JERRY OLEA:
Quizmosa vs. Quizmosa!
Nabalitaan natin na magkakaroon ang kaibigang Ogie Diaz ng game show sa TV5 na Quizmosa umpisa Oktubre 21, 2024, Lunes ng 2:30 P.M., right after Eat Bulaga.

Makakatapat niyon ang Lilet Matias: Attorney-At-Law na siya nang ookupa ng timeslot ng Abot-Kamay Na Pangarap na magwawakas sa Oktubre 19, Sabado.
OGD!!! Kamukat-mukat mo ay panay-panay ang plug ng GMA-7 sa bagong segment ng TiktoClock na ang title… Quizmosa! Quizmosang ina mo!!!
Hayun… ang game show ni Ogie, pinalitan ng title. Ginawang Quizmisan. Sa totoo lang, hindi na bago ang ganitong usapin o scenario, maski itanong pa ninyo kina Tolits at Marites, pati sa mga Labubu.

September 19, 2024 nag-umpisa ang Netflix streaming ng nine-episode limited series na Monsters: The Lyle and Erik Menendez Story.
Oktubre 7, 2024 naman nag-Netflix ang documentary film na The Menendez Brothers.
Last year ay napabalita na parehong gagampanan nina Piolo Pascual at Dennis Trillo ang karakter ng paring Pilipino na serial killer, si Padre Severino Mallari. Pelikula iyong kay Papa P, ang Mallari na entry sa isa sa official entries sa MMFF 2023.
Pumangalawa iyon sa Rewind sa lipon ng topgrossers ng 49th MMFF.
Limited series naman iyong kay Dennis na ang title ay Severino. Wala pa tayong balita kung saan at kailan iyon ipapalabas.
Noong 1995, tatlong pelikula ang pare-parehong tumalakay sa isang kaganapan sa Singapore.
Sa The Flor Contemplacion Story ni Direk Joel Lamangan — si Nora Aunor ang Flor Contemplacion, at si Amy Austria ang Delia Maga.
Sa Victim No. 1: Delia Maga (Jesus, Pray For Us!) ni Direk Carlo J. Caparas — si Elizabeth Oropesa ang Flor, at si Gina Alajar ang Delia.
Sa Bagong Bayani ni Direk Tikoy Aguiluz — si Helen Gamboa ang Flor, samantalang si Chanda Romero ang Delia.
Noong 1994, tampok sina Lorna Tolentino, Mat Ranillo III at Mark Gil sa Chop-Chop Lady: The Elsa Castillo Story, sa direksyon ni Edgardo Vinarao.
Bida naman sina Kris Aquino, Miguel Rodriguez at Mark Gil sa The Elsa Castillo Story… Ang Katotohanan sa direksyon ni Laurice Guillen.
At noong 1979, nagbida si Cecille Castillo sa pelikulang Ang Dalagang Pinagtaksilan ng Panahon sa direksyon ni George Rowe, samantalang bida si Rio Locsin sa pelikulang Aliw-iw: Ang Pinagtaksilan ng Panahon sa direksyon ni Celso Ad. Castillo.
Read: Filipino-Korean policeman reunites with Korean mom after 31 years
GORGY RULA:
Naka-text ko ang ilang taga-TiktoClock, sinasabi naman nilang matagal na nilang na-conceptualize itong segment nila at balak talaga nilang simulan ito bago mag-Pasko.
Wala lang akong ideya kung gaano naman katagal naplano itong sa TV5. Kaabang-abang kung alin dito ang mas tatagal.
Pero mas challenging ito kay Ogie Diaz dahil buong show ito na mala-game show ang dating.
Tingnan natin kung paano nila ito ma-maintain na mas interesting pa rin panoorin. Ginawa na ito noon ng Lunch Out Loud sa kanilang segment na "Maritest," pero hindi rin nila na-maintain na subaybayan ito ng mga manonood.
So far, ang gusto pa ring panoorin sa telebisyon kung may pasabog na showbiz balita, at napapanood ito sa Fast Talk With Boy Abunda.
Pero para mapatunayan lang ang pagiging marites at pagiging tsismosa ng isang tao, parang hindi ito epek sa mga manonood. Iyun ay sarili ko lang obserbasyon.
NOEL FERRER:
Mabuti ang natapos agad ang “agawan” ng GMA-7 at TV5 sa Quizmosa.
Matatandaang noong umalis sina Tito, Vic & Joey sa noontime show ng Kapuso Network ay naiwan doon ang program title na Eat Bulaga with a new set of hosts.
Nang mag-umpisa ang TVJ sa TV5 ay EAT ang ginamit na title ng kanilang noontime show. Idinulog sa korte kung sino ba ang mas may karapatan sa paggamit ng Eat Bulaga. E
ventually ay “nabawi” iyon ng TVJ, at ang noontime show ng GMA-7 ay naging Tahanang Pinakamasaya.
Nagsara kapagkuwan ang Tahanang Pinakamasaya ng TAPE, at ang napunta sa noontime show ng GMA-7 ay ang It’s Showtime.
Noong Setyembre 6, 2024 ay ibinalita ng Tahanang Pinakamasaya sa kanilang Facebook page na, “TAPE Inc. is finally coming back.”
Mabuti at ang usaping Quizmosa pagitan ng GMA-7 at TV5 ay hindi na umabot sa korte.
Read: Jay Manalo, di nalalayo ang kuwento sa half-brother na si Julius
