GORGY RULA
Nagkainitan ang guwapong aktor at ang direktor sa taping ng isang drama series na ginagawa nila.
Hindi naman talaga si Direk ang direktor ng drama series na tinatampukan ni Guwapong Aktor. Parang pinasalo muna sa kanya ang pagdidirek nang hindi pumuwede ang direktor talaga ng drama series.
Read: Bortalicious actor, PHP50K ang "professional fee" sa mga booking
Itong si guwapong aktor ay mahilig mag-adlib sa linya, pero tugma naman sa script kaya hinahayaan na lang siya sa ganung style.
Pero nang idinirek siya nitong direktor na humalili sa talagang direktor, posibleng nagulat sa style ni Guwapong Aktor.
Nang kinunan ang isang eksena, nabigla marahil si Direk nang mag-adlib si Guwapong Aktor.
Nag-comment daw si Direk ng tipong, “Siya na kaya ang magdirek dito!”
GUWAPONG AKTOR, SINUGOD ANG DIREKTOR
Nakarating ito kay Guwapong Aktor.
Nagalit daw ito at pinuntahan si Direk sa OB van.
Hindi ko alam kung anong eksaktong sinabi ni Guwapong Aktor kay Direk, pero parang hinamon daw ng guwapong aktor ang direktor na lumabas ng OB van.
Lumabas naman daw si Direk at hinarap si Guwapong Aktor.
Muntik-muntikan na raw magkasuntukan, pero mabuti na lang at naawat sila.
Binakuran daw sila ng mga staff para hindi magkainitan.
Nang sumunod na taping, hindi na raw bumalik si Direk. Pina-handle na lang daw sa ibang direktor dahil wala pa rin yung original director ng drama series.
Read: Guwapong aktor, malapit nang maging isang ganap na ama
NOEL FERRER
Owwww mabait naman itong guwapong aktor na ito, ha.
Baka kailangan lang nilang magkapalagayan ni Direk.
Hindi naman talaga sila dapat humantong sa suntukan. Huwag naman.
Basta sana, maayos na magawa pa rin ang trabaho nila nang walang samaan ng loob lalo pa naman ngayong may pressure para mag-shine itong soap operang ito!!!
JERRY OLEA
Sa pagkakakilala natin kay guwapong aktor ay mabait siya at marunong makisama kaya nagtatatlong dekada na siya sa local showbiz.
Sana, bumalik na iyong talagang direktor ng serye sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang mga ganitong eme.
