JERRY OLEA:
Naglipana sa social media ang samu’t saring reaksyon kaugnay sa mga personalidad na nagpa-file ng certificate of candidacy (COC) para sa 2025 elections
SHOUT OUTS
Balitaktakan ang netizens, at nakakatawa na nakakalungkot ang ilang himutok na nire-repost: “When you’re bored, travel or just watch Netflix. Hindi yung bigla kayong nagfa-file ng Certificate of Candidacy.”
“Yung line up ng ibang partido, parang pinapakilala lang ang cast ng new season ng Money Heist.”
“Suggestion ko dun sa mga vlogger na makakapuwesto sa gobyerno, paki-vlog po ang lahat ng mga katiwalian.”
“Puro influencers at artista ang tatakbo, sh*t*ang ina. Public service po ang papasukin ninyo, hindi Star Magic Ball."
AIKO MELENDEZ'S ADVICE
Nitong Oktubre 4, 2024, Biyernes, nag-post si Quezon City Councilor Aiko Melendez ng payo sa mga kapwa artista na nagnanais tumakbo sa 2025 elections.
Pahayag ni Aiko, “Lahat naman tayo me puso sa pagtulong but it is also best na kapag papasok sa larangan or posisyon na ninanais niyo alamin din ang trabaho at talagang ginagawa.
“Like for me nung unang pinasok ko ang pagiging konsehal nag crash course muna ako sa UP-NCPAG for legislative work.
“Kasi hindi lang naman puro pagtulong ang ginagawa ng isang konsehal. Nagpapasa din ito ng mga batas at resolutions sa sinasasakupan mo.
“So let not be your name ‘as an artista’ ang maging bala ninyo. It is best to know what you are getting into.
“Kasi buhay ng tao ang at stake dito. Lahat naman natutunan at mapag aaralan pero isapuso ninyo ang pagpasok sa pulitika kasi nakakaaawa na mga tao na lagi nalang nagiging sabik sa totoong motibo at serbisyo mula sa atin mga artista.
“Para na dn mas madami ang magtiwala sa ating mga artista na nagtratrabaho ng maigi para sa tao.”
COMPETENCE VS. FAME
Ang Facebook post ng Kapuso scriptwriter na si Suzette Doctolero nitong Oktubre 5, Sabado, “Nakakabahala na talaga ang pulitika sa ating bansa.
“Dahil filing na ng mga COC kaya saksi tayo ngayon sa karima-rimarim na realidad, kung saan ang mga artista, influencers, at family dynasties dominate our elections.
“Mga taong sikat nga, at ginagamit ang kasikatan, pero wala namang mga alam at sapat na kapasidad, skills, at talino, para pamahalaan at tugunan ang lumalalang social at economic issues sa ating bansa.
“Umaasa ang mga taong ito na ang kanilang kasikatan, fans at followers, family connections, ay sapat na para pamahalaan ang bayan.
“Hindi pamalit ang kasikatan sa competence, na malinaw naman (sa mabababaw na pagsasalita nila at interviews) na wala sila!
“Nasaan na ang mga pinuno na may integridad, talino, kakayahan, at tunay na may puso para maglingkod sa bayan?
"(Iboto ninyo naman si Atty. Chel Diokno, pakiusap! Nanghihinayang din ako na sa local lang tatakbo si Leni Robredo, hindi man ako bomoto sa kanya noong Pres election, pero deserve niya naman ang Senado).
"We need leaders who understand the gravity of their responsability!
“Buhay, kabuhayan, kinabukasan ng taumbayan at salinlahi, at ng ikakabuti ng bansang Pilipinas ang at stake dito!
“Tigilan na ang pagboto sa mga taong ang mayroon lang ay kasikatan. Ang dami dami na nilang nakatanga sa Senado at Kongreso! Huwag na po natin silang dagdagan.
“Husto na po, maawa na tayo sa bayan. “We deserve better than this circus of incompetence!”
- Vilma Santos, sons Luis and Ryan file COC in Batangas
- Richard at Lucy, Alfred Vargas, Arjo Atayde nag-file na ng COCs
- Angelu de Leon, Yeoj Marquez, Camille Villar nagsumite ng COC
GORGY RULA:
May punto ang mga hanash nila. Pero paulit-ulit ngang sinasabing lahat ay may karapatang tumakbo, basta isa kang Pilipino at hindi espiya ng kung ano mang bansa! Nasa ating botante na lang talaga nakasalalay iyan!
Kung ano man ang kalalabasan ng eleksyon next year, at ano ang kahihinatnan ng ating bansa, deserved natin iyan, dahil hindi na tayo natuto.
Gusto ko namang ipagtanggol ang ilang taga-showbiz na pinasok ang public service.
Marami ang nakikita nating nagtatrabaho talaga. Hindi man sila magaling, pero hindi sila nagpapabaya.
Nag-aaral ang karamihan sa kanila dahil gusto nilang matuto, hindi lang para sa sarili, kundi para sa kinasasakupan nila.
Samantala, natutuwa ako sa mga magulang na todo suporta sa mga anak nilang nag-file ng kanilang COC.
Maaga pa lang ngayong Sabado ay sinamahan na ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang kanilang anak na si Michael na tatakbong konsehal ng General Santos City.
Ang aga ring sinamahan si Mayor Vico Sotto ng magulang niyang sina Vic Sotto at Coney Reyes na nag-file ng kanyang COC bilang alkalde ng Pasig City.
Bale panghuling termino na ito ni Mayor Vico, at sabi ng kanyang inang si Coney Reyes, wala na raw siyang pangamba dahil alam na alam na ng kanyang anak ang ginagawa nito sa Pasig City.
“So now I have peace in my heart. He has peace, we know what we’re doing, we know what he’s doing. So, nothing to worry about. God is in control,” saad ni Coney Reyes.

Read: Coney Reyes on prodding Mayor Vico about love life: “Ayoko na.”
NOEL FERRER:
Eleksyon na naman. Sana, makita ng tao na nasa kamay natin ang kahihinatnan ng resulta nito.
Ang sarap sabihin na, “Ginusto ninyo iyan, kayo ang bumoto niyan, e!”
Ito ang panahon na kikita ulit ang TV networks dahil sa political ads. Dito mate-test ulit ang paninindigan ng mga nasa news kung magpapaimpluwensiya sila sa mga may pera at kapangyarihan.
Para sa ating mga boboto, sana’y bumoto tayo ng ng lider na gusto nating maging! Mga uri ng tao na gusto nating pamarisan. Iyung mahusay na, may integridad pa at may pananagutan sa tao, Diyos at bayan! Sana. Sana talaga, natuto na tayo!
