JERRY OLEA
Pinukpok ni Cherry Pie Picache ng tabo si Mercedes Cabral sa pelikulang Fatherland, sa direksiyon ni Joel Lamangan.
Iba iyong dynamics nila ni Mercedes sa Fatherland kumpara sa Kapamilya teleseryeng FPJ’s Batang Quiapo.
Read: Cherry Pie Picache, "tinakot" si Mercedes Cabral
“Ako naman ang kontrabida sa movie!” natatawang sabi ni Cherry Pie nang makachikahan ko noong Setyembre 21, 2024, Sabado, sa Alba’s restaurant, Morato Avenue, Quezon City.
“Ako yung sumusugod, ako yung lumalaban. Masaya! Masarap namang katrabaho si Ched [palayaw ni Mercedes], e.
“Parang nagtutulungan, nagko-collaborate. Katulad nga ng sabi namin noong storycon, di ba? Sa Manila Hotel. Ayun, maganda! Masaya!
“Masaya para sa akin, kasi, Chinese iyong karakter ko sa movie, di ba? Kahit ako, natatawa sa sarili ko.
“Ang saya! Parang Alice Guo, pero mahirap. Mahirap palang mag-Chinese, mag-Fukien.”
May Chinese interpreter sa set na tumulong kay Cherry Pie para sa mga Fukien line niya.
Read: Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral, tulungan off cam

SMOOTH SHOOTING
Walang naging problema si Cherry Pie sa set ng Fatherland. Smooth ang shooting nila ni Direk Joel.
“Wala. Alam mo naman si Direk Joel, basta gusto niya lang, mabilisan dapat,” saad ni Cherry Pie.
“So lahat, attentive. Lahat, on your toes, di ba? So, basta handa ka naman at alam mo yung linya mo, hindi ka rin matataranta.
“Tapos, huwag mo na lang papansinin pag tumatalak. Pabayaan mo lang.”
Sanay na sanay na si Cherry Pie kay Direk Joel, na nakilala niya noong baguhan pa lang siyang artista noong early 1990s.
“Iyan ang mga kinagisnan ko, tapos doon ako natuto, sa mga old-school director,” sey ni Cherry Pie.
“Nakaka-miss sila, sina Direk Peque [Gallaga], sina Direk Mel Chionglo. So, iilan-ilan na lang sila.”
Hindi pa nakaka-experience si Cherry Pie na mag-shoot ng pelikula na natapos in three shooting days.
“Parang ang hirap naman nun… pero mahirap na ring magsalita. Baka sa susunod nating pagkikita, ‘Ay, oo! Ito, three days na lang ang shooting nito!’ Ha! Ha! Ha!” pagtawa ng premyadong aktres.
Nasa cast din ng Fatherland sina Allen Dizon, Iñigo Pascual, Max Eigenmann, Ara Mina, Angel Aquino, Jim Pebanco, Jeric Gonzales, Rico Barrera, Yasser Marta, Bo Bautista, at Abed Green.
Joint venture ito ng BenTria Productions ni Engr. Benjie Austria, at Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista.
Read: Cherry Pie Picache gets emotional as she talks about 'Batang Quiapo' co-star Coco Martin

NOEL FERRER
Refreshing para kay Cherry Pie Picache ang paggawa ng pelikula, lalo pa’t naiibang karakter ang ginagampanan niya.
“Pero siguro, nagkakaedad na rin ako, OK na rin na sa TV series muna ako. Parang ayoko na rin yung katulad ng dati na ratsada nang ratsada, di ba?” lahad ni Cherry Pie.
“So ngayon, sa Batang Quiapo, masaya naman ako. Tapos, di ba, parang iba-ibang characters din yung nakakasalamuha ko. OK din.
“Tapos may movie na pakonti-konti, katulad kay Direk Joel. Yung ganun, sakto lang. Masaya.”
Meron ba siyang wini-wish na gawing project o pelikula?
“Meron akong isa. Love story. Kasi, di ba, andami natin ngayong love stories na mga bata pero walang adult love story na masakit,” saad ni Cherry Pie.
Ang peg ni Cherry Pie ay The Bridges of Madison County [1995] na pinagbidahan nina Meryl Streep at Clint Eastwood.
Sino ang bet niyang maging leading man, just in case?
“Hindi ko alam. Depende sa istorya. Dapat bagay sa script yung character,” tugon ni Cherry Pie.
Puwedeng si Christopher de Leon na nasa cast din ng FPJ’s Batang Quiapo, di ba?
“Puwede, oo. Hindi pa kami nagka-partner sa movie. Wala pa.”
Aside from FPJ’s Batang Quiapo, excited din ako sa bagong pelikulang natapos ni Pie!!! Basta gawa ni Pie, kaabang-abang.
Read: Cherry Pie Picache reacts to love triangle in Batang Quiapo
GORGY RULA
Ang taas ng expectations ng producer sa Fatherland dahil gustung-gusto ni Direk Joel Lamangan ang material.
Kuwento ito ng isang anak na hinahanap ang kanyang tunay na ama. Si Inigo Pascual ang gumaganap bilang anak at hinahanap ang ama niyang ginagampanan ni Allen Dizon.
Saad ni Direk Joel Lamangan, “Habang hinahanap niya ang tatay niya, nakikita niya ang iba’t ibang kundisyon ng Pilipinas. Kaya from father to Fatherland.
“Nakikita niya ang kundisyon ng bayan, kung gaano kahirap ang mga magsasaka, ang separatismo ng Mindanao, ang mga walang lupang magsasaka, ang problema ng Muslim, ang problema ng mga bakla. Nakita niya lahat yun.
“Nakikita niya yun, kaya at the end, hindi na siya umuwi.
“It’s a story of father and son, and at the same time tackling the political conditions na nag-suffer ang tatay niya.”
Nakatsikahan namin si Direk Joel sa shooting ng pelikulang ito sa Cavite City.
Bilib na bilib si Direk Joel kay Cherry Pie Picache dito na ibang-iba sa napapanood natin sa FPJ’s Batang Quiapo.
Natutuwa si Direk Joel sa Fatherland ito dahil magagaling daw ang lahat ng artista niya. Kaya ipinapanalangin nilang sana, magustuhan ito ng screening committee ng MMFF at mapili ito sa finshed films na isa-submit.
Malaking pelikula ito, at sabi ni Direk Joel, tiyak na magugustuhan ng mga manonood ang kuwento lalo na’t ang gagaling ng mga artista niya.
Read: Direk Joel Lamangan, may hirit sa alegasyon laban sa kanya
