PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mga taga-TV and movie industry, dumagsa sa ULTRA para sa ayuda

Libu-libong TV and movie workers, binigyan ng tigpa-5K, bigas, at pang-lunch.
by PEP Troika
Published Oct 13, 2024
politicians showbiz people ultra
Politicians Benhur Abalos (in blue polo shirt), Bong Revilla (right arm raised), and Erwin Tulfo (beside Revilla) join showbiz industry leaders, like FDCP chairperson Joey Reyes, at the inauguration of Bagong Pilipinas Serbisyo Fair at ULTRA on October 13, 2024. Abalos, Revilla, and Tulfo are among the senatorial bets of the Marcos administration for the 2025 midterm elections.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Libu-libong taga-movie and TV industry ang dumagsa sa ULTRA, Pasig City, ngayong Linggo, October 13, 2024, para sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF), na proyekto nina Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez.

Napuno ito ng mga taga-movie and TV industry na nagpalista para mabiyayaan ng ayuda mula sa gobyerno.

Ang bawat isa na nandoon na nagpalista ay nakatanggap ng tigli-limang libong piso, limang kilong bigas, at pang-lunch.

Read: Paano pinili ang 16 stars na tampok sa pilot MMFF mural painting?

Ayon kay dating DILG Secretary Benhur Abalos, hindi ito galing sa kanila kundi sa mga taumbayan daw mismo, galing sa taxes.

Nandoon din ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno kung saan mag-a-assist ng iba pang mga pangangailangan kagaya ng renewal ng passport, Philhealth, NBI clearance, at iba pa.

Ang event ay inilaan para sa mga taga-entertainment industry kaya naroon ang ilang pulitikong taga-showbiz para magbigay ng kanilang mensahe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumalo ang mag-asawang Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado, Congressman Arjo Atayde, Congressman Erwin Tulfo, dating DILG Secretary Benhur Abalos, at si Congressman Roman Romulo ng Pasig na host ng naturang event.

Lahat sila ay kumakandidato sa 2025 elections.

Read: Tatlong Yllana brothers, tatakbo sa 2025 elections

politicians and showbiz personalities ultra
Politicians and showbiz industry leaders
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay rin ng mensahe si MMDA Chairman Atty. Don Artes.

Nandoon din ang ilang itinuturing na leaders ng movie industry na sina FDCP Chairman Joey Reyes; Boots Anson Roa-Rodrigo at Rez Cortez ng MOWELFUND; Dingdong Dantes ng Aktor Ph; Direk Paolo Villaluna ng Film Academy of the Philippines; at film producers na sina Roselle Monteverde, Direk Perci Intalan, Bryan Diamante ng Mentorque, at marami pa.

showbiz industry leaders
(From left) Regal Entertainment, Inc. Roselle Monteverde, Mowelfund's Bong Revilla, producer Perci Intalan, and MMDA Chairman Atty. Don Artes.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

BONG REVILLA MEETS FILM WORKERS

Si Senator Bong Revilla ang huling nagbigay ng mensahe.

Nagpapalamat siya sa Pangulo na hindi umano nakalimutan ang taga-entertainment industry na tulungan sa pamamagitan ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

Sabi ng Senator Bong, first time lang umanong nangyari na hindi nakaligtaan ang mga kasamahan niya sa industriya.

“Sabi ko nga, sa pag-ikot ko sa buong Pilipinas, ito ang napapanahon na pantulong sa ating mga kababayan.

“Kaya itong Serbisyo Fair na ito na gobyerno mismo ang lumalapit sa tao, hindi ang tao ang lumalapit sa gobyerno.

“Isantabi muna ang pulitika. Isipin natin kung paano natin matulungan ang ating mga kababayan na katulad ng mga kapatid ko ngayon dito sa ating harapan. Yan ang dapat na bigyan ng solusyon,” bahagi ng talumpati ni Bong, na naka-ilang termino na bilang senador.

Pagkatapos ng programa ay bumaba si Seator Bong at sinalubong siya ng mga taga-industriya na dati niyang nakatrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinilabutan daw siya nang nakita ang mga dating nakatrabaho, kagaya ng ilang staff, stuntmen, pati bit players na nakasama niya sa mga dati niyang pelikula.

“Sa totoo lang talagang nakakapangilabot… lalo na nung nakita ko, akala ko nawala na yung legman ko, yung first legman ko sa pelikula, si Danny Labo, yung tao ni Direk Carlo J. Caparas.

“Wow! Buhay ka pa pala! Tapos yung mga stuntmen na nakasama ko dati,” bulalas ni Senator Bong.

bong revilla bagong pilipinas
Senator Bong Revilla with some film workers
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Linggo ay mahigit pitong libo ang nabigyan ng ayuda ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

Bukas, Lunes, Oktubre 14, ay meron pa uli kung saan mahigit pitong libo rin ang mabibigyan ng ayuda.

JERRY OLEA

Ayon pa kay Senator Bong Revilla, “Itong Bagong Pilipinas Serbisyo caravan, umiikot ito sa buong Pilipinas. Namamahagi ng tulong sa ating mga kababayan.

“Halos animnapung ahensya ng gobyerno na dinadala, para yung gobyerno na mismo ang lumalapit sa tao. Hindi na yung tao yung lumapit sa gobyerno.

“Yung sa DOLE, lahat yan, yung passport, NBI clearance, police clearance, Philhealth, lahat yan. Napakalaking bagay nito,” dagdag niya.

Nung binubuo ang proyektong ito, naisip na raw ni Senator Bong na sana meron din para sa film and TV industry, kaya tinanong niya ito kay Speaker Martin Romualdez.

Lahad niya, “Tuwang-tuwa ako, ang sarap ng pakiramdam.

"Kaya nung si Speaker nga nung binanggit sa akin, babanggitin ko sana sa kanya, ‘Speaker, sana matulungan din natin yung mga taga-industriya.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam mo ang sagot sa akin, ‘Inaayos na namin yan.’ Natuwa ako! Na ganun sila, pino-programa na nila lahat. Bawat sektor… I’m so happy."

Bagamat sinasabi ni Senator Bong na "isantabi muna ang pulitika," hindi maiiwasang isipin ng iba na may kinalaman sa pulitika ang naganap na event.

Bagong Pilipinas ang pangalan ng partido ng kasalukuyang administrasyon at karamihan ng mga dumalo sa pagtitipon ay tatakbo sa May 2025 elections.

NOEL FERRER

Sabi naman ng FDCP Chairman Joey Reyes, “Hindi ito ayuda, kundi isang pagpapahalaga sa mga manggagawa.

“Ito ay ang kinabukasan ng Pilipinas na sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng ating puwersa sa industriya…. kahit papano ay nagkakasama-sama tayo na iangat natin hindi lamang ang kalidad sa telebisyon, pelikula, kundi ang ating kalidad ng Pilipino.”

Read: Joey Reyes on FDCP budget, film restoration, new building

Pahayag ni MMDA Chairman Atty. Don Artes, “The Bagong Pilipinas Serbisyo Fair is a pivotal step in ensuring that our cinema workers are recognized, celebrated, and above all, supported.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Through the collective efforts of the MMFF, MOWELFUND, FDCP, FAP, and AKTOR, we bring forth an era where the government's helping hand is more accessible to the people who form the backbone of our country's cinematic ventures."

Read: MMFF Screening Committee, di nasilaw sa star value sa pagpili ng official entries

Tita Boots Anson Roa-Rodrigo, Chairman of MOWELFUND, emphasized the fair's role in uplifting the lives of cinema workers.

“This is more than just an event; it's a testament to our continuous commitment to enhancing the welfare of every individual who contributes to the magic of Philippine cinema," saad ni Tita Boots.

Read: MMFF movies nina Nora, Vilma, FPJ, Dolphy muling mapapanood

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Politicians Benhur Abalos (in blue polo shirt), Bong Revilla (right arm raised), and Erwin Tulfo (beside Revilla) join showbiz industry leaders, like FDCP chairperson Joey Reyes, at the inauguration of Bagong Pilipinas Serbisyo Fair at ULTRA on October 13, 2024. Abalos, Revilla, and Tulfo are among the senatorial bets of the Marcos administration for the 2025 midterm elections.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results