PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lavender Fields at Pulang Araw pasok pa rin sa Top 10 ng Netflix

Pulang Araw writer, sinagot ang "inaccuracy" umano sa isang eksena.
by PEP Troika
Published Oct 7, 2024
jodi sta. maria alden richards netflix
Lavender Fields starring Jodi Sta. Maria (left) and Pulang Araw starring Alden Richards (right) still trending on Netflix Philippines among TV shows.
PHOTO/S: Netflix Philippines

JERRY OLEA

Bumaba na ang Lavender Fields sa third place among the Top 10 TV Shows in Netflix Philippines ngayong Oktubre 7, 2024, Lunes.

No. 1 pa rin ang South Korean suspense mystery horror TV series na Gyeongseong Creature, samantalang pangalawa ang Australian sci-fi series na The Amazing Digital Circus.

Read: Lavender Fields naungusan sa Top TV Shows ng Netflix

Ang good news, nakamit ng Lavender Fields ang all-time high viewership record nang magtala ng 755,332 peak concurrent viewers ang episode nito noong Oktubre 4, Biyernes.

Patuloy na sinusubaybayan ng mga manonood ang Lavender Fields dahil sa pasabog na mga rebelasyon nito.

Inamin na ni Aster (Maricel Soriano) ang kanyang tunay na intensiyon sa pagtulong kay Jasmin (Jodi Sta. Maria).

maricel soriano jodi sta. maria lavender fields
Maricel Soriano and Jodi Sta. Maria in a scene from Lavender Fields
Photo/s: Kapamilya Channel
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinaniniwalaan ni Aster na ang tatay ni Iris (Janine Gutierrez) na si Vittorio (Edu Manzano) ang nasa likod ng pagkawala ng kanyang anak na si Marigold.

Samantala, humingi ng tulong si Jasmin kay Zandro (Albert Martinez) sa paghahanap ng kanyang anak.

Ipinakita rin sa episode noong Biyernes ang pagbabalik ni Tyrone (Jericho Rosales), na nananatiling buhay at nakakulong lang pala.

Read: Lavender Fields, namukadkad bilang No. 1 TV Show sa Netflix PH

PULANG ARAW WRITER ON INACCURACY ALLEGATION

Samantala, three consecutive days nang nasa pangwalong puwesto ang Pulang Araw na 53 out of 100 episodes na ang streaming sa Netflix.

Sinagot ng Kapuso writer na si Suzette Doctolero ang puna ng author na si Nereo Cajilig Lujan na kesyo INACCURATE ang eksena sa Episode 52 ng Pulang Araw kung saan tinuruan ni Major Tyler Campbell (Billy Ray Gallion) si Eduardo de la Cruz (karakter ni Alden Richards) na magpaputok ng M1 Garand rifle.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Pulang Araw creator, sinagot kung bakit nag-i-English at Tagalog ang mga Hapones sa Pulang Araw

alden richards pulang araw
Alden Richards (left) and Billy Ray Gallion (right) in a scene from Pulang Araw
Photo/s: Netflix Philippines

Sabi ni G. Lujan, ang naturang eksena “overlooks the critical shortage of supplies, especially ammunition, faced by the guerrillas during World War II.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Given the scarcity of bullets, guerrillas had no luxury for target practice. Every round of ammunition was precious, reserved for vital combat against Japanese forces, and wasting bullets on practice would have been unthinkable.

“The production team missed an opportunity to highlight the realities of guerrilla life by not focusing on how fighters had to conserve resources.

“A more historically accurate approach could have shown Campbell instructing Eduardo through alternative methods, such as dry-firing or technique drills, without wasting live ammunition.

“This would have added authenticity and underscored the resourcefulness of the guerrillas, making the narrative more compelling.”

Paliwanag ni Bb. Doctolero: “Hello. Salamat sa feedback. Baka nakaligtaan ninyo lang pong alamin ang timeline ng inyong napanood? Early part pa po tayo ng 1942 sa Pulang Araw.

“Meaning, hindi pa po bumabagsak at napapasa kamay ng Japanese Imperial Army ang Bataan (Abril 1942) at Corregidor (May 1942).

“Wala pa hong scarcity ng supplies (pagkain, fuel at ammunitions) sa early part ng 1942. Nagpakita lang tayo ng panic buying ni Julio pero natural at human nature iyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang dami dami pong ammunitions ng mga kano kaya okey lang yang magsayang pa ng kaunting bala sa trainning. Possible iyan lalo at ang paniniwala pa ng lahat noon, na by christmas (1942) ay natalo at napalayas na ng USAFFE, sa ating bansa ang mga Japs (syempre ay mali ang hula nila).

“1943 pa po tunay na mararamdaman ang scarcity (pagkain, fuel at ammunitions) lalo at nagsimula nang mag hoarding ang mga hapones.

“Lahat po iyan ay ididiscuss sa Pulang Araw, after 24 Oras, Monday to Friday sa Gma Prime at syempre ay sa Netflix.

“Nawa ay makatulong sa pagbibigay paliwanag at sana po, kapag maresearch ninyong tama kami, ay paki kurek na lang po ang inyong damaging post. Hangad po nating lahat na mabigyan ng maayos na info ang mga tao.

“Salamat po!

“For your ref materials: Kwentong Bayan Noong Panahon ng Hapon (Kintanar, etc), The Fateful Years (Agoncillo).”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:

  1. Gyeongseong Creature
  2. The Amazing Digital Circus
  3. Lavender Fields
  4. Love Next Door
  5. Culinary Class Wars
  6. Nobody Wants This
  7. Monsters: The Lyle and Erik Menendez Story
  8. Pulang Araw
  9. Heartstopper
  10. The Resident

NOEL FERRER

Ngayong Oktubre ay wala pang pelikulang Pinoy na pumasok sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines.

Noong Setyembre 30, nasa 10th place ang Chances Are, You and I nina Kelvin Miranda at Kira Balinger. The next day ay naligwak na ito.

Sa Oktubre 10, Huwebes, pa mag-uumpisa ang Netflix streaming ng BarDa movie na That Kind of Love.

Sa Oktubre 17 naman ang streaming ng zombie thriller nina Sid Lucero at Beauty Gonzalez na Outside, samantalang sa Oktubre 24 ang streaming ng Under Parallel Skies nina Win Metawin at Janella Salvador.

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:

  1. The Platform 2
  2. Trouble
  3. The Garfield Movie
  4. Miss Peregrine’s School for Peculiar Children
  5. Faster
  6. Smile
  7. No More Bets
  8. The Mummy
  9. IT
  10. Ghost Rider
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ako naman, ang naisingit ko lang sa oras ko na panoorin sa Netflix ay ang documentary na Will and Harper, at maayos ang pagkakagawa nito!

Umikot na ito ng mga international film festivals and it is a good look at the life of people in transition.

GORGY RULA

Sa mga tumututok sa Pulang Araw at pati sa Lavender Fields, parang involved talaga sila kaya ipiuo-post nila kung ano ang napapansin nila sa bawat episode nito.

Napanood ko iyung episode na yun na tinuturuan si Eduardo (Alden Richards) ng Amerikano niyang ama.

Pero may eksena roon na pupuntahan nilang mga guerilla ang garrison ng mga Hapon dahil maraming mga armas na nandoon.

Iyon ang unang misyon na isinama si Eduardo. Kaya ipinapalabas na may balak silang kumuha ng mga armas na itinago ng mga Hapon.

Ipinakita roon kung paano makipaglaban ang mga kababayan natin sa pananakop ng mga Hapon.

Iyon nga lang, ang tagal pa bago dumating ang giyera at madrama pa ang mga episode na napapanood natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sakit pang panoorin yung kuwento ng mga comfort women. Kaya sana, mapanood talaga ito ng mga estudyante, dahil sa mga detalyadong paglalatag ng kasaysayan ng ating bansa.

Dapat na manatili pa rin ito sa Top 10 trending ng Netflix PH.

Samantala, natuwa na rin si Kelvin Miranda nang nakatsikahan namin kamakailan dahil pumasok sa Top 10 trending ang pelikula nila ni Kira Ballinger na Chances Are, You and I.

Hindi ko lang natapus-tapos panoorin ito sa Netflx dahil nahahabaan ako at may bagot factor.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lavender Fields starring Jodi Sta. Maria (left) and Pulang Araw starring Alden Richards (right) still trending on Netflix Philippines among TV shows.
PHOTO/S: Netflix Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results