GORGY RULA
Isa sa film producers na dumalo sa launching ng Sine Sigla sa Singkuwenta sa MMDA nitong Huwebes, September 19, 2024, ay si John Bryan Diamante ng Mentorque Productions.
Ang Mentorque ang producer ng box-office hit na Mallari, na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.
Read: Piolo Pascual, na-challenge sa triple-character role niya sa Mallari
VILMA SANTOS STARS IN UNINVITED
Malakas ang duda naming sasali ulit ang Mentorque sa 50th MMFF, kahit sinu-shoot pa lang nila ang pelikulang Uninvited na pinagbibidahan ni Ms. Vilma Santos.
Pero ang narinig naming balita, na-delay ang shooting ng pelikulang idinidirek ni Dan Villegas dahil pinagpahinga raw muna ng doktor ang Star For All Seasons.
Tinext ng PEP Troika si Ate Vi para kumustahin at tinanong na rin kung nagsimula na ba siyang mag-shoot.
“May scheds na! Thankssss Gorgy! Ingattt din kayo!!” text niya sa amin.
Read: Vilma Santos, gagawa ng pelikula na hindi iniisip ang MMFF 2024

THE SHOOTING MUST GO ON
Ayon kay John Bryan, habang nagpapahinga si Ate Vi ay itinuloy pa rin nila ang shooting ng mga eksenang hindi kasali ang MMFF 2023 Best Actress.
“Kami, hindi naman naputol yung oras namin. It’s just we moved… nagmahal nang konti kasi siyempre itutuloy mo pa rin yung schedule ng mga artista, adjust lang kami nang konti. But of course, health first.
“But what we’ve done is, of course, inuna na namin because may schedule din ang ibang artista. Hindi rin biro yung mga kasamang artista.
"We’re very proud of this project,” pahayag ni Bryan.
Ayaw kaming sagutin ni John Bryan nang tinanong namin kung totoong kasali sa Uninvited sina Aga Muhlach at Nadine Lustre.
Hintayin na lang daw ang official launch ng kanilang pelikula.
Read: Vilma Santos, walang commitment na MMFF 2024 movie
JERRY OLEA
Nakapag-shoot na si Ate Vi sa pelikulang Uninvited, at kapansin-pansin daw na lalong gumanda ang aktres.
Parang hindi lang daw nagkasakit, na maaaring nakapag-rest nang husto kaya lalong gumanda ang aktres.
Lhad ni John Bryan ng Mentorque: “Nagpahinga talaga siya. Na-delay siya ng more than one week.
"Basically, we’re on track, that’s why kahit papano, talagang ano kami, tumuloy pa rin ang shoot ng mga artista na wala siya.
“Kaya nagmahal din kami nang konti. Pero wala naman tayong magagawa dun, kasi siyempre kailangan mag-rest siya.” s
Pero ilang araw na rin daw nakapag-shooting si Ate Vi.
“Actually, nakapag-run na siya ng ilang araw din yun. But definitely, yes, tama yun, na-delay kami because kailangan niya mag-rest for health reason,” pakli ni Bryan.
NO PRESSURE
Sabi noon ni Ate Vi na ayaw niyang magpa-pressure na dapat makahabol sa MMFF. Pero mukhang pag-MMFF talaga ito.
Read: Vilma Santos not pressured to rush MMFF 2024 movie
Sinbi rin ni John Bryan na ayaw nilang magpa-pressure.
“We don’t want to have that pressure, e. We wanted na pag nailatag namin, pag natapos… kasi gusto ko, sila mismo confident din sa ginawa namin.
“We’re pretty much excited. Everyone’s happy about the ano… that’s why she’s really excited doing the film also.”
May narinig pa kaming baka i-extend ang submission ng finished films.
Pero sabi ng taga-MMDA, wala talagang extension. Sa September 30 na raw ang deadline ng submission ng finished films.
NOEL FERRER
Itong Uninvited project ng Mentorque ang pinili ni Ate Vi over Espantaho, na dapat ay pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos.
Si Lorna Tolentino ang ipinalit sa role na dapat gagampanan ni Ate Vi.
Okay lang ba kay Vilma na si Lorna ang second choice?
“Of course! LT is a special friend!!! Perfect choice [thumbs up and heart emoji],” sey ng Star for All Seasons sa PEP Troika.
Ipinarating agad namin ito kay Lorna, at nagpasalamat ang aktres.
“Nakow salamat naman po,” text ni Lorna.
Ihahabol din kaya sa 50th MMFF itong Espantaho?
Read: Cast Reveal: Judy Ann Santos at Lorna Tolentino bida sa Espantaho
