mo
- Minsa'y Isang Gamu-Gamo
- Langis at Tubig
- Blue Moon
- Ang Panday (2009)
- Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?
- Walang Forever
- Bulaklak ng Maynila
- Moral
- Himala
- Captain Barbell (1986)
- Kung Mangarap Ka’t Magising
- Ang Alamat ng Lawin
- Ang Larawan
- Shake, Rattle, and Roll II
- Atsay
- Mga Bilanggong Birhen
- Kung Mawawala Ka Pa
- Die Beautiful
- Agila ng Maynila
- Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga
- May Minamahal
- Sunday Beauty Queen
- Magic Temple
- Ang Babae sa Septic Tank 2
- Brutal
- Markova
- Miracle in Cell No. 7
- Shake, Rattle, and Roll 1
- Darna (1991)
- Bad Bananas sa Puting Tabing
- Karnal
- Tanging Yaman
- Firefly
- Bonifacio: Ang Unang Pangulo
- Karma
- One More Try
- Imortal
- Kasal, Kasali, Kasalo
- Okay Ka Fairy Ko
- Yamashita: The Tiger’s Treasure
- Gandarrapido Revenger Squad
- Feng Shui II
- Rainbow’s Sunset
Ipapalabas ang mga ito sa mga sinehan ng SM Cinema, Robinsons Movie World, Ayala Malls Cinema, Megaworld Cinemas, Gateway Cineplex 18, Fisher Box Office, Shangri-La Plaza Cinema, Red Carpet Cinema, at Vista Cinema.
FIRST MMFF WINNER
Sayang nga at wala na silang kopya ng Diligin Mo ng Hamog ang Uhaw na Lupa.
Sina Joseph Estrada at Gloria Diaz ang bida sa pelikulang ito na nagwagi sa first MMFF noong Setyembre 1975 ng anim na awards.
Nakamit nito ang tropeyo ng Dangal ng Bagong Lipunan, best director (Augusto Buenaventura), best actor (Joseph Estrada), best supporting actor (Vic Silayan), best editing (Edgardo Vinarao), at best sound (Manuel Daves).

Mabuti at marami pa sa magaganda nating MMFF Best Picture na na-restore kaya ma-enjoy na natin sa mga sinehan.
Sana nga, ma-enjoy ang mga ito ng ating mga manonood sa halagang 50 pesos lamang. Kaya talagang inilapit nila sa masa ang mga pelikulang ito ng MMFF.
Pahayag ni Chairman Don Artes: “Gusto po naming ibalik doon sa mga fans na inabutan ng mga pelikulang ito para manumbalik yung kanilang mga alaala doon sa mga napakagagandang pelikula, at yung mga memories nila habang nanonood ng sine sa mga sinehan.
“Ganundin sa young generations naman, para ipakita sa kanila yung history ng pelikulang Pilipino, particularly ng MMFF, na sa loob ng limampung edisyon or sa 50 years ng MMFF ay nakagawa po tayo ng napakagandang pelikula na dapat po nilang mapanood at makita, at maging part din po ng kanilang memories.
“Iyon po yung gusto po naming ma-achieve.”
Read: 50th MMFF entries: comedy, drama, action, horror, at musical
NOEL FERRER
Nakaka-excite lang na on top of all these, ang kapakanan ng movieworkers ay priority rin ng MMDA at MMFF.
Thus, there will be an industry-wide Serbisyo Fair to be held on October 6-7.
This initiative of the MMDA/MMFF and the National Secretariat from the Philippine Government will be participated in by the Mowelfund, FDCP, FAP, AKTOR, MTRCB and the various Entertainment Press Groups where various and very valuable government services shall be made available to film industry workers.
This underscores the MMFF’s commitment to the welfare of all the stakeholders so that they can function really well and maintain a comfortable and happy work-life balance.
At umpisa pa lang ito.
Later on we’ll get to know the rest of the films that will complete the roster of official entries to the 50th MMFF, the plans for the grand parade on December 15, and awards ceremonies on December 27.
Exciting talaga ang 50th edition ng MMFF!!!
