PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nora, bakit second nominee lang? Bong, may payo sa mga artista

Bong Revilla, may payo sa mga artistang pumapasok sa politika.
by PEP Troika
Published Oct 7, 2024
nora aunor bong revilla 2025 elections
National Artist Nora Aunor (left) explains decision to accept offer to run as second nominee of People's Champ party-list; Senator Bong Revilla (right), who is running for reelection, has words of wisdom to fellow celebrities who enter politics.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Hindi ako sinasagot ng ilang kaibigang solid Noranians nang tinanong ko kung bakit pinasok muli ni Nora Aunor ang politika.

Kasama ni Ate Guy na nag-file ng certificate of candidacy ng party-list na People’s Champ si dating Congressman Nick Enciso ngayong Lunes, Oktubre 7, 2024.

Read: Nora Aunor, Abby Viduya, Aljur Abrenica tatakbo rin sa 2025

Ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora ang nag-endorso dati sa Bicol Saro party-list, kung saan si Enciso ang representative.

Pero ngayon ay binuo nila ang People’s Champ, kung saan si Ate Guy ang second nominee at si Enciso ang first nominee.

Halatang kinakabahan si Ate Guy nang humarap sa media. Parang hinihingal pa siya nang magsalita ito.

Tinanong siya kung ano ang una niyang gagawin sa Kongreso kung sakaling palarin ang kanilang party-list sa darating na eleksyon.

Tugon ng Superstar, “Para po sa industriya po ng pelikulang Pilipino. Para po sa mga kasamahan kong artista, sa mga maliliit na nagtatrabaho sa industriya ng pelikulang Pilipino, sa musika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre po, lalung-lalo na po sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong, sa mga mahihirap po.”

nora aunor 2025 elections
Nora Aunor
Photo/s: Screen grab from Facebook

NORA AUNOR AS SECOND NOMINEE OF PEOPLE'S CHAMP PARTY-LIST

Naniniwala si Nora na kahit pang-ilang nominee ka, kung talagang iboboto ka ay makakapasok ang partido mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang gusto lang daw niya ay makatulong, bilang galing naman daw siya sa hirap.

“Para po makatulong… para po makatulong sapagkat yun po yung pangarap ko nung araw pa na makatulong sa ating mga kababayan, dahil galing nga po ako sa hirap. Kaya alam ko ang pakiramdam ng ating mga kababayan na nangangailagan ng tulong.

“Kahit naman po third nominee ka o fourth nominee, iboboto ka ng tao….” saad nito.

Nilinaw ni Enciso na napag-usapan nila ni Nora na kung isa o dalawa ang makuhang seat sa Kongreso, lahat daw sila sa party-list nila ay panalo.

“Isa man po ang manalo sa amin o dalawa, iisa lang po yan. Nangako po kami sa isa’t isa… ako po yung first nominee.

"Pero kahit po isa ang manalo, lahat po kami panalo. At yan po ang ipinapangako ko,” saad ni Enciso.

Read: Marjorie Barretto, muling tatakbong konsehal sa Caloocan City

JERRY OLEA

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nag-file din ngayong Lunes ng tanghali si Senator Bong Revilla ng kanyang certificate bilang reelectionist sa pagkasenador.

Sinamahan siyang nag-file ni Congresswoman Lani Mercado, ang panganay nilang anak na babae na si Atty. Inah Bautista-del Rosario, at ang supporters nitong karamihan ay mga Caviteño.

Bago sila tumungo sa Manila Hotel para mag-file ay nagkaroon muna sila ng proclamation rally sa Bacoor kung saan dinagsa ito ng mga taga-Cavite.

Read: Bong Revilla tells why he can’t commit Walang Matigas Na Pulis as a daily program

bong revilla lani ynna
Senator Bong Revilla with wife Rep. Lani Mercado (right) and daughter Atty. Inah del Rosario
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BONG REVILLA ON CELEBRITIES WHO ENTER POLITICS

Doon namin nakapanayam si Bong.

Hiningi namin ang kanyang opinyon sa mga artistang ngayon pa lang pinasok ang politika.

Inabot ng bashing ang ilan dahil sa tingin ng netizens ay hindi pa hinog ang mga artistang ito para pasukin ang public service.

Saad ng actor-politician: “Ang masasabi ko dun na papasok na mga bago, basta lagi niyo isasapuso yung kalagayan ng ating mahihirap na kababayan.

“Sa tingin ko naman, hindi natin puwedeng matahin kahit sino man. Karapatan nilang magsilbi, as long as nasa puso nilang magsilbi at pagmamahal sa bayan. Yun naman ang pinakaimportante diyan, e.

“Wala namang sinabi sa batas o sa constitution na kailangan kang maging abogado para ikaw ay pumasok sa pagsisilbi sa bayan.”

Pero dapat pa rin daw mag-aral, lalo na kung bago ka pa lang sa larangang ito.

Magti-thirty years na si Bong sa public service, at ang dami na niyang natutunan sa pagiging pulitiko, na dapat daw makinig sa mas nakakaalam at pag-aralan itong mabuti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang importante, kailangan pinag-aaralan mo, kailangan handa ka sa pag-iisip, sa talino, at matuto ka kung ano yung dapat gawin, yung tama at yung mali na hindi dapat gawin.

“Of course lahat yan, e! Ako, nagsimula ako bilang bise-gobernador ng lalawigan ng Cavite, naging gobernador, naging VRB Chairman ako, tapos naging senador ako 2004.

“Kung ako ay papalarin, pangatlong termino bilang senador.

“Kaya ako’y nagpapasalamat sa ating mga kababayan na patuloy silang nandiyan, sumusuporta,” sabi pa ni Bong.

Read: Angelu de Leon, Yeoj Marquez, Camille Villar nagsumite ng COC

NOEL FERRER

Bago magsimulang mangampanya si Bong ay gagawin pa muna niya ang Season 3 ng action-comedy series niya sa GMA-7 na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Nagpapasalamat siya sa GMA 7 na binigyan pa siya ng Season 3 na iere ito bago magsimula ang campaign.

Read: Bong Revilla, kinumpirma ang Walang Matigas na Pulis Season 3

Magsisimula na siyang mag-taping bago matapos ang buwang ito. Kailangan lang niyang ayusin ang schedule niya bilang senador at artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kailangan din kasi niyang magtrabaho bilang artista na pinagkakakitaan niya. “Time management lang,” bulalas ni Bong.

“Ako, perfect attendance naman ko sa Senado, e. Hindi ako uma-absent.

"Eto ang ating bread and butter sa showbiz, e,” bulalas ng actor-politician.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Artist Nora Aunor (left) explains decision to accept offer to run as second nominee of People's Champ party-list; Senator Bong Revilla (right), who is running for reelection, has words of wisdom to fellow celebrities who enter politics.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results