GORGY RULA
Dalawang teleserye na pala ang nakalagpas kay controversial actress dahil sa hindi magandang image niya sa advertisers.
Ang lakas ng dating ni controversial actress at nagre-rate ang mga programa niya. Kahit guestings nga lang ay pinapanood siya ng madla.
Nakakaaliw kasi ang karakter ni controversial actress, at nakaka-relate sa kanya ang masa. Kaya pinapanood siya.
Read: Guwapong aktor at direktor, muntik nang magsuntukan sa taping
Consistent na mataas ang rating ng teleseryeng pinagbidahan niya, pero nagtataka kami kung bakit hindi na ito nasundan.
Ang sabi noon, may follow-up show siya kaagad noong nagwakas ang kanyang teleserye, pero wala pa rin hanggang ngayon. Ilang buwan na ang lumipas.
NOT ADVERTISER FRIENDLY
Yun pala, hindi raw nagustuhan ng management ang image niya na laging nagpapakontrobersiyal. Saka hindi raw ma-appeal sa advertisers.
Nagtatanong na raw ang ilang production staff kung ano kaya ang magandang gawin para mabago ang image ng controversial actress.
Baka meron kang maisip, Sir Noel Ferrer?
Kung ikaw ang manager ni controversial actress, ano ang mabuti niyang gawin para mabigyan siya ng magandang project?
Read: Bortalicious actor, PHP50K ang "professional fee" sa mga booking
JERRY OLEA
Gusto ng advertisers na wholesome at family-oriented ang kanilang endorsers, maging ang TV programs na nilalagyan ng patalastas.
Iniiwasan nila iyong mga kontrobersiyal at nasasangkot sa kung anu-anong isyu.
Kaya iyong isang sikat na male personality, kung mapapansin ninyo — to put it mildly — hindi dinagsa ng offers na gumawa ng mga komersyal sa kabila ng malaking tagumpay niya.
Ganoon din sa kaso ng controversial actress.
Nag-rate man ang pinagbidahan niyang teleserye, kung hindi naman susuportahan ng advertisers ang next TV project na pagbibidahan niya, malulugi lang ang TV network.
Inaasam nating magbida sa pelikula ang controversial actress, para matanto natin kung may purchasing power ba ang kanyang avid supporters.
Sa ngayon ay marami pa siyang pinagkakaabalahan, lalo na’t magkakaroon muli ng halalan.
Malakas ang hatak niya sa sambayanan, kaya for sure, tiba-tiba si controversial actress pagsapit ng campaign period.
Read: Aktor na tinigok sa drama series, tumakas sa pagkaaresto?
NOEL FERRER
Ganyan din ang concern ng isang kilalang female TV personality who was tapped to be the replacement host for a TV program na hindi mabango sa advertisers.
Wish ni female TV personality na ma-reformat iyong TV program para maging pleasant ang dating.
And let’s face it, hindi bet ni female TV host na “Salome” (as in taga-salo) lang siya sa iniwang programa ng previous host. Magkaiba naman kasi sila ng branding.
