PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

YouTube channel ni Anthony Taberna, nawala dahil sa hacking

ABS-CBN, inilunsad ang Spot The Scam campaign.
by PEP Troika
Published Oct 12, 2024
anthony taberna youtube channel
Broadcaster Anthony "Ka Tunying" Taberna's YouTube channel Tune In Kay Tunying, which has almost 800,000 subscribers, can no longer be accessed after it was hacked and replaced by a cryto solutions channel.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Disappointed ang broadcast journalist na si Anthony “Ka Tunying” Taberna sa pagka-hack ng YouTube channel niyang Tune In Kay Tunying (TIKT) noong Oktubre 9, 2024, Miyerkules.

Hinaing ni Ka Tunying sa Facebook ilang oras matapos ang hacking: “Ito po ay kasalukuyan na ngayong may pangalan na Micro Strategy at may postings tungkol sa crypto solutions para sa negosyo.

Read: Kasong cyber libel na isinampa ni Anthony Taberna sa isang vlogger, umusad na

“Lahat po ng ating original postings ay tinanggal po nila. But we are currently in the process of retrieving our channel and republishing our videos.

“The YouTube channel name, however, remains Micro Strategy as it usually takes around 14 days to change it…”

Halos 800,000 ang subscribers ng TIKT.

Ini-report ng technical team ni Ka Tunying ang hacking incident sa NBI.

Nitong Oktubre 11, Biyernes, naglabas ng update si Ka Tunying kaugnay sa disappointment niya sa hacking incident.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa press release na natanggap ng PEP Troika, “While Ka Tunying’s technical team initially managed to regain control of the channel and replaced the new profile picture, cover and link put in place by the group that seized it, they later discovered that the channel can no longer be searched on YT.

“Moreover, Ka Tunying and his team do not anymore have administrative control over the channel as it has been disabled temporarily according to their YouTube partner.

“The broadcaster has reported the unfortunate development to YouTube / Google, and as per the latest update, YouTube promised to fix the matter within three days…”

anthony taberna statement
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SPOT THE SCAM

Siyanga pala, inilunsad ng ABS-CBN ang “Spot the Scam” campaign tampok ang Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Maymay Entrata, Robi Domingo, at ang grupong BINI, para labanan ang paglaganap ng scams sa social media.

Layunin nitong maghatid ng impormasyon ukol sa iba’t ibang scam at magbigay ng mga praktipal na paraan kung paano makakaiwas ang publiko rito.

Nagbigay si Andrea ng mga halimbawa ng iba’t ibang pagpapanggap na ginagawa ng scammers online at mga paalala kung paano hindi maging biktima ng mga ito.

May hatid ding paalala ang BINI kung paano matitiyak na totoong tao ang mga nasa likod ng profiles online.

Nagbabala si Kyle sa pinsalang dala ng panonood ng mga palabas na pinirata, tulad ng virus at malware.

Inisa-isa nina Maymay at Robi ang mga paraan kung paano magsuri ng deepfake content, na gumagaya ng itsura at boses ng mga kilalang personalidad, tulad ng pagmasid sa galaw ng labi at iba pang kahina-hinalang detalye sa bidyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinapalabas ang mga paalalang pampubliko sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live sa YouTube.

Read: PEP joins GMA Network's 'Panata Kontra-Fake News' campaign

spot the scam campaign

GORGY RULA

Sinabi ni Ka Tunying sa radio program nila ni Gerry Baja na Dos Por Dos sa DZRH na tuluyan nang nawala ang kanyang YouTube channel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nanghihinayang siya sa mga influential people sa negosyo na nakapanayam niya. Tanging siya lamang ang nakapag-interview sa mga yun.

Nawala na ang kanyang YouTube channel, at yung mga nasa crypto na ang humahawak nun.

“Hindi natin alam kung may gagawin tayong mga pamamaraan diyan. Wala na kayong mapapanood na Tune In Kay Tunying,” pakli ni Anthony sa kanyang radio program noong Huwebes, October 10.

“Hindi tama yun. Dapat na ma-recover natin… ang daming subscribers dun, e.

“Meron na tayong 2-way, 3-way verification, pero napasok pa rin hackers. Ibig sabihin… yung pumasok yung nagki-crypto. Mga hackers talaga sila.

“Napasok po nila yung YouTube channel,” dagdag niya.

Kaya pinag-iingat niya ang subscribers ng kanyang YouTube channel at baka maloko sila ng hackers.

Read: Anthony Taberna swears never receiving financial help from First Family for daughter's medical bills

NOEL FERRER

Nakakabahala itong nangyari sa YouTube channel ni Ka Tunying.

Kasi, kung nagagawa iyan sa isang high profile na tao tulad niya, paano pa kaya sa mga maliliit na content creators, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala na ba talagang safe sa ating mundo ngayon?

Paano kaya tayo mapoprotektahan ng ating bansa sa mga ganito?

Read: Jaime Zobel de Ayala, Lance Gokongwei no involvement in cryptocurrency

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Broadcaster Anthony "Ka Tunying" Taberna's YouTube channel Tune In Kay Tunying, which has almost 800,000 subscribers, can no longer be accessed after it was hacked and replaced by a cryto solutions channel.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results