PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sylvia Sanchez, ibinahagi ang pagiging first-time lola

Ria Atayde, hands-on mom sa anak nila ni Zanjoe Marudo.
by PEP Troika
Published Oct 16, 2024
Sylvia Sanchez on being a first-time lola to Ria Atayde and Zanjoe Marudo's baby
Sylvia Sanchez on Ria Atayde and Zanjoe Marudo's baby: "Sabi, 'Mommy, hindi puwedeng ilabas na makita yung mukha, hindi puwedeng sabihin yung name,' nirerespeto ko yun. Sa kanila yun, e. Ibibigay ko sa kanila yun."
PHOTO/S: @sylviasanchez_a / @onlyzanjoemarudo Instagram

GORGY RULA:

Masunuring ina si Sylvia Sanchez, kaya hindi niya ipinakita sa amin ang mga kuha ng kanyang first apo.

Kailangan daw niyang sundin ang pakiusap ng mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde na huwag muna maglabas ng picture ng bagets at sabihin kung ano ang pangalan nito.

Hintayin na lang daw ang gagawin nilang face reveal at pati ang pangalan nito.

Kaya “apo” lang ang tawag niya, at gusto raw niyang lola ang itawag sa kanya.

"Masarap ang lola, kasi pinangarap ko talaga… tayong mga Pinoy, ang sarap pakinggan sa tenga yung 'nanay, tatay.' Kaya lola talaga,” pakli ni Sylvia.

Sandali naming nakatsikahan si Sylvia sa media conference ng concert ni JK Labajo na juan karlos LIVE, na nakatakda sa November 29, 2025 sa SM MOA Arena.

Ang Nathan Studios nina Sylvia ang producer nitong first major solo concert ng magaling na singer-actor.

Read: JK Labajo, posible kayang maayos pa ang isyu kay Darren Espanto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SYLVIA SANCHEZ ON RIA AND ZANJOE'S BABY

Hindi namin napiga sa premyadong aktres ang iba pang detalye sa first baby nina Zanjoe at Ria.

Nagbigay lang siya ng konting idea kung ano ang itsura nito.

"Sabi, 'Mommy, hindi puwedeng ilabas na makita yung mukha, hindi puwedeng sabihin yung name,' nirerespeto ko yun.

"Sa kanila yun, e. Ibibigay ko sa kanila yun.

"Pag sinabi, 'Mommy, puwede na i-reveal. Go!' Maya-maya magpo-post ako, di ba?” bulalas ni Sylvia.

Pero parang ang mestiso ng baby, kaya tinanong namin sa bagong lola kung sino nga ba ang kamukha ng baby.

"Eto sinasabi ko sa kanila to. Kamukha ni Zanjoe na kulay ni Arjo," yun lang ang sagot ni Sylvia.

Read: JK Labajo recalls "wild and crazy" encounters with fans: "Nawala yung underwear ko..."

NOEL FERRER:

Sabi pa ni Sylvia Sanchez, hindi raw siya nakikialam sa pag-aalaga nina Zanjoe at Ria. Dumadalaw lang daw siya kapag weekend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pinapabayaan ko lang si Ria at saka si Zanjoe. May sarili silang bahay, e. So, pupunta lang kami dun pag weekend, tapos pinapabayaan ko yung mga mag-asawa. Ayokong makialam, kasi gusto ko sa kanila muna.

"Kayo magdisiplina. Kayo. Ramdamin niyo yan. Pero pasensyahan pag naglakad na yan. Kukunin ko na yan. O, di ba?” napangiting pahayag ni Sylvia.

Pero bilib daw siya sa pagiging nanay ng kanyang anak. Sa tingin daw niya, nakuha ni Ria ang pagiging maalaga niya, pero parang mas nahigitan pa raw siya ng kanyang anak.

"Pag-aalaga sa mga bata, siguro nakuha niya. Nandun talaga. Kumbaga, nilagpasan ni Ria yung pagiging nanay ko.

"Ay naku! Kung makita niyo lang si Ria. Ayaw niya magtrabaho, ayaw niya lahat muna ngayon. Tutok muna siya sa bata.

"Ako kasi nung ipinanganak ko sila, siyempre trabaho din ako.

"Sabi ko, ‘Nak, lahat ng time at atensyon, ibigay niyo. Huwag ka magkulang, ibigay mo lang,’” sabi pa ni Sylvia.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Sylvia Sanchez welcomes Zanjoe Marudo to her family not just as son-in-law but as third son

JERRY OLEA:

Natawa na lang si Sylvia Sanchez nang tinanong tungkol sa pagsa-shopping niya para sa kanyang apo.

Sa tingin niya, na-manifest niya talaga na magkaapo dahil hindi pa kasal sina Zanjoe at Ria ay may binili na siya para sa kanyang magiging apo.

"May shoes ako, binili ko siya sa Cannes nung 2020. Binili ko yung shoes na yun, wala pa akong apo. Pero hindi ko pa inilabas. Ilalabas ko soon.

"Sabi ko, eto, unisex ang binili ko para kung babae, lalaki meron talaga. So, ibibigay ko yun sa apo ko. So, noon pa lang, 4 years ago bumibili na ako," sambit nito.

Mukhang matagal pa raw makabalik sa trabaho si Ria dahil gusto nitong tumutok muna sa kanyang anak.

Ani Sylvia, "Sa ngayon, hindi muna. Pero pag okay na yung bata, puwede nang maglakad, okay na. Darating yun. Kung kailan yun, bahala siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Zanjoe naman ay magiging abala sa pangangampanya dahil nasa isang party-list ito.

"Magiging busy yun, pero I’m sure hindi naman ganun katagal yun. Uuwi pa din naman sa bahay yun," pakli ni Sylvia, na dumalo rin sa Belle Dolls mediacon nitong Oktubre 16, Miyerkules sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

Siyanga pala, ang price range ng tiket sa major concert ni Juan Karlos ay PHP750 (General Admission) hanggang PHP8,500 (SVIP, which includes one shirt, tote bag, a meet-and-greet photo opportunity, and signed poster).

Available ang tiket sa SM Tickets outlets. Prinodyus ito ng Nathan Studios, sa suporta ng Universal Music Group Philippines.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez on Ria Atayde and Zanjoe Marudo's baby: "Sabi, 'Mommy, hindi puwedeng ilabas na makita yung mukha, hindi puwedeng sabihin yung name,' nirerespeto ko yun. Sa kanila yun, e. Ibibigay ko sa kanila yun."
PHOTO/S: @sylviasanchez_a / @onlyzanjoemarudo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results