PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF movies nina Nora, Vilma, FPJ, Dolphy muling mapapanood

50 MMFF movies mappanood sa halagang PHP50
by PEP Troika
Published Sep 20, 2024
don artes ricky lee boots anson roa-rodrigo mmff
(From left) MMFF overall chairman Atty. Don Artes, National Artist Ricky Lee, and MOWELFUND chairman Boots Anson Roa-Rodrigo encourage moviegoers to watch 50 selected MMFF movies which will be screened in theaters around the country for only PHP50 each.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Kaabang-abang ang mga kaganapan sa golden anniversary ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong 2024.

Inilunsad ang MMFF Sine Sigla sa Singkuwenta nitong Setyembre 19, 2024, Huwebes, sa MMDA Auditorium sa Orense St., Brgy. Guadalupe Viejo, Makati City, sa pangunguna ni MMDA acting chairman and concurrent MMFF overall chairman Atty. Don Artes.

Read: 50 MMFF classic films, mapapanood nationwide sa halagang P50

Pahayag ni Chairman Artes, “With the Sine Sigla sa Singkuwenta screenings, we will bring some of the most memorable MMFF films back to the big screen for just PHP50 per screening, allowing both new audiences ang long-time fans to experience the magic of these beloved films on screen once again.

“These films represent the best of what MMFF has offered over the past five decades.”

Present sa nasabing launch ang isa sa mga anak ng MMFF, ang National Artist na si Sir Ricky Lee, na pinagkalooban ng masigabong palakpakan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Chairman Artes, “As we celebrate this milestone, I want to extend my heartfelt gratitude to all our filmmakers, stakeholders, and everyone who has been part of this journey, and continues to support MMFF.

“As we look forward to another 50 years, let us continue to support and promote the MMFF and the local film industry, and encourage our Filipino filmmakers to create meaningful and impactful films that resonate with audiences both here and abroad.

“Thank you for joining us in this historic celebration. Maraming salamat, at mabuhay ang MMFF. Mabuhay ang pelikulang Pilipino.”

FIFTY MMFF MOVIES FOR ONLY FIFTY PESOS EACH

Limampung MMFF movies ang mapapanood sa halagang PHP50 mula Setyembre 25 hanggang Oktubre 15, 2024 sa piling mga sinehan nationwide.

Kabilang diyan ang Atsay, Himala, at Minsa’y Isang Gamu-gamo ni Nora Aunor; Karma, Imortal, at Langis at Tubig ni Vilma Santos; Ang Panday, Agila ng Maynila, at Ang Alamat ng Lawin ni Fernando Poe Jr.; Tanging Yaman at Rainbow’s Sunset ni Gloria Romero; Kung Mawawala Ka Pa, Bad Bananas sa Puting Tabing, at Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon? ni Christopher de Leon...

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
sine sigla

Insiang, Kung Mangarap Ka’t Magising, at Crying Ladies ni Hilda Koronel; May Minamahal at Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach; Kasal. Kasali, Kasalo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo; Firefly at One More Try ni Dingdong Dantes; Walang Forever nina Jericho Rosales at Jennylyn Mercado...

sine sigla
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bulaklak ng Maynila nina Angelu de Leon at Elizabeth Oropesa; Moral nina Lorna Tolentino at Gina Alajar; Karnal nina Cecille Castillo at Charito Solis; Mga Bilanggong Birhen nina Alma Moreno at Trixia Gomez; Jose Rizal ni Cesar Montano...

sine sigla

Okay Ka, Fairy Ko ni Vic Sotto; Ang Panday ni Bong Revilla; Ang Tanging Ina Mo ni Ai Ai de las Alas; Ang Babae sa Septic Tank 2 ni Eugene Domingo; Markova ni Dolphy; Die Beautiful ni Paolo Ballesteros...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Big Night ni Christian Bables; Gandarrapido Revenger Squad ni Vice Ganda; Brutal ni Amy Austria; Mano Po ni Maricel Soriano; Darna ni Nanette Medved...

sine sigla

Captain Barbell ni Herbert Bautista; Magic Temple nina Jason Salcedo at Anna Larrucea; Feng Shui II ni Kris Aquino; Bonifacio, Ang Unang Pangulo ni Robin Padilla; Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga ni ER Ejercito; ang unang dalawang installment ng Shake, Rattle and Roll, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Interesadong dumalo ang ilang mga artista sa pagpapalabas muli sa sinehan ng kani-kanyang pelikula.

“Opo, nagse-send out naman po tayo ng invitation na pag yung pelikula po nila ang ipapalabas ay iwe-welcome natin sila,” sabi ni Chairman Artes.

“In fact we want to make a program nga po, e, na after ng pagso-show ng pelikula, baka puwedeng magkaroon ng talkback session para i-discuss nila yung challenges nila sa paggawa ng pelikula.

“Yung mga aspeto po ng paggawa ng pelikula. Yes, we will do that po.”

Read: Sinag Maynila, simula na; classic Pinoy films, libreng mapapanood

NOEL FERRER

Mensahe ni Sir Ricky Lee kaugnay sa Sine Sigla sa Singkuwenta screenings, “Pag may nag-iinterbyu sa akin, lagi kong sinasabi na MMFF baby ako.

“Nagsimula akong makilala bilang isang scriptwriter noong 1982, noong yung tatlong nominees for best film and best screenplay ay sinulat ko — Himala, Moral, saka Haplos.

“At yung tatlong best picture yata that time ay yung tatlong yun. Siyempre nanalo rin ako that time. Napakabait sa akin ng MMFF!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagwagi siya para sa screenplay ng Moral.

Read: National Artist Ricky Lee and his 'love story' with MMFF: "Dun ako nakilala na..."

Pagpapatuloy ng 76-anyos na si Sir Ricky, “Kaya masayang-masaya ako na nakabilang ako dito sa okasyong ito.

“Yung proyektong Sine Sigla sa Singkuwenta ng MMDA para sa 50th anniversary ng MMFF ay ginagawa lang nila yung tama — ang ibalik ang pelikulang Pilipino sa masa.

“Sa masa nanggagaling ang mga kuwento, para sa masa ang mga kuwento, at ngayon ay muli itong ihahandog sa kanila sa paraan at presyong abot nila.

“Ako, balak kong manood ng as many as possible na mapapanood sa Sine Sigla sa Singkuwenta.”

Hindi lang iyong mga pelikula niya ang gustong mapanood muli ni Sir Ricky sa big screen, kundi maging iyong iba pa gaya ng Shake, Rattle, and Roll.

“Gusto kong maupo kasama ng mga manonood, na kasama nilang umiyak, tumawa at matakot uli,” sambit ni Sir Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maramdaman uli yung naramdaman ko noong unang panahon pag nanonood ako ng pelikula.”

Ang ganda lang na active ang ating Pambansang Alagad sa Sining sa ganitong mga gawain para sa kultura at lipunan.

GORGY RULA

Inaasam ni Sir Ricky Lee na dumugin sana ng moviegoers ang mga pelikulang handog ng Sine Sigla sa Singkuwenta.

Aniya, “Panoorin nila lahat ng kaya nilang panoorin sa napakaiksing… para sa akin, napakaiksing panahon ang 21 days para panoorin lahat. So sana, dumugin.”

Mabilan kay Sir Ricky, dumalo rin sa launch sina Boots Anson Roa-Rodrigo, Atty. Rochelle Ona, Joel Saracho, Direk Paolo Villaluna, Direk Marlon Rivera, Direk Richard Somes, Dan Morales, at iAcademy COO Raquel Wong.

Read: Paano pinili ang 16 stars na tampok sa pilot MMFF mural painting?

Pag-asam ni Tita Boots, “Sana po, bumalik yung sigla, yung excitement. Kanina po, nae-excite na po kami na mapanood muli sa big screen ang MMFF movies through the years..

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun pong awareness, kasi medyo nakakalimutan natin yung pinagdaanan ng industriya natin.”

Pinasalamatan ni Tita Boots ang cinema operators sa kanilang tulong para maipalabas muli ang previous MMFF entries sa murang halaga.

“Malaking sakripisyo po na yung regular cinema admission fee ay isantabi po nila para makapasok po ang madla at the very accomodating price of PHP50,” sambit ni Tita Boots.

“So, manood po tayo. Kita-kita po tayo lahat. Pakibitbit na lamang po ang inyong mga pamilya, mga anak, mga kapatid para po magkaroon sila ng overview of the 50 years of Filipino film.”

Dagdag ni Chairman Don Artes, “Ito pong proyekto na Sine Sigla sa Singkuwenta kung saan PHP50 lang yung bayad ay in cooperation with CEAP, Cinema Exhibitors Association of the Philippines.

“Ako po ay nagpapasalamat sa kanila sa pagpapagamit po ng kanilang mga sinehan.

“Kung tutuusin po kasi, yung PHP50, baka kulang pa pong pambayad ng kuryente sa aircon at sa kanilang mga staff sa paggamit ng kanilang mga sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tayo po ay pinagbigyan. Hindi po ako nagdalawang-salita na gawin itong Sine Sigla sa Singkuwenta.”

Siyanga pala, ang deadline ng submission ng finished film entries para sa 50th MMFF ay sa Setyembre 30.

Nakatakdang i-announce ang lima pang official entries ng MMFF 2024 sa Oktubre 15.

Ang MMFF 2024 Parade of Stars ay sa Disyembre 15, Linggo, sa Maynila na siyang host city.

Ang premiere screenings ng official entries ay sa Disyembre 15 hanggang 20.

Sa Disyembre 21 ay merong MMFF Sponsors’ Night.

Ang awards night ay sa Disyembre 27 sa makasaysayang Metropolitan Theater ng Maynila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) MMFF overall chairman Atty. Don Artes, National Artist Ricky Lee, and MOWELFUND chairman Boots Anson Roa-Rodrigo encourage moviegoers to watch 50 selected MMFF movies which will be screened in theaters around the country for only PHP50 each.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results