PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kira Balinger at LA Santos movie, inunahan ang KathDen?

Okey lang kay LA Santos na natalo sa best actor category sa Sinag Maynila.
by PEP Troika
Published Sep 21, 2024
Maple Leaf Dreams stars LA Santos and Kira Balinger.
Katulad ng Hello Love Again, sa Canada rin na-shoot ang pelikula nina LA Santos at Kira Balinger na Maple Leaf Dreams. Nauna itong ipinalabas kaysa sa Kathryn Bernardo-Alden Richards movie.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Napanood na sa Sinag Maynila filmfest ang pelikulang Maple Leaf Dreams at proud ang direktor nitong si Benedict Mique dahil lumaban sa aktingan ang dalawang bida niyang sina LA Santos at Kira Balinger.

Sa nakaraang Gabi ng Parangal ng Sinag Maynila ay nominado ang dalawang lead stars ng Maple Leaf Dreams.

Sa kategoryang Best Actor ay na-nominate si LA kasama sina Ronnie Lazaro, Bryan Wong, at Tony Labrusca.

Si Ronnie Lazaro naman daw ang nakatalo kay LA kaya wala raw silang karapatang kuwestiyunin iyon.

Si Kira ang tanging nakalaban ni Rebecca Chuaunsu (Her Locket) na siyang nagwaging Best Actress.

Kaya ang laking achievement na raw ito sa dalawang bida ng pelikulang ito.

Sa September 25, 2024, Miyerkules magso-showing na sa mga sinehan ang Maple Leaf Dreams, at sa September 27 ay magso-showing din ito sa ilang major cities sa Canada — Toronto, Winnipeg, Calgary, Edmonton, at Vancouver.

Tumatalakay ito sa kuwento ng mga kababayan nating nakipagsapalaran sa Canada, at hindi ganun kadali ang mga pinagdaanan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya sabi nga ni Direk Benedict, isinali niya sa pelikulang ito ang ilang kababayan natin na nag-migrate sa Canada.

“We try to mix reality, and we want to be as real as possible. So, we got some of the people there na totoo, and they acted well naman surprisingly.

“It’s their story, e. Nung nakita nila yung script, nabasa nila… actually madami sa kanila ang na-touch,” pakli ni Direk Benedict.

Kasama rin sa pelikulang ito ang dating beauty queen na si Bea Rose Santiago, na nanirahan sa Toronto. Kaya sobrang naka-relate daw siya sa pelikulang ito.

Saad ni Bea Rose, “Napaka-close sa akin po ng story na 'to, kasi product nga po ako ng mga immigrants, ng mga nag-move at tumira sa Canada.

“Ako po ay isang product ng pamilyang OFW at lumipat sa Canada. So, lahat po ng achievement ko galing po yun sa sakripisyo ng nanay ko at marami pang ganun din pong story.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Naalala ko sa Maple Leaf Dreams ang When I Met You In Tokyo nina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Sa Japan naman iyon. Yung Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, sa Canada rin nag-shooting.

Tila inunahan nina LA Santos at Kira Balinger ang KathDen reunion movie?

Reaksyon ni LA, “Ako siguro, sobrang happy ako na masasabi kong nag-Canada kami nina Alden at saka ni Ms. Kathryn.

“I’m very happy na mabanggit lang na kasama sila at sobrang blessing naman talaga yung makapunta sa Canada.”

Sabi naman ni Kira, “Para sa akin I believe that every OFW story is different. I mean, we may have the same location po as Hello, Love, Again.

“Pero malay po natin baka na magiging sad yung ending nila, sa amin happy. I believe that every OFW story deserves to be told and that they are all different.”

NOEL FERRER

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag na pahayag ni Direk Benedict Mique, “I think the more OFW stories na mapapalabas is more beneficial sa ating mga kababayan, kasi there are so many stories to be told and to be shared.

“And I think the more na we support Filipino film na ganito, it is the more na sinusuportahan yung ang mga kamag-anak natin, ang mga mahal natin sa buhay abroad. Because this is their story.”

Mga magagaling na veteran actors ang sumuporta kina LA at Kira sa pelikulang ito na sina Ricky Davao, Joey Marquez, Snooky Serna, Malou Crisologo, at ang Miss International 2013 na si Bea Rose Santiago.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katulad ng Hello Love Again, sa Canada rin na-shoot ang pelikula nina LA Santos at Kira Balinger na Maple Leaf Dreams. Nauna itong ipinalabas kaysa sa Kathryn Bernardo-Alden Richards movie.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results