JERRY OLEA
Mega-flop ang Megalopolis na sinulat, prinodyus, at idinirek ni Francis Ford Coppola.
$120M ang production budget ng naturang epic sci-fi film na pinagbidahan ni Adam Driver bilang visionary architect na si Cesar Catilina.
Napaka-philosophical ito. Pa-profound. May mga linyang pa-Shakespeare.
Read: Un/Happy For You, naka-PHP253M na sa box office
Ayon sa Box Office Mojo, nitong nakaraang weekend, Setyembre 27-29, 2024, ay nagbukas ito sa takilya ng North America sa pang-anim na puwesto with $4.0M.
Sa kasaysayan ng Hollywood, isa ito sa pinakamahinang opening ng big-budgeted film.
As of October 1, Tuesday morning (Manila time), ang naitalang worldwide gross ng Megalopolis ay $4.9M.

NOW SHOWING AND UPCOMING MOVIES
Kasabay ng Megalopolis na nag-open sa local cinemas noong Setyembre 25, Miyerkules, ang Sinag Maynila finalist na Maple Leaf Dreams, starring LA Santos and Kira Balinger.
Noong Setyembre 25 din nag-showing sa ating mga sinehan ang mga pelikulang Bad Genius, I, The Executioner, The Substance, Twilight of the Warriors: Walled In, The Paradise of Thorns, at iyong MMFF films sa “Sine Sigla sa Singkuwenta.”
Recommended ng ilang Facebook friends ko ang absurdist body horror film na The Substance, starring Demi Moore, Margaret Qualley, and Dennis Quaid.
Ang istorya nito ay may bahid ng satirical surrealistic black comedy fantasy film na Death Becomes Her (1992), starring Meryl Streep, Goldie Hawn, Bruce Willis, and Isabella Rossellini.

Ang Megalopolis at The Substance ay kabilang sa 22 pelikulang nag-compete sa Palme d’Or ng 77th Cannes filmfest noong Mayo 14-25, 2024 sa France.
Ang top prize ay nakamit ng comedy-drama film na Anora ng American filmmaker na si Sean Baker.
Iyong The Substance ay nagkamit ng special award na best screenplay.
Bukas, Oktubre 2, Miyerkules, ay showing na sa local cinemas ang Joker: Folie a Deux nina Joaquin Phoenix at Lady Gaga, kasabay ang Die Alone, Spring Garden, Monster Summer, at Ghost Game.

Ang mga pelikula ng Sine Sigla sa Singkuwenta ay mapapanood sa halagang PHP50 sa piling sinehan nationwide hanggang Oktubre 15.
On sale na ang tickets ng SM Cinema para sa Venom: The Last Dance na Oktubre 23 ang playdate.
Waiting pa tayo sa reveal ng SM Cinema sa mga kalahok sa Sine Sindak: Ang Ika-5 Yugto na nakatakda sa Oktubre 30-Nobyembre 5.
Para sa updates, bisitahin ang Facebook pages ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), SM Cinema, Robinsons Movieworld, at Ayala Malls Cinemas, maging ang website ng Click The City.
GORGY RULA
Nakatsikahan namin si Ms. Flor Santos, ang ina ni LA Santos na producer ng Maple Leaf Dreams.
Happy naman daw siya sa kinalabasan ng pelikula na nasa sinehan pa noong araw na yun.

May inaayos na raw sila na isa pang pelikulang pagbibidahan uli ni LA Santos.
Basta tuluy-tuloy lang siya sa pagpo-produce ng pelikula. Laban lang nang laban, kahit hindi agad naibabalik ang kita.
Mabuti at may iba pang platforms na puwedeng pagbentahan ng pelikula. Kaya kahit hindi ito gaanong kumita sa sinehan, nababawi naman nila sa ibang paraan.
Read: Kira Balinger at LA Santos movie, inunahan ang KathDen?
Pero ang isa sa nakini-kinita na naming malakas ang resulta nito sa takilya ay ang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Ang dami nang naka-schedule na block screenings at sa totoo lang, ang dami nang nangulit sa akin kung saan sila makakabili ng tickets para sa pelikulang ito.
Sana, makabawi uli tayo dito pagkatapos ng Un/happy For You, at bago mag-Metro Manila Film Festival.
Read: Kathryn Bernardo-Alden Richards movie tickets, mabibili na
NOEL FERRER
Naku, naku, gusto ko pang humabol sa panonood ng ibang MMFF Classics sa sinehan.
Brutal, Moral, Shake, Rattle and Roll, at Kung Mangarap Ka’t Magising ang susubukan ko pang habulin.
Sana, magpatuloy pa ang ganitong programa, leading to the 50th edition of the MMFF.
Sana.
