GORGY RULA
Sa October 16, 2024 na ang showing ng pelikulang Guilty Pleasure sa mga sinehan, kung saan ay binigyan ito ng R-16 rating ng MTRCB.
Ito raw ang pinakaseksing pelikulang ipalalabas sa mga sinehan this year, sabi ng direktor ng Guilty Pleasure na si Connie Macatuno.
Si Lovi Poe ang bida sa pelikula na first production ng film company niyang C’est Lovi, na nakipag-partner sa Regal Entertainment, Inc.
Lead actors sa Guilty Pleasure sina JM de Guzman at Jameson Blake, na nag-plaster umano sa sensual scenes.
Read: Lovi Poe producer ng upcoming film niyang Guilty Pleasure
Hindi lang maidetalye ni Direk Connie kung gaano ka-sensual ang mga eksenang ginawa nila. Panoorin na lang daw sa sinehan.
“Bawat isa sa kanila na nandito, except si Sarah [Edwards], lahat merong sensual moment.
“Para hindi natin i-spoil din, you have to go to theaters para makita ninyo kung ano exactly ito ma-experience ninyo hindi lang yung kuwento kumbaga,” napangiting sabi ni Direk Connie.
LOVI POE ON DOING SENSUAL SCENES NOW THAT SHE'S MARRIED
Pero ngayong misis na si Lovi, okay lang ba kay Monty Blencowe ang daring scenes niya sa mga pelikulang ginagawa niya?
“Yun nga ang sabi ko kanina, just because I’ve moved on to another stage sa life ko, I still continue whatever I’ve been doing. Walang limitation,” pakli ni Lovi.
Suportado ni Monty ang bagong challenge kay Lovi bilang isang producer. First production ito ng C’est Lovi, na ini-enjoy naman ng premyadong aktres.
Sabi ng aktres: “Of course, it’s a bit of a headache. But then, ganun naman talaga, e. If you want to grow, di ba, you have to go through all these stages.
“Yeah! And you know the outcome will always be great. So, I’m gonna keep creating more especially when I’m working with such amazing actors and director, writer, everyone.
"Yes, 100 percent I wanna keep doing it."
Read: Lovi Poe, di pa maka-move on sa kanyang kasal sa London
NOEL FERRER
Bukod sa Guilty Pleasure ay may tinatapos pang isang pelikula si Lovi sa Regal. May binubuo pa raw siyang isang pelikula para sa kanyang C’est Lovi Productions.
Pero pag dumating ang araw na gusto na ni Monty na magka-baby sila, buong puso raw tatanggapin ni Lovi.
Willing siyang isantabi lahat para naman sa bubuuin nilang pamilya.
“Well, I’ll be happy if that happens. Pag dumating sa buhay namin, I’ll be happy and accept it with all my heart,” saad ni Lovi.
JERRY OLEA
Siyempre, R-16 ang tinarget na rating ng Guilty Pleasure para maipalabas ito sa SM cinemas.
Wish ko lang na meron din sana itong R-18 version, na puwedeng ipalabas sa iba pang mga sinehan.
Iyong satirical body horror film na The Substance ay merong dalawang bersiyon, R-16 at R-18.
Kaabang-abang kung mas sexy, mas sensual, mas maharot itong Guilty Pleasure kesa sa Vivamax movie na Unang Tikim na pinagbidahan nina Angeli Khang at Robb Guinto, na ipinalabas sa mga sinehan umpisa Agosto 7, 2024.
Dalawa ang bersiyon niyon, merong R-16 at merong R-18.
Hindi na bago kina Jameson Blake at JM de Guzman ang butt exposure. Hindi iyon big deal sa kanila.
Pare-parehong mahusay sa pag-arte sina Lovi Poe, JM at Jameson Blake, kaya interesting na panoorin ang dynamics nila.
Read: Jameson Blake sinagot ang plaster issue sa movie nila ni Lovi Poe

BOX-OFFICE EXPECTATIONS
Ngayong 2024 ay isang pelikulang Pinoy pa lang ang nagpakitang-gilas nang lubos sa takilya, ang Un/Happy For You na nag-showing umpisa Agosto 14.
Inaasahan din nating magpapayanig sa takilya ang reunion movie ng KathDen na Hello, Love, Goodbye, na Nobyembre 13 ang playdate.
Sa Oktubre 16 kaya, dadagsa rin ang moviegoers sa sensual movie na Guilty Pleasure?
Kasabay nito ang showing ng Balota ni Marian Rivera, na topgrosser sa Cinemalaya XX noong Agosto.
Sa Oktubre 16 din nakatakda ang showing sa local cinemas ng Crosspoint starring Carlo Aquino and Takehiro Hira.
Magandang playdate ang October 16 dahil kasusuweldo pa lang ng maraming empleyado.
Nakapuwesto rin sa playdate na iyan ang mga banyagang pelikula na Justice, Smile 2, Super/Man: The Christopher Reeves Story, Sweet Bobby: My Catfish Nightmare, at The Apprentice.
Pero siyempre, puwede pang magkaroon ng pagbabago ang mga naka-lineup na iyan.
Read: Megalopolis ni Francis Ford Coppola, mega-flop sa box office
HORROR FEST
Di ba, iyong horror movies na Pasahero at Nanay, Tatay ay parehong napabalita before na October 9 ang showing?
Kasama na ang dalawang pelikulang iyan sa “Sine Sindak: Ang Ika-5 Yugto” ng SM Cinemas, slated on October 30 to November 5.
Naka-lineup din sa 5th edition ng Sine Sindak ang chilling films na House of Sayuri, The Thorn: One Sacred Night, My Mother's Eyes, Mads, at V/H/S/Beyond.
PHP150 ang admission price sa bawat pelikula ng Sine Sindak. Ang one-day pass ay PHP300.

Kasabay ng Sine Sindak ng SM Cinemas ang Horrorkada Fest ng Robinsons Movieworld, kung saan PHP120 lang ang tiket ng horror films na Incident in a Ghostland (R-16), 13 Exorcisms (R-13), Saw X (R-16), The Haunting at St. Joseph's (R-13), at Immaculate (R-16).

Meron din kayang pahilakbot ang Ayala Malls Cinemas sa Halloween season?
