PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabiya Mateo, tinopak kaya blinock si Jeric Gonzales sa Instagram

Rabiya Mateo, sinabing sila pa rin ni Jeric Gonzales.
by PEP Troika
Published Sep 23, 2024
rabiya mateo jeric gonzales instagram unfollowing
Rabiya Matro to boyfriend Jeric Gonzales: Thank you for always keeping me grounded. Thank you for always reminding me that our relationship is so much more. Kung ano yung nakikita ng tao sa social media, and I hope that we still get to forgive each other sa mga kasalanan na gagawin natin. Ang mga upcoming na kasalanan. You know that I always love you.”
PHOTO/S: GMA Network / @jericgonzales on Instagram

GORGY RULA

Dahil pala sa topak kaya na-block ni Rabiya Mateo sa social media ang kasintahang si Jeric Gonzales.

Inilahad ng dating beauty queen sa The Boobay and Tekla Show nitong Linggo ng gabi, September 22, 2024, kung paano lumabas sa publiko na nag-break na sila ng Kapuso actor.

Kasama ni Rabiya ang kapwa Miss Universe Philippines titleholder na si Gazini Ganados na umupo sa hot seat ng programa.

Wala si Super Tekla sa episode na yun, at si Lexi Gonzales ang guest co-host ni Boobay.

Read: Rabiya Mateo and Jeric Gonzales: A relationship timeline

Unang tinanong si Gazini tungkol sa kanila ni Gab Lagman, pero hanggang friends daw muna sila.

Nasa "getting to know" stage pa lang daw sila ni Gab, at mabuting magsimula raw muna sila sa pagiging magkaibigan.

Sinabi ni Gazini na single pa siya.

“Isa lang ang masasabi ko ngayon. I’m in a relationship with food,” safe niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
gazini ganados rabiya mateo tbats
Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados and Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo
Photo/s: GMA Network

RABIYA-JERIC RELATIONSHIP STATUS

Pagdating kay Rabiya, ito ang natatawang sagot niya kina Boobay at Lexi: “Medyo taken charot! Depende sa topak ko sa araw na yun.”

Pero nilinaw niyang sila pa rin ni Jeric.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Actually, I’m still in a relationship,” pakli niya.

Ipinaliwanag niya kung bakit lumabas sa Instagram na hindi na sila nagpa-follow sa isa’t isa.

Read: Jeric Gonzales at Rabiya Mateo, nag-unfollow sa isa't isa sa IG

“Oo nga! Ang bilis kasi ng mga marites,” sabi pa ni Rabiya.

“Alam mo naman tayo, Lexi, Gazini, pag padating na yung araw natin, iba na yung topak natin. Iba na yung init ng ulo natin."

Ang tinutukoy ni Rabiya ay ang monthly period ng mga kababaihan na nakakaapekto sa kanilang moods.

Patuloy niya, “So my day, it was a bad day, and then I blocked Jeric. So, hindi ko naman ini-expect na mahahagilap agad yun.

“Ipa-follow ko na siya dapat din, kasi nag-okay na kami that day. Pero nakalimutan ko, e wala na, sumabog na,” napangiti niyang pahayag.

Tinanong siya ni Lexi kung pina-follow na ba niya ngayon si Jeric.

“Ngayon, hindi muna,” mabilis na sagot ni Rabiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ano lang. Si Jeric nga yung unang nagsabi sa akin, kasi nalaman ko na na-block ko siya through social media.

“Sabi niya, o may isyu na kumakalat na hindi na daw kami. Pero, we were together that day.

"Tapos sabay din kaming lumipad ng country, kababalik lang namin from Taiwan."

Jeric Gonzales sees future with Rabiya Mateo
Jeric Gonzales and Rabiya Mateo
Photo/s: @jericgonzales07 Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ayon sa beauty queen-actress, lahat ng relasyon ay may pinagdadaanan.

Pinabulaanan niyang nag-break sila ni Jeric. Inabot lang daw siya ng topak niya.

“I know maraming kuwento, maraming blind items na nangyayari, walang katotohan po yun. I and Jeric are okay,” bulalas ni Rabiya.

Kagaya raw ng iba ay hindi naman ganun kaperpekto ang relasyon nila ni Jeric.

“Hindi naman. Wala namang perfect relationship.

"At kahit matagal na kami ni Jeric, nasa stage pa rin kami na may mga ugali yung bawat isa na ngayon pa lang namin nalalaman.

“And still, we’re still working on to compliment each other. At hindi pa naman kami naggi-give up. So, I guess, it’s a good start,” saad ni Rabiya.

Mahirap lang talaga ang relationship na nadadala sa topak, ha!

Read: Rabiya Mateo says breakup issue with Jeric Gonzales "blown out of proportion"

JERRY OLEA

Sa totoo lang, hindi na bago ito sa mga nakakakilala sa magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganun naman daw silang dalawa. Galit-bati ang lagi raw nilang drama.

Ngayon ay okay sila, bukas ay hindi. Pero nandiyan pa rin daw ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Doon pa rin sa TBATS, hiningan si Rabiya ng mensahe para kay Jeric.

“Siguro, message ko kay Jeric… Thank you for always keeping me grounded.

"Thank you for always reminding me that our relationship is so much more kung ano yung nakikita ng tao sa social media.

"And I hope that we still get to forgive each other sa mga kasalanan na gagawin natin. Ang mga upcoming na kasalanan. You know that I always love you.”

Kasama si Jeric sa cast ng pelikulang Fatherland, na bida sina Allen Dizon at Iñigo Pascual, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Joint venture ito ng BenTria Productions ni Engr. Benjie Austria at Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista.

Ang BenTria Productions ang nag-produce ng launching film ni Jeric na Broken Blooms, na ipinalabas sa local cinemas katapat ang Avatar: The Way of Water.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Fatherland cast members share their dad stories

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabiya Matro to boyfriend Jeric Gonzales: Thank you for always keeping me grounded. Thank you for always reminding me that our relationship is so much more. Kung ano yung nakikita ng tao sa social media, and I hope that we still get to forgive each other sa mga kasalanan na gagawin natin. Ang mga upcoming na kasalanan. You know that I always love you.”
PHOTO/S: GMA Network / @jericgonzales on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results