PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MTRCB, ipinagdiwang ang ika-39 anibersaryo

MTRCB, naglabas ng 2024 3rd Quarter Report
by PEP Troika
Published Oct 6, 2024
MTRCB logo
Ipinagdiwang ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang kanilang ika-39 anibersaryo nitong nakaraang Sabado, Oktubre 5, 2024.
PHOTO/S: File

JERRY OLEA:

Ipinagdiwang ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang kanilang ika-39 anibersaryo nitong Oktubre 5, 2024, Sabado.

MTRCB logo
MTRCB logo
Photo/s: File

Pahayag ng MTRCB sa kanilang Facebook page, patuloy silang kaagapay ng pamilyang Pilipino tungo sa responsableng panonood sa Bagong Pilipinas.

“At hanggang ngayon, nananatili kaming tapat sa aming misyon na suriin at i-classify ang mga pelikula at programa sa telebisyon upang makapagbigay ng tamang gabay sa mga manonood sa pamamagitan ng wastong klasipikasyon o rating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayong anibersaryo ng MTRCB, anong anniversary wish mo sa MTRCB?” bahagi pa ng FB post ng MTRCB.

Naglabas ng infographics ang MTRCB sa FB kaugnay sa kanilang history.

MTRCB
MTRCB Leadership Through The Years
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bahagi ng post, “Taong 1929 hanggang 1936, una itong kinilala bilang Board of Censorship for Moving Pictures o BCMP.

“Ika-09 ng Hunyo 1936, matapos maitatag ang ‘Commonwealth Government of the Philippines at pagkaluklok ni Manuel L. Quezon bilang pangulo ng bansa, nabago ang pangalan ng Board patungong Board of Review for Moving Pictures o BRMP.

“Makalipas ang mahigit dalawang dekada, inamyendahan ang umiiral nitong batas at muling napalitan ang pangalan ng Ahensya bilang Board of Censors of Motion Pictures noong ika-17 ng Hunyo 1961.

“Dalawampung (20) taon ang dumaan, dahil sa kontrobersiyang naidikit sa titulong ‘censors’ sa pangalan nito, at pagkilala na rin sa mga programa sa telebisyon bilang parte ng niriribyu ng Board, muling binago ang pangalan nito at naging Board of Review for Motion Pictures and Television (BRMPT) noong ika-13 ng Nobyembre 1981.

“At makalipas ang apat na taon, sa ilalim ng liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Sr., naisabatas ang Presidential Decree No. 1986 matapos lagdaan ng presidente noong ika-05 ng Oktubre 1985. “Dito, muling napalitan ang pangalan ng Ahensya at kinilala bilang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), na hanggang ngayong ay siyang ginagamit bilang pangunahing ahensya na ang layunin ay matiyak na ligtas ang mga palabas at angkop ito para sa mga kabataang manonood.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging kontrobersyal ang pagka-X kamakailan ng MTRCB sa mga pelikulang Alipato at Muog at Dear Satan. Naaprubahan kapagkuwan ang documentary na Alipato at Muog, samantalang na-X pa rin ang Dear Satan sa second review.

alipato at muog dear satan x-rated

MTRCB'S 2024 3RD QUARTER REPORT

Napag-alaman ng PEP Troika na 196,304 pelikula, palabas sa telebisyon at iba pang pampublikong materyal ang narebyu ng MTRCB mula Enero hanggang Setyembre 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
MTRCB
MTRCB 3rd quarter report

Opo, batay sa datos, 196,304 na TV programs, plugs at trailers, optical media at publicity materials, movie trailers at pelikula ang nirebyu at binigyan ng angkop na klasipikasyon ng tatlumpu’t isang (31) Board Members sa loob ng siyam na buwan.

MTRCB
MTRCB 2024 1st Quarter Report
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MTRCB 2024 2nd Quarter Report
MTRCB 2024 2nd Quarter Report

MTRCB 2024 3rd Quarter Report
MTRCB 2024 3rd Quarter Report
Photo/s: MTRCB
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Pinakamalaking bilang sa narebyu ay ang TV programs, plugs at trailers na umabot sa 194,366, samatalang 412 na pelikula at 403 trailers naman ang narebyu. Umabot sa 1,123 na publicity at optical media materials ang narebyu ng Board.

Read: To abolish or to retain: Is MTRCB censorship still relevant in the digital age?

GORGY RULA:

Ayon kay MTRCB Chair Lala Sotto-Antonio, tiniyak ng Board na ang lahat ng materyal na isinabmit sa Ahensya ay susog sa Presidential Decree (PD) No. 1986, ang batas na basehan ng bawat komite sa pagrerebyu ng mga materyal.

MTRCB, OPTIMISTIC SA PAG-REVIEW NG MAS MARAMING MATERIALS BY END OF 2024

“Ang PD No. 1986 o ang MTRCB charter ang sandigan ng ating Board pagdating sa pagri-rebyu,” sabi ni Sotto-Antonio. “Nakapaloob dito ang pagbibigay-halaga sa contemporary cultural Filipino values sa bawat rebyung isinasagawa.”

Noong 2022, nakapagrebyu ang MTRCB ng 230,280, at 255,220 noong 2023.

Optimistic si Chair Lala na malalagpasan ng Board ang bilang ng kanilang marerebyu dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga materyal habang papalapit ang katapusan ng taong 2024.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: MTRCB says X-rating for Dear Satan is final

NOEL FERRER:

Ano ang anniversary wish ko para sa MTRCB?

Na lagi itong kaagapay ng mga manlilikhang Pilipino. Sana, mas marami tayong mga pelikulang maipalabas.

At sana, hindi magiging hadlang ang MTRCB sa pagpapaunlad ng online content natin sa ating bansa.

Sana, mag-co-exist ang MTRCB sa mga reputable na streaming platforms para lumawak pa ang ating repertoire ng magagandang content.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinagdiwang ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang kanilang ika-39 anibersaryo nitong nakaraang Sabado, Oktubre 5, 2024.
PHOTO/S: File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results