PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Louise delos Reyes apektado sa nangyari sa kanyang showbiz career

Louise delos Reyes, patuloy na nilalabanan ang depression.
by PEP Troika
Published Sep 23, 2024
louise delos reyes pasahero
Louise delos Reyes on people who also struggle with their mental health: "Alam ko, lahat tayo, may inner demons, I just want you to know, hindi ka nag-iisa. Kailangan nating tapangan pa. Kung hindi enough yung tapang mo ngayon, try to convince yourself, as I convince myself to be strong every day. For your partner, for your family, even for your dogs."
PHOTO/S: @viva_films on Instagram

Trigger Warning: Mention of suicidal thoughts

GORGY RULA

Inamin ni Louise de los Reyes sa nakaraang presscon ng pelikulang Pasahero na pumasok sa isip niya noong wakasan ang kanyang buhay.

Nabanggit niya ito nung araw na yun kaugnay ng National Suicide Prevention Week.

Sinabi ni Louise na pumasok iyon sa kanyang isip noong panahong may matindi siyang pinagdaanan.

Read: Louise delos Reyes, nagawang malampasan ang suicidal thoughts

“Super close,” pakli ni Louise sa tanong kung talagang naisip ba niyang wakasan ang buhay niya.

“Sobrang dark nito for other people. I’m sorry. Pero yun. Iniisip ko talaga, 'Paano kaya nila… ganun na ka-casual. Paano kaya nila nagawa yun?' Kasi gusto ko na talagang gawin.

“Ano yung nag-click? Ano yun? Gusto ko mahanap yun.”

Hindi itinanggi ni Louise na isa sa mga dahilan kung bakit niya iyon naisip ay dahil sa nangyari sa kanyang showbiz career.

“Hindi ko masasabing… 70 percent, pero almost ganun, dahil siyempre… hindi rin naman ako ulit magiging ipokrito kung sabihin ko hindi ako nasaktan sa mga past na nangyari sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And siguro sobrang bata ko nung time na yun kaya meron akong nagawa sa kung anumang mga decisions, and I’m still thankful for that.

“Sobrang thankful pa rin ako dun sa mga struggles ko before. Kung ano ako ngayon, kung ano ako na humaharap sa inyo ngayon, sobrang version… 32 na ako kumbaga,” nakangiti niyang pahayag.

Read: Does Louise delos Reyes regret transferring to ABS-CBN?

NOT YET FULLY RECOVERED

Hindi pa raw masasabi ni Louise na fully recovered na siya.

Nandiyan pa rin daw ito, pero kahit paano ay naha-handle na niya. Hindi na naglalaro sa isip niya ang pagpapatiwakal.

“Hindi naman ako ipokrito para sabihin na hindi siya nag-end. Meron pa din sumusundot.

“Pero na-build ko yung sarili ko, dahil nagkaroon pa rin na kahit papano umahon na ako sa isang level. Kung dati, six feet under ako, ngayon siguro, five.

“Alam mo yun na dumating kasi sa point na dati talaga, as in sobra akong emotional about it.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ngayon, mas nagiging critical na rin ako sa pag-iisip, and hindi na ako… sobrang hindi ako nagiging selfish.

“I just let myself be. Kung meron man akong mga araw na off ako, I acknowledge it and siguro isa na ring magandang nangyari sa akin is may boyfriend ako.

“Isa siya sa naging anchor ko. Ako sobrang ang taas ng empathy ko. Siya, bumabalanse sa empathy ko ngayon, sa EQ ko,” saad ni Louise.

Anim na taon na ang relasyon ni Louise sa kanyang boyfriend na si Jino.

Read: Louise delos Reyes, prangka sa pakikipag-live-in

louise delos reyes boyfriend
Louise delos Reyes with boyfriend Jino
Photo/s: @louise.dr on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Willing si Louise de los Reyes na makipag-ugnayan sa ibang taong may ganito ring pinagdadaanan. Kahit paano, baka raw may maitulong siya o mai-share din ang kanyang pinagdaanan.

“Gusto ko din na parang, alam mo yun, kumonek sa mga tao na merong same struggle as…

“Dati nagkaroon pa ako ng meds, meron din… until now may mga events pa rin na pinupuntahan ko, especially pag alam mo yun sobrang unknown para sa akin, panic attack pa rin ako.

"Pero, wala e… ganun talaga yung buhay. You will never understand, I will never understand what’s happening inside my head.

"Wala, mag-pray ka lang talaga and hope na yung anchor mo, mabigat enough para hindi ka tangayin,” sabi ni Louise.

Malaking bagay ang pamilya na siyang nagpapatibay sa iyo. Pero dapat ay mismong ikaw pa rin daw ang tumulong sa sarili.

“Ayokong i-disregard yung family, pero I think it’s mostly me, struggling and fighting the inner demons.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam niyo naman kung ano ang naging history ko before. Hindi rin ganun ka-smooth-sailing at hindi rin ganun ka alam mo yun. Yung impact sa akin ng parents ko, iba din naman.

“Actually, looking back, hindi ko rin alam kung paano, ano yung naramdaman ko. Just one day, sinabi ko na maybe I should fight,” sabi pa ni Louise.

Read: Louise delos Reyes, mangungulila sa mga yumaong magulang ngayong Pasko

LOUISE ON FIGHTING INNER DEMONS

Merong gustong iparating si Louise sa mga taong may ganun ding pinagdaanan.

Aniya: “Alam ko, lahat tayo, may inner demons, I just want you to know, hindi ka nag-iisa.

"Kailangan nating tapangan pa. Kung hindi enough yung tapang mo ngayon, try to convince yourself, as I convince myself to be strong every day.

"For your partner, for your family, even for your dogs.

“Ako, isa din yung dogs ko, sobrang mahal na mahal ko yung dog ko kasi… si Cloud, nakuha ko yun during the time na nag-i-struggle ako. And he’s been my comfort, until now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So yun, even for your dogs, nag-aano yan, nag-a-apply.”

NOEL FERRER

Nagpapasalamat si Louise de los Reyes sa tulong ng Viva Films sa kanya. Tinulungan siyang makabalik.

Tuluy-tuloy ang mga pelikulang ginagawa niya, kagaya nitong Pasahero na magso-showing na sa October 9.

Pero ang maganda ay pinagtrabaho siya sa Viva Food bilang pastry chef. Nag-aral siya ng Culinary noong pandemic at ngayon ay napakinabangan na niya ito.

louise delos reyes chef
Photo/s: @louise.dr on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Doon nung nakita ko yung passion ko with cooking, with creating something. Yun nga, parang nagkaroon ng something dun sa void, may nag-grow.

“So yun, sobrang ang lapit sa akin ng pastry, kasi I remember my mom. May part ng struggle na yung good, mas nago-grow sa akin,” saad ni Louise.

Bago nung presscon ay nag-start na raw siya sa Viva Food. Nakuha na raw niya ang ID niyang ang nakasulat ay Chef MG —short for Mary Grace na tunay niyang pangalan.

“Dun ako natuwa na the first time na may tumawag sa aking ganun, naiyak ako. Chef MG, baka raw kasi malito kasi Mary Grace,” nakangiti niyang pahayag.

Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Louise delos Reyes on people who also struggle with their mental health: "Alam ko, lahat tayo, may inner demons, I just want you to know, hindi ka nag-iisa. Kailangan nating tapangan pa. Kung hindi enough yung tapang mo ngayon, try to convince yourself, as I convince myself to be strong every day. For your partner, for your family, even for your dogs."
PHOTO/S: @viva_films on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results