PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim de Leon nagkomento tungkol sa young actress na buntis diumano

Kim de Leon, kasali sa tatlong artists na inilunsad ng GMA Playlist.
by PEP Troika
Published Sep 20, 2024
kim de leon pregnant young actress
Kim de Leon on blind item about pregnant young actress: May narinig po ako, pero hindi ko pa nako-confirm. Hindi pa kami nagkakausap. Gusto ko nga po siyang kumustahin, e. Pero kung totoo man, sana maging masaya na lang tayo. Maging positive na lang."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Inilunsad ang tatlong promising singers ng GMA Playlist sa Fin and Claw, Quezon City, noong Miyerkules, September 18, 2024—sina Liana Castillo, Crystal Paras, at Kim de Leon.

Produkto ng The Clash Season 5 si Liana, na ni-revive ang single ni Yasmien Kurdi na "Umaambisyon."

Galing naman ng StarStruck 7 si Crystal, na ang ganda ng style ng pagkakanta sa single niyang "You, Me and Us."

Mala-James Reid naman ang style ng pagkanta ng StarStruck 7 Ultimate Male Survivor na si Kim sa kanyang pangalawang single na "Window."

Read: StarStruck Ultimate Survivors Kim De Leon and Shayne Sava: Road to Stardom

liana castillo kim de leon crystal paras gma playlist
Liana Castillo, Kim de Leon, and Crystal Paras
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LIANA CASTILLO

Aminado ang tatlo na hindi ganun kadali ang pinagdaanan nila bago sila nabigyan ng break bilang recording artist ng GMA Playlist.

Isa sa malakas sa The Clash Season 5 si Liana Castillo. Sa totoo lang, siya talaga ang boto kong manalo.

Pero ang nagwagi ay si John Rex (Rex Baculfo).

Read: Rex Baculfo, itinadhana ang pagkapanalo sa The Clash 2023

Aminado ang 18-year-old singer na na-depress siya nang matalo, pero kailangan pa rin daw niyang lumaban.

Sabi nga ng kanta niyang "Umaambisyon," tuloy pa rin daw niya ang pag-ambisyon.

“Umaambisyon din po ako. Go lang po, umambisyon lang po. You’ll never know, time will tell po,” nakangiting pakli ni Liana.

liana castillo
Liana Castillo
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CRYSTAL PARAS

Si Crystal Paras naman ay parang pang-lounge ang style ng pagkanta sa kanyang single na "You, Me and U."

Pamilya pala sila ng singers, at siya naman ay matagal na raw kumakanta sa ilang bars bago siya sumali sa StarStruck.

“Bago po ako mag-GMA, tumutugtog po ako dito sa Timog, sa Tomas Morato. Nag-acoustic singer po ako.

"So, yun po talaga yung practice ko sa pagkanta.

“And sometimes, I would dress up as a Disney princess and would sing those songs, but I also write songs,” bahagi ng tsika sa amin ni Crystal.

Read: STARSTRUCK 7 UPDATE: Crystal Paras eliminated from Top 7 girls

crystal paras
Crystal Paras
Photo/s: Gorgy Rula
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

KIM DE LEON

Si Kim naman ay aminadong na-pressure nang bongga pagkatapos niyang manalo sa StarStruck 7.

Ramdam niyang marami ang nag-e-expect nang bongga sa kanya, dahil siya ang titleholder. Pero hindi pa talaga siya nabibigyan ng isang project na masasabing kanya.

Napansin lang ang singer-actor sa magandang role na ipinagkatiwala sa kanya sa Agimat ng Agila, na pinagbidahan ni Senator Bong Revilla.

“Yung first two years yung pinakamahirap, yung pinaka-pressured ako. Kasi parang, yun nga, maganda yung... I mean, title dun sa StarStruck Season 7.

"And I have to keep on that level na parang kailangan magaling agad. Parang kailangan mabilis matuto, kasi title ka. Dapat meron kang pinapakita.

“Kasi nag-start na po yung pandemic, e. Kaya hindi rin namin masyado ramdam yung aftermath ng competition.

"Kasi nga, sadly, meron tayong one year o two years na tengga talaga,” saad ni Kim.

Ngayon ay binigyan siya ng break sa pagkanta ng GMA Playlist, at sana nga tangkilin itong single niyang "Window" na nasa Spotify na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kim de Leon says no rivalry issue with Allen Ansay

kim de leon
Kim de Leon
Photo/s: GMA Playlist

NOEL FERRER

Di ba, itong si Kim de Leon ang kasabayan nung na-blind item na young actress na diumano’y nabuntis?

Parang napilitan lang si Kim na sagutin ang tanong ng PEP Troika tungkol sa young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narinig din daw kasi niyang nasa interesting stage na itong si young actress, na sabi-sabi’y nakatakda nang manganak sa Nobyembre.

Read: Aktres na produkto ng talent search, buntis

“Ow! May narinig po ako, pero hindi ko pa nako-confirm.

"Hindi pa kami nagkakausap. Gusto ko nga po siyang kumustahin, e,” pakli ni Kim.

Dagdag niya. “Pero kung totoo man, sana maging masaya na lang tayo. Maging positive na lang.

"Blessing pa rin yun. Yun nga lang, nakaapekto sa work niya. Sana, hindi masyado makaapekto sa kanya… sana, I mean, after nun kung sakali.”

Kung totoo man ito, parang hindi pa rin daw maisip ni Kim na mabubuntis si young actress.

“Naalala ko, ang liit-liit lang niya, parang hindi ko ma-picture. Hindi naman sa ayaw ko, pero yun. Iniisip ko na lang blessing yun,” medyo naalangan pang sagot ni Kim.

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy rin ang paglalabas ng mga bagong kanta ng mga Kapamilya sa StarPop at Star Music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SETH FEDELIN

Inilunsad ng Kapamilya a tor at singer na si Seth Fedelin ang kanyang debut extended play (EP) na Caution kung saan ibinahagi niya ang damdamin pagdating sa pag-ibig.

Tampok sa mini album ang sariling komposisyon ni Seth na “Mamahalin Kita” at “Iba Ka.”

Ilan din sa laman nitong awitin ay ang “Di Ka Nag Behave,” “Akin Ka,” at “Night Calls.”

Sa key track na “Night Calls,” binigyan ni Seth ng bagong kulay ang awitin ni Bryant na umiikot sa kagustuhan na makausap at makasama ang taong iniibig sa buong gabi.

Pakinggan ang debut EP ni Seth na “Caution” na available sa iba’t ibang digital streaming platforms.

Para sa ibang detalye, sundan ang StarPop sa Facebook, X (Twitter), Instagram, at TikTok.

seth fedelin
Seth Fedelin
Photo/s: Nice print photography
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IMOGEN

May maagang pagbati ang It’s Showtime cutie na si IMOGEN sa awiting “Merry Christmas 2 U.”

Ito ang Christmas version ng kanyang viral single na “Mini Ms. U” na naghihikayat sa madlang people na batiin ang kanilang mga minamahal ngayong Pasko tulad ng isang bata.

Tampok sa awitin ang iba’t ibang tradisyon ng mga Pinoy tuwing Kapaskuhan tulad ng pangangaroling, paghahanda ng Noche Buena, at pamamasko.

Sinusundan ng “Merry Christmas 2 U” ang kantang “Ang Init Init” ni IMOGEN na naging soundtrack niya noong panahon ng tag-init.

Si IMOGEN ay isa sa mga myembro ng Showtime Kids at kabilang din sa bagong cast ng ABS-CBN kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

imogen
IMOGEN
Photo/s: Starpop
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JEL REY

Pagkakaroon ng kaibigan na maasahan sa gitna ng pagkailang sa maraming tao ang ibinahagi ng Kapamilya singer-songwriter na si Jel Rey sa bagong awitin na “Naiilang.”

Isinulat mismo ni Jel Rey ang indie-pop na awitin na tungkol sa relatable experience ng pagiging awkward sa harap ng mga tao at kagustuhan na maging komportable sa tabi ng espesyal na kaibigan.

Nitong nakaraang taon, inilunsad ni Jel Rey ang extended play (EP) na TERAPEWTIKA tampok ang mga awitin na “Nasa Alapaap Ang Paraluman” at “hele pono.”

Inilarawan ni Jel Rey ang kanyang writing style bilang adventurous na sumusubok ng iba’t ibang genre tulad ng rock, hip hop, at soul.

Iba’t ibang content din ang ibinabahagi niya sa TikTok tulad ng kanyang musika, performance, at songwriting process.

jel rey
Jel Rey
Photo/s: Star Music
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MAKI

“Namumula” ang titulo ng bagong kanta ni Maki na alay niya para sa mga taong mahilig sa red flag pagdating sa pag-ibig.

Una itong napakinggan noong Agosto 30, Biyernes, at umani agad ng mahigit one million streams sa streaming platforms sa loob ng apat na araw.

Tungkol ang “Namumula” sa damdamin ng isang tao na nagpapadala pa rin sa emosyon sa kabila ng red flags o mga babala na nararamdaman niya.

Sinundan nito ang hit single niya na “Dilaw.”

Nakatakda niyang pangunahan ang sold-out Maki-Concert sa New Frontier Theater sa Nobyembre 29 at 30.

maki
Photo/s: Star Music
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ZACHARY

Inilabas ng Filipina-Canadian singer-songwriter na si Zachary ang kanyang debut album na luvin u na umiikot sa ligaya at sakit na dala ng pag-ibig.

Isinulat ni Zachary ang mga awitin dito tulad ng “luvin u,” “Pangako,” “huling sayaw,” “Paalam,” at iba pa.

Sa key track na “toxic,” ikinuwento niya ang nakakalitong emosyon na nagtutulak kung bakit bumabalik ang isang tao sa toxic na relasyon.

“It’s about when holding on feels safer than letting go. This song is dedicated for those red flags,” saad ni Zachary sa isang TikTok post.

Mula pagkabata, malaki ang impluwensiya ng mga magulang ni Zachary na naghikayat sa kanya na ibuhos ang damdamin sa pagsusulat ng awitin.

Bilang isa sa bagong OPM artists, nais niyang ipamalas ang relatable na songwriting style at sultry na tunog sa kanyang musika.

zachary
Zachary
Photo/s: Star Music
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim de Leon on blind item about pregnant young actress: May narinig po ako, pero hindi ko pa nako-confirm. Hindi pa kami nagkakausap. Gusto ko nga po siyang kumustahin, e. Pero kung totoo man, sana maging masaya na lang tayo. Maging positive na lang."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results