PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BarDa movie, nanguna sa Top 10 Movies ng Netflix PH

Lavender Fields, bumaba muli sa No. 2; Pulang Araw, pang-siyam na lang.
by PEP Troika
Published Oct 12, 2024
that kind of love pulang araw
That Kind of Love, starring Barbie Forteza and David Licauco (right), is currently the No. 1 movie on Netflix Philippines; Pulang Araw, starring Barbie and Sanya Lopez (right), slips to No. 9 among Top 10 TV Shows.
PHOTO/S: Files

JERRY OLEA

First, the good news sa Netflix Philippines.

No. 1 sa Top 10 Movies ngayong Oktubre 12, 2024, Sabado ang BarDa movie na That Kind of Love.

Noong Oktubre 10, Huwebes, nag-umpisang mag-streaming ang unang pelikulang pinagtambalan nina Barbie Forteza at David Licauco.

For the month of October 2024, ito ang unang pelikulang nakasama sa Top 10 Movies list.

Read: REVIEW: BarDa shines in feel-good rom-com film That Kind of Love

that kind of love
Barbie Forteza in That Kind of Love
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang nakakalungkot, sa talaan ng Top 10 TV Shows ay bumaba na naman sa second place ang Lavender Fields.

Three consecutive days nasa top spot ang teleserye nina Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez at Jericho Rosales — mula Oktubre 9, Huwebes, hanggang Oktubre 11, Biyernes.

lavender fields
Jodi Sta. Maria in Lavender Fields
Photo/s: Netflix Philippines
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong Oktubre 12, Sabado, ay topnotcher na naman ang South Korean series na Gyeongseong Creature.

At ang mas nakakalungkot pa, sa unang pagkakataon ay pumuwesto na sa pansiyam ang makasaysayang Pulang Araw nina Alden Richards, Sanya Lopez, Dennis Trillo, at BarDa. Tsk! Tsk! Tsk!

Read: Lavender Fields at Pulang Araw pasok pa rin sa Top 10 ng Netflix

pulang araw
Barbie Forteza and Sanya Lopez in Pulang Araw
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OTHER NETFLIX OFFERINGS

Siyanga pala, nasa Top 10 Movies ang documentary na The Menendez Brothers (1 hour 58 minutes), samantalang nasa Top 10 TV Shows ang nine-episode Monsters: The Lyle and Erik Menendez Story.

Oktubre 17, Huwebes, ang umpisa ng streaming ng Netflix original film na Outside starring Sid Lucero and Beauty Gonzalez, while October 24 ang streaming ng Under Parallel Skies nina Win Metawin at Janella Salvador.

outside netflix
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TOP 10 MOVIES AND TV SHOWS ON NETFLIX

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:

  1. That Kind of Love
  2. The Predator
  3. Trouble
  4. The Platform 2
  5. No More Bets
  6. Evil Dead Rise
  7. The Menendez Brothers
  8. Miss Peregrine’s School for Peculiar Children
  9. The Mummy
  10. The Garfield Movie

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:

  1. Gyeongseong Creature
  2. Lavender Fields
  3. Deceitful Love
  4. Love Next Door
  5. Culinary Class Wars
  6. The Amazing Digital Circus
  7. Starting 5
  8. Monsters: The Lyle and Erik Menendez Story
  9. Pulang Araw
  10. Nobody Wants This

GORGY RULA

Nahu-hook talaga ako sa mga series na pinapanood ko sa Netflix kapag magagaling ang mga artista.

Natutukan ko itong nasa Top 10 na Monsters: The Lyle and Erik Menendez Story, kasi ang gagaling nilang lahat. Pero ang bongga at outstanding sa lahat ay si Cooper Koch na gumaganap bilang si Erik Menendez, at si Javier Bardem bilang ama nilang si Jose Menendez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapapalakpak ka talaga kay Javier Bardem na consistent ang galing, at malaking bagay rin sigurong magagaling din kasi ang mga madalas nilang kaeksena na sina Chloe Sevigny bilang si Kitty Menendez, at ang gumaganap na si Lyle Menendez na si Nicholas Alexander.

monsters the kyle & eric menendez

Bukod sa limited series na ito, tinutukan din ang documentary film na The Menendez Brothers dahil nabuhay muli ang kuwento ng magkapatid na sina Lyle at Erik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napapabalitang pinapa-review ang kaso nila at baka raw magkaroon ng resentencing.

Abangan natin kung makakalabas ba sila pagkatapos silang nakapiit ng halos 35 years.

menendez brothers

Samantala, medyo maaksyon ngayon ang Lavender Fields kaya siguro nag-number one muli ito, pero bumaba agad sa number two.

COMFORT WOMEN IN PULANG ARAW

Ang Pulang Araw naman ay ramdam mo na ang totoong giyera kung saan may mga putukan na sa gitna ng mga guerilla at mga sundalong Hapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang sakit kasi talagang panoorin ang kuwento ng mga comfort women.

Parang hinihiwa ang puso mo, tapos dinadalirot pa nang husto sa mga eksenang naka-focus sa mga santo habang hinahalay ng mga Hapon ang mga kababaihan, at dinig na dinig ni Teresita (Sanya Lopez) sa kabilang kuwarto ang mga sigawan nilang nagmamakaawang tigilan na ang ginagawa sa kanila.

sanya lopez pulang araw
Sanya Lopez in Pulang Araw
Photo/s: Netflix Philippines
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meron pang isang comfort woman na isang madre na ginagampanan ni Ashley Ortega, at ang pinakabatang ginagampanan naman ni Angelica Sanoy.

May eksena pang ginagamit ang awiting Ilonggo ng isang ina na "Ili-Ili Tulog Anay." Parang ang sobrang pagsaksak na iyan sa puso namin. Sobrang sakit!

Ang galing ni Isay Alvarez na siyang tagapangalaga nila rito ng mga comfort women.

isay alvarez pulang araw
Isay Alvarez in Pulang Araw
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo nasobrahan naman ako rito sa teleserye acting ni Sanya Lopez. Pero consistent talagang magaling sina Barbie Forteza at Epy Quizon.

Lalo ka pang masusuklam kay Angelu de Leon dito, na sana matutuwa naman sa kanya ang constituents niya, at hindi makakaapekto sa kandidatura niya sa Pasig.

NOEL FERRER

Naku, ako, Will and Harper pa rin lang ang last kong napanood sa Netflix kaya I need to catch up on my viewing.

The thing with Netflix, ang saya lang na meron silang magandang pagpipiliian lalo na sa mga docus. Doon ako nahu-hook ngayon.

Sa sinehan kasi, good luck pa rin sa mga audience sa docus… at least sa Netflix, may loyal audience na talaga roon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
That Kind of Love, starring Barbie Forteza and David Licauco (right), is currently the No. 1 movie on Netflix Philippines; Pulang Araw, starring Barbie and Sanya Lopez (right), slips to No. 9 among Top 10 TV Shows.
PHOTO/S: Files
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results