JERRY OLEA
Setyembre 6, 2024 nang mapabalita online na magbabalik na ang TAPE (Television And Productions Exponents), Inc. na nagprodyus ng noontime show na Tahanang Pinakamasaya sa GMA-7.
“TAPE Inc. is finally coming back,” post ng Facebook page ng Tahanang Pinakamasaya.
Read: TAPE ng Jalosjos family, kumpirmadong babalik sa paggawa ng shows
Ang TAPE Inc. din ang production company before sa likod ng Eat Bulaga!.
Ganoon din ng mga teledramang Valiente, Kirara, Princess in the Palace, at iba pa.
Kaway-kaway ang mga laking-TAPE, pero halos isang buwan pa ang lumipas bago nakasagap tayo ng update kaugnay rito.
NEW PRESIDENT AND CEO OF TAPE
Oktubre 3, Huwebes, nang mapabalita online na ang TV executive na si Malou Choa-Fagar (MCF) ay in-appoint bilang bagong presidente at CEO ng TAPE Inc.
Ano ang maaasahan natin sa pagbabalik ng TAPE sa ilalim ng pamumuno ni MCF?
May mapapanood na ba tayong bagong programa ng TAPE sa alinmang TV station bago matapos ang 2024?
NOEL FERRER
Nang -itext ng PEP Troika ang ating kaibigang Malou Choa-Fagar at hiningan ng pahayag na kaiba sa lumabas nang announcement ng kanyang appointment, heto ang sabi niya:
“I am flattered to be given the opportunity to head TAPE Inc.
“It is my chance to help the employees who were left behind. It will be tough (wala namang madali haha) but by God’s grace, we will make it.
“Thank you to all my friends and acquaintances for the show of their love and support. To God be the glory!”
Knowing Malou, mas cool and happy action ang gusto niyan kaya less words, at mas tahimik.
Ngunit epektibong aksyon ang i-expect natin sa bagong pamunuan ng TAPE, Inc.
All the best, MCF!!!
Read: Malou Choa-Fagar nagretiro na bilang executive ng TAPE at Eat Bulaga!
GORGY RULA
Mabigat ang responsibilidad na haharapin ni Ma’am Malou Choa-Fagar.
Pero kakayanin niya yan, kung pag-uusapan ang ilang taon niyang paghawak sa Eat Bulaga! noon.
Ang pagkakaalam namin ay naayos na nila ang terms of payment ng pagkakautang ng TAPE sa GMA-7. Kaya pinag-uusapan na ang gagawin nilang show sa Kapuso network.
Parang variety-game show pa rin ba ang gagawin nila sa GMA-7?
Huwag na sanang gamitin ang titulong Tahanang Pinakamasaya, para mukhang bago na talaga.

Naka-text ko rin ang legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.
Isa siya sa natuwa sa pagtanggap ni Ma’am Malou bilang presidente ng TAPE.
Aniya, “First, I would like to congratulate Malou. She deserves the post. I trust that with Malou on board, she can navigate TAPE to successful ventures. This is Malou’s forte.
“I am excited for TAPE’s upcoming comeback in the industry.”
NOONTIME SHOW RATINGS
Siyangapala, napansin naming tumataas ang Eat Bulaga! sa TV5 ngayong mas masaya na ang segments nila.
Binago nila nang slight ang gustung-gusto kong segment nilang "Gimme 5," at ibinalik nila ang parang "Bawal Judgmental" nila noon sa GMA-7.
Noong Martes ay lumagpas na sila ng 4%, naka-4.4% ang rating nito.
Bumaba naman nang konti ang It’s Showtime na naka-6.3%.
Ang sabi nila, ilang araw na kasing wala si Vice Ganda kaya nababawasan sila ng viewers.
Tingnan natin kung didikit na ang Eat Bulaga! sa It’s Showtime na masaya pa rin namang panoorin.
Read: Battle Of Noontime Shows: It's Showtime, from TV5 to GMA-7; Eat Bulaga!, from GMA-7 to TV5
