PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Herlene Budol, pinayuhang huwag munang magpakakontrobersiyal?

Herlene Budol, payag pa rin daw makatrabaho si Rob Gomez "basta malinis."
by PEP Troika
Published Sep 27, 2024
herlene budol sleeveless
Herlene Budol: "Hindi naman natin maiwasan ang mga kontrobersiya e, kumbaga, dadating at dadating sa atin yan, lalo na po sa ating mga influencers, saka mga artista po. Talagang hindi natin maiwasang masangkot tayo sa mga controversial. Kung maaaring maiwasan, iiwasan po."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nagulat ako kay Herlene Budol dahil parang lalo siyang gumanda nang nakatsikahan ko sa birthday party ni Senator Bong Revilla sa Cork Elite, Bonifacio Global City, noong Miyerkules, September 25, 2024.

Sabi ni Herlene, very single siya ngayon at gusto muna niyang mag-focus sa sarili.

Read: Herlene Budol eyes expansion of apartment complex: "Nakabili na po ako ng lupa ko."

Nananatili pa naman daw silang magkaibigan ng kanyang dating boyfriend na matagal din niyang nakarelasyon.

“Ngayon po, single na single po ako. Yung first boyfriend ko, masaya na po sa iba, at saka friends naman po kami, pati yung family niya.

“Ako naman po on my part, parang na-realize ko na dapat mas mahalin ko muna yung sarili ko bago ako magmahal ng ibang tao.

"So, ngayon po, nasa journey ako ng buhay ko na nagwo-work ako, kumakain nang tama. Tapos, love yourself talaga,” saad ng 25-year-old comedienne at TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Herlene Budol explains context behind private convo with Rob Gomez; says, “Indi ako hayok sa laman.”

LOW PROFILE

Mas okay na tahimik muna sa ngayon at walang kontrobersiyang kinasasangkutan.

Pinayuhan kaya si Herlene na iwasang magpakontrobersyal?

“Parang napapagod na rin akong mag-ingay nang mag-ingay. Ay! Hindi, joke lang!

“Kumbaga, para siguro… yung pag-iingay siguro hindi naman sinasadya, nagkakataon lang, at saka hindi po palaging dapat maingay. Kailangan ding magpa-miss, kumbaga,” napangiti niyang pahayag.

Patuloy ni Herlene: “Hindi naman natin maiwasan ang mga kontrobersiya e, kumbaga, dadating at dadating sa atin yan, lalo na po sa ating mga influencers, saka mga artista po. Talagang hindi natin maiwasang masangkot tayo sa mga controversial.

“Kung maaaring maiwasan, iiwasan po. Kasi siyempre, sino ba naman ang gustong pag-usapan ang buong buhay natin? At saka may bigat din po sa amin.

“Kumbaga, masakit din po sa part namin na parang lagi lang po bang mali yung ginagawa namin? Gusto naming gumawa palagi ng tama. Maka-inspire ng ibang tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa masabi ni Herlene kung ano ang naka-lineup na projects niya sa GMA-7.

Mas alam daw ng GMA-7 kung anong mas magandang show para sa kanya. Hinihintay lang daw niya ang desisyon ng Kapuso network.

Read: Herlene Budol di nagmamadaling magkaroon ng follow-up project pagkatapos ng Magandang Dilag

NOEL FERRER

Sa Regal Legacy event noong Setyembre 21, Sabado, sa Valencia Events Place, Quezon City, binanggit ni Rob Gomez na sana’y magka-sequel ang teledrama nila ni Herlene Budol na Magandang Dilag.

Read: Rob Gomez, wala na umanong komunikasyon kay Herlene Budol

Herlene Budol explains
Herlene Budol and Rob Gomez
Photo/s: Courtesy: Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Why not po? Basta maayos po yung trabaho, malinis,” bulalas ni Herlene.

Nakakaintriga ang sinabi niyang "malinis."

Paliwanag ni Herlene, “Siyempre, nahahaluan po tayo ng showbiz topic na kailangan na yun po ang kailangan natin iwasan.

“Mahirap na makipagkaibigan na sobrang dikit na parang nabibigyan ng malisya.”

Naintindihan daw niyang naiintriga minsan sa mga nakakatrabaho niya kaya mas mabuting maingat na raw sa susunod.

“Ganun pa rin naman po ako. Siguro, nasa tamang pagdala lang po talaga. At saka, kahit anong gawin mo talaga, may masasabi at masasabi sa iyo yung mga tao, e.

“Kaya ako dedma, para mabuhay na lang talaga ako nang para sa sarili ko. At kung ano yung tama, ipagpatuloy ko,” sabi pa ni Herlene.

JERRY OLEA

Kung gandara na ang fezlak ni Herlene Budol, hindi na siya puwedeng tawaging Hipon Girl?

Pero sa mga Facebook shoutout niya, andoon pa rin ang kaakibat na mga shrimp emoji:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag mag tooth brush ba Ang pilipinas matatanggal ba Ang Cavite?”

“Bigla akong napaisip, nagbabayad rin ba yung mga treasurer?”

“WANTED: Karoling members yung walang pera para ganado kumanta.”

“Nasalubong ko yung classmate ko na may pa takip takip pa cya ng papel e bagsak din grades nya. Buti indi ako kumopya sa kanya.”

Patok na patok sa mga Ka-Squammy at Ka-Budol ang mga hirit niyang ganyan, kaya asset si Herlene ng mentor niyang Wilbert Tolentino sa mga pauga nito sa adhikaing Ahon Mahirap.

E, di ba, ipinaubaya na ni Herlene kay Ka-Freshness Wilbert ang novelty song na Kain Tayo, pero join pa rin si Herlene sa music video niyon, huh?!

Natawa nga si Rob Gomez nang mapanood ang music video ng Kain Tayo.

Read: Herlene Budol pays tribute to her humble beginnings in 24th birthday shoot

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol: "Hindi naman natin maiwasan ang mga kontrobersiya e, kumbaga, dadating at dadating sa atin yan, lalo na po sa ating mga influencers, saka mga artista po. Talagang hindi natin maiwasang masangkot tayo sa mga controversial. Kung maaaring maiwasan, iiwasan po."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results