PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame, posible pa ring magbago ang isip

Willie Revillame, nanindigang hindi kailangang may alam para tumakbong senador.
by PEP Troika
Published Oct 9, 2024
willie revillame senatorial bid
Willie Revillame on senatorial bid: "Kung sabihin mo sa senado, wala ka namang alam sa kung ano ang mga sinasabi. Hindi naman kailangan meron kang alam, e. Minsan nga mas maganda pa kung wala kang alam basta busilak ang puso mo sa pagtulong. Ang alam ko lang maging mabuti ang buhay ng ating mga kababayan, sa abot kaya ng magagawa ko."
PHOTO/S: Wil To Win YouTube

GORGY RULA

Sa kabila ng mga hanash ng ibang netizens sa pagpasok ng mga artista sa pulitika, ang dami pa ring nag-file ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC), mula October 1 hanggang October 8, 2024.

Kasalukuyan pa naming kinakalap ang mga datos ng celebrities na nag-file ng COC. Ayon sa mga napagtanungan ng PEP Troika, halos 100 ang mga artista, kilalang celebrities, at social media influencers na tatakbo sa 2025 elections.

Read: Vilma Santos, sons Luis and Ryan file COC in Batangas

Sa hanay ng mga tatakbong senador, nag-file ang incumbent senators na sina Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. at Lito Lapid.

Ang dating senate president na si Tito Sotto ay nag-file din.

At sa mga bago pa lang sa pulitika ay sina Phillip Salvador, Jimmy Bondoc, Willie Revillame, at social media influencers na sina Doc Willie Ong at Marc Gamboa.

Si Robin Padilla ang nag-No. 1 sa mga tumakbong senador noong 2022 elections.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong 2025 midterm elections kaya ay kilalang celebrity o artista kaya uli ang mag-No. 1?

Read: Nora Aunor, Abby Viduya, Aljur Abrenica tatakbo rin sa 2025

WILLIE REVILLAME'S SENATORIAL BID

Si Willie Revillame ang isa sa pinag-usapan sa huling araw ng filing of COC, dahil sa lumutang ang balitang magpa-file siya, meron ding nagsasabing hindi raw.

Pero sa huli ay nakumpirmang tatakbo siyang senador.

Read: Willie Revillame confirms run for senator in 2025 elections

Ayon kay Willie, ipinaalam niya ito sa chairman ng Mediaquest na si Manny V. Pangilinan at sa TV5. Pinayagan naman daw siya.

Kung nagsalita siya noong nakaraang eleksyon na hindi niya papasukin ang pulitika dahil makakapagpahatid naman siya ng tulong sa programa niya, ngayon ay iba na.

Read: Willie Revillame announces he will not run for senator in 2022 elections

Nakausap ni Deo Macalma si Willie sa programa ng broadcaster sa DZRH ngayong Miyerkules ng umaga, October 9.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kinontra ni Willie ang paniniwala ng ibang wala naman daw siyang alam sa paggawa ng batas kaya hindi raw siya nababagay sa senado.

Ayon sa TV host, sapat na ang pagkakaroon ng busilak na puso para tumulong sa kapwa.

Aniya: "Kung sabihin mo sa senado, wala ka namang alam sa kung ano ang mga sinasabi.

“Hindi naman kailangan meron kang alam, e. Minsan nga mas maganda pa kung wala kang alam basta busilak ang puso mo sa pagtulong.

“Ang alam ko lang maging mabuti ang buhay ng ating mga kababayan, sa abot kaya ng magagawa ko.

“Tuwing kampanya, ang daming nangangako. Itanong ko sa yo, bumalik ba yang mga yan sa mga pangako nila? Bumalik ba sila sa mga napangakuan nila during the campaign?

“Ako, gagawin ko yan. Hindi ko na kailangan ng pera, hindi ako magnanakaw.

"Bakit? Natatakot ako sa Diyos, e."

Read: Aiko Melendez, Ara Mina, Shamcey Supsup for councilor sa 2025

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
willie revillame submits coc
Photo/s: Wil To Win YouTube

JERRY OLEA

Sinagot din ni Willie Revillame ang ibang nagmamaliit sa mga kagaya niyang artista na pinasok ang pulitika.

Sabi niya: “Simple lang ang gusto ko, maging maayos, gumawa ng kabutihan. Hindi ako makipagtalaktakan nang Inglesan, kung anuman.

“Ang dami nang ginawang batas. Ang dami nang dumaang presidente, senador. Yung batas ba lahat na yun, nagawa ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Paano yung batas para sa mahihirap? Yung mga batang walang pang-aral? Yung mga batang papasok sa eskuwela, walang sapatos, walang pambiling libro.

“Yan bang kinabukasan ng buhay natin, e, ng bansa?"

Dagdag pa niya, “Huwag niyo naman kaming matahin, ano naman… kengkoy daw kami. Hindi kengkoy ang pagbibigay ng tulong sa mga kababayan natin.

"Ako naman, kapag mapagkalooban ako ng Panginoong Diyos na maging senador, hindi para sa atin, para sa ating mga kababayang mahihirap.

“Tandaan niyo, hindi naman ako nagmamalinis, marami din namang mga pagkakamali. Pero siguro eto na yung pagbibigay sa akin ng isang bagay na ikabubuti ng mga kababayan natin.

"Kawawa yung mga batang nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral."

WIL TO WIN TO CONTINUE

Muli ring nilinaw ni Willie na tuluy-tuloy pa rin ang programa niyang Wil To Win.

Sa February 2025 pa magsisimula ang kampanya, kaya sa ngayon ay tuluy-tuloy pa rin ang pagho-host niya sa kanyang programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung anuman ang magiging kapalaran niya sa eleksyon, tuloy pa rin daw ang programa niya.

“Nagpaalam ako kay Chairman [George Erwin Garcia ng COMELEC]. Kinausap ko siya kahapon, 'Paano po ba yung rules?'

“'Alam ko, puwede ka pa hanggang February 10. Puwede ka pang mag-show, puwede ka pang tumulong, puwede ka pa magbigay ng jacket. February 11, Willie, bawal na yan.'

"Pero pag ako po ay pinalad at ipinagkaloob po sa akin ng Diyos na maging public servant, hindi ko na sabihing senador.

“Serbisyo sa mga kababayan natin, ako po ay babalik din dun. Meron pa naman pong Thursday, Friday, Saturday. So, hindi ko iiwan yan,” sambit ni Willie.

Pero makahulugan ang susunod na sinabi ng TV host: “Sa totoo lang, ayoko lang maging… baka sabihin mayabang na naman yan. Sabihin sa yo mayabang, arogante.

“Kailangan maging ganyan ka sa buhay, e. Kailangan turuan mo ang mga kababayan mo ng disiplina. Hindi ka pupuwedeng oo ka lang nang oo. Dapat tinatama din natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In fact, naiisip ko nga, hindi pa ako nangangampanya, gusto ko nang tumulong sa abot ng makakaya ko.

“Meron pa naman ako hanggang December, kung mararamdaman ko na hindi ako para dito, puwede pa naman ako magsalita na baka hindi ako para dito, itutuloy na itutuloy ko yung programa.

“Pero manalo, matalo, itutuloy ko pa rin yung programa,” saad ni Willie.

Read: Willie Revillame, tuloy pa rin sa pag-host ng Wil To Win?

NOEL FERRER

Ako, simple lang naman, karapatan ni Willie na tumakbo for public office, wala namang makakapigil sa kanya nun.

Bahala na ang taong-bayan na magdesisyon kung iboboto siya o hindi.

Sa huli’t huli, sana ang tama at mahusay at mabuti ang magwawagi!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame on senatorial bid: "Kung sabihin mo sa senado, wala ka namang alam sa kung ano ang mga sinasabi. Hindi naman kailangan meron kang alam, e. Minsan nga mas maganda pa kung wala kang alam basta busilak ang puso mo sa pagtulong. Ang alam ko lang maging mabuti ang buhay ng ating mga kababayan, sa abot kaya ng magagawa ko."
PHOTO/S: Wil To Win YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results