JERRY OLEA
Heartfelt ang medley of love songs ni Nina sa closing ceremony ng 4th Philippine Film Industry Month (PFIM) nitong Setyembre 27, 2024, Biyernes, sa Seda Vertis North, Quezon City.
Parang patikim na iyon sa birthday concert ng Asia’s Diamond Soul Siren na Love Nina, na gaganapin sa Oktubre 30 ng gabi sa The Theatre at Solaire.

Aniya, “Always naman pa-surprise talaga ang mga birthday concert ko. So siyempre, andoon pa rin ang mga favorite na mga songs nila from my albums,” mabining pagngiti ni Nina.
“Plus yung mga requested songs nila. Kasi during my bar shows, may mga request sila, e. So gusto ko, to put it in one whole show, sa birthday concert.”
Sa November 1 ang 43rd birthday ng singer.
NINA ON concert title LOVE NINA
Bakit Love Nina ang title ng birthday concert niya?
“This is a birthday concert for you, guys, na from me talaga. Instead of them giving me a birthday gift, ako ang nagbibigay sa kanila ng birthday gift every birthday ko.”
Ano ang message niya para sa kanyang fans at supporters na hindi siya iniwan all these years?
“Naku, sobrang siguro, 'thank you very much’ is an understatement talaga,” sambit ni Nina.
“Pero talagang maraming-maraming salamat sa support all these years. Talagang lahat ng mga fans ko from before hanggang ngayon, andiyan pa rin sila.
“May mga bagong dumadating, mga younger generation, but still I’m so thankful na dahil sa kanila, nandito pa rin ako.”
Andami mang dumating na bagong mang-aawit, mas competitive na, at nag-iba ang landscape, pero may puwang pa rin si Nina sa local music industry.
“And I’m so grateful for that," aniya.
"Na merong mga supporters sila, meron ding mga supporters sa amin, tapos sabay na supporters sa kanila saka sa akin.
"So hangga’t nandiyan sila at gusto nilang nandito ako, nandito pa rin ako.”
Panauhin ni Nina sa kanyang birthday concert sina Ian Veneracion, Randy Santiago, at David Pomeranz.
Available ang tiket sa TicketWorld at Ticket1.
NOEL FERRER
Ang ibang kasabayan ni Nina, o sumunod sa kanya, ay hindi na aktibo sa local music industry.
Ano kaya ang pangunahing dahilan at may staying power siya? Halos 22 years na rin siya sa music industry.
“I think, talagang hard work, and ito talaga yung gusto ko, e. Kumbaga, kahit magkapamilya ako or whatever, parang doon pa rin ako nagga-gravitate, e,” pahayag ni Nina.
“Towards you know music and singing and entertaining, performing. So parang pag wala akong kanta o wala akong performance, parang nalulungkot din ako.”
GORGY RULA
NINA CAN'T IMAGINE A LIFE WITHOUT MUSIC
Bahagi ng pang-araw-araw na buhay ni Nina ang musika.
“Kahit naliligo, kahit nagbibihis, kahit may konti lang akong ginagawa, meron talagang background music,” sabi ni Nina.
“Hindi puwedeng wala iyon talaga. Hindi puwedeng silence.”
Naisip ba niyang sumubok sa ibang larangan, halimbawa’y magnegosyo?
“Actually meron din naman. Meron din siyempreng negosyo kahit papaano,” sagot ni Nina.
“Dapat meron ka ding investment. Meron din naman akong ganon. Hindi naman puro ano lang, whatever lang. Meron din akong ganun. May naipundar na.”
Maraming naituro sa buhay ang paglaganap ng pandemya. Ano ang aral na tumatak sa kanya nitong nakaraang mga taon?
“Ahhmm I think ano lang talaga, there’s always time for everything. And always be thankful for the present,” saad ni Nina.
“Kasi you will never know what the future may bring, and the past is already gone.
"So the present is the most important thing in our life.
“Be thankful for the present, and be happy in the present.”
Ano ang pakahulugan ng ‘love’ sa buhay niya ngayon?
Napangiti muli si Nina, “Oh, love is everywhere. Love is inside me, and in all the things and all the people.”
May partikular ba siyang pinatutungkulan ng ‘love’?
“Of course my family siyempre, unang-una sa kanila. Dahil kung hindi dahil sa kanila, sa support nila, wala rin ako dito,” sagot ni Nina.
“Kasi kumbaga they support me in what I do in my singing career.”
Read:
Janno Gibbs yearns for TV return; sheds "laging late" reputation
Direk Joey Reyes explains why And So It Begins was chosen as Philippine entry to Oscars
