PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor, pumayag ikampanya ang isang partido kapalit ng PHP30M

Celebrities, bakit malakas ang kita tuwing eleksyon?
by PEP Troika
Published Oct 13, 2024
blind item actor election
PHOTO/S: Canva

GORGY RULA

Bakit malakas ang kita o tiba-tiba tuwing eleksyon ang mga artista at singer?

Nakaugalian na kasi na tuwing kampanya, kumukuha ang mga kandidato o partido ng mga sikat at magaling mag-perform na mga artista, singer o kaya host para tauhin ang campaign sorties.

May mga artistang hindi muna tumatanggap ng tapings o shootings dahil package deal na ang negosasyon sa mga pulitikong kumukuha sa kanila.

Ang iba ay halos dalawang buwang nasa probinsiya kung saan doon nangangampanya ang pulitikong iniendorso nila.

Read: Controversial actress, malakas sa viewers pero di sa advertisers

CELEBS ON PARTY-LIST

Bukod sa mga ganitong raket, napag-uusapan na ring kumikita ang ilan kapag kasali silang tumatakbo sa isang partido, lalo na ang nasa party-list.

Naririnig na natin noon na ang ibang kilalang celebrities ay isinasali sa party-list bilang second o third nominee.

Wala silang gagastusin sa kampanya, sa halip ay babayaran pa sila basta nasa party-list ang pangalan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi biro ang budget na pinag-uusapan, milyun-milyon ito, lalo na kung kilala at crowd drawer. Kaya walang lugi rito ang mga artistang isinasali sa party-list.

May malaking budget na natatanggap, basta kasama lang sa pangangampanya. At kapag suwertihin, baka makapasok pa sa Kongreso.

ACTOR AGREES TO CAMPAIGN FOR PHP30M

Ang iba naman ay tumatanggi sa ganung alok. Pero okay lang mag-endorso.

Pagkatapos ng filing ng Certificate of Candidacy (CoC) ng mga tatakbong pulitiko, nakikipag-deal na sila sa mga sikat na artista.

Read: Guwapong aktor at direktor, muntik nang magsuntukan sa taping

Ang latest na nasagap ng PEP Troika, tinanggap daw ng magaling na aktor ang alok ng isang partido na maging endorser nito at sumama sa pangangampanya sa halagang PHP30M.

Kasali ang magaling na aktor sa isang teleserye na maganda ang ratings at nagte-trending pa ito.

Kaya kahit hindi siya mag-taping o mag-shooting, malaki na ang kikitain niya kung matuloy itong partidong ikakampanya niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isa ring guwapo at sikat na aktor ang narinig naming tinanggap na rin ang alok ng isang pulitiko na mag-concert ito sa kinasasakupan nitong probinsya.

Hindi lang malinaw sa amin kung isa o dalawang concert, pero worth PHP10M daw ito per concert.

Ewan kung ano ang panuntunan ng Star Magic at Sparkle sa mga pulitikong interesadong kunin ang talents nila para mangampanya.

Read: BLIND ITEM: Social-media persons nagiging hobby ang flexing

JERRY OLEA

Naikuwento sa akin ng isang kaibigang singer na kinuha siya noong performer ng magkalabang partido.

Lagare siya sa isang gabi sa magkaibang lalawigan.

Aware doon ang magkalabang partido.

Malakas kasi ang hatak ng singer sa mga tao.

Kuwento ng singer, “Halimbawa, may campaign sa Cavite. Performer ako para sa isang national candidate. May pinag-usapang oras ng pagsalang ko.

“Hindi pa man ako nagpe-perform, may mga tauhan na ng kalaban ng national candidate na nakabantay sa akin. Sila ang maghahatid sa akin para sa campaign naman halimbawa sa Batangas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinisigurado nilang hindi ako iho-hold ng kalaban para makapag-perform din sa kanila.”

Ang saya-saya!

“Oh what a circus! Oh what a show!” 'ika nga.

Read: Bortalicious actor, PHP50K ang "professional fee" sa mga booking

NOEL FERRER

Panahong kumita ng mga artista ngayong eleksyon!

At ang mga pulitiko naman, gagawin ang lahat makuha lang ang atensiyon ng mga botante.

Basta sana pagkatapos ng eleksyon, pagsilibihan at suportahan ng mga politikong ito ang mga artista at ang industriyang pinanggalingan ng mga ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results