GORGY RULA
Pagkatapos magsumite ng karagdagang ebidensya na may kaugnayan sa kasong isinampa ni Sandro Muhlach laban kina Richard “Dode” Cruz at Jojo Nones, hinihintay na lang ngayon ang resolution kung aakyat ba ito sa korte.
Pero may mga naglilitawan pang kuwento sa isyu ng sexual harassment. At nang nakatsikahan namin si Iza Calzado, sa shooting ng pelikulang Caretakers nila ni Dimples Romana, maingat ang aktres sa pagbibigay ng pahayag kaugnay sa isyung ito.
Active si Iza sa She Talks Asia, at sa movement na ito ay na-tackle din nila ang sexual harassment na madalas na nararanasan ng mga kababaihan.
Aniya, “We actually recently did a very intimate conversation sa She Talks Asia on I guess sexual violence and it composed no gender. Very intimate conversation.
“I was able to attend, and I was able to ask some questions and I think it’s good that we are now talking about it more. And parang making those who have… I don’t want to call them victims, but those who have experienced this… feel, seen, and heard?
“It’s a very difficult topic to navigate and to wrap your head around. But, it’s either you’ve had an experience and you know somebody who’s had it.
“And normally, it’s harder to wrap your head around if or you’ve never gone through it or nobody in your family has gone through it. And you don’t pray that you have to come to that to understand it.
“I just, you know… I just wish again peace for everyone.”
NOEL FERRER
Seryosong usapin itong sexual harassment na pinag-usapan din sa grupo nilang AKTOR Ph na kung saan ay active bilang isa sa mga opisyal si Iza.
May na-discuss silang ganitong kaso sa kanilang grupo, pero ayaw na itong pag-usapan ni Iza.
Itong sa kaso naman ni Sandro Muhlach ay hindi pala siya miyembro ng AKTOR Ph.
“We treat these things seriously pag may…though we have before but I will not talk about it na parang, you know, some incidents have come to surface and we tried to address them.
“We give them space, yun lang. Yun lang talaga yung part ng responsibility namin. And we will always take these things seriously,” sabi pa ni Iza.
JERRY OLEA
Dalawang buwan na ang lumipas matapos ang insidente sa pagitan ng 23-anyos na si Sandro Muhlach at ng dalawang independent contractors ng GMA Network.
Hulyo 20 naganap ang GMA Gala, at Hulyo 21 ng madaling araw ang “galawan.”
May iba pang mga nagpo-post sa social media ng kani-kanyang karanasan na sexual abuse or exploitation na sangkot ang showbiz personality.
Ang iba’y nagpapahiwatig din ng kanilang masaklap na pinagdaanan, pero tila nag-aalangan pang idetalye iyon.
Sa kaso ni Gerald Santos, hindi pa napapangalanan ang TV executive na close friend ng musical director na si Danny Tan.
Hinihintay natin kung pagkatapos ni Enzo Almario ay may iba pang magrereklamo.
Sa kaso ng 22-anyos na unnamed talent ng TV5, ayon sa source ng PEP Troika ay kailangang pumunta ang inireklamong si Cliff Gingco sa NBI office sa Setyembre 23, 2024, Lunes upang sagutin ang complaint.
Sa araw na iyon din ang second monthsary ng panghahalay umano ni Cliff Gingco sa unnamed talent.
