PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Poging aktor at seksing aktres, nag-"taste test" sa taping?

Poging aktor, nalusutan ang bantay-saradong girlfriend?
by PEP Troika
Published Oct 17, 2024
blind item poging aktor seksing aktres
PHOTO/S: Canva

JERRY OLEA

Nagkatikiman ba ang poging aktor at ang seksing aktres na nagkasama sa isang TV series?

Single ang seksing aktres, pero si poging aktor ay may girlfriend na gandarang aktres. Alam iyon sa loob at labas ng showbiz.

Read: Aktor, pumayag ikampanya ang isang partido kapalit ng PHP30M

Nagkapalagayan ng loob ang poging aktor at ang seksing aktres, at napagkuwentuhan nila ang kani-kanyang buhay-buhay sa tent ni poging aktor.

Isinalaysay ni seksing aktres kay poging aktor ang mga karanasan niya sa pagsyusyuting ng mga mapangahas na pelikula.

Detalyado ang pagkukuwento ni seksing aktres.

Ipinagtapat ni seksing aktres kung paano siya sinibasib ng halik ng mga kaeksenang aktor.

Merong halos nag-breastfeed, at merong sumubsob talaga sa hiyas ng orient seas.

Nagpasirku-sirko sila ng kaeksena pero hanggang kaskasan lang iyon dahil kapwa sila nakaplaster.

THE AFTERMATH

Halatang nag-init si poging aktor, at tila lalong ginanahan si seksing aktres sa kanyang revelations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Minsan ay napasarap ang tsikahan nina poging aktor at seksing aktres — hindi sa tent kundi sa van ng poging aktor.

Sabay silang ipinahanap ng direktor para sa kukunang eksena, pero hindi sila nagsabay sa paglabas ng van.

Basta, sa kinunang eksena ay pagkatamis-tamis ng ngitian nila.

Read: Guwapong aktor at direktor, muntik nang magsuntukan sa taping

GORGY RULA

Ang bongga pa naman daw nitong gandarang aktres na girlfriend ni poging aktor.

Bongga raw kung makapagbantay dahil ang tunug-tunog daw nito kapag nagloloko ang matulis na boyfriend.

Noong nalaman ni gandarang aktres na magiging bahagi si seksing aktres sa programa ni poging aktor, nagbantay na ito sa set.

Ilang araw na dumadalaw si gandarang aktres sa set at nagtatagal ng ilang oras.

Nahalata ng production staff kung bakit nakatutok doon si girlfriend. Pero hindi naman tuluy-tuloy yun.

Noong hindi na dumadalaw si girlfriend na gandarang aktres, doon nagkakapalagayan nang lubos sina poging aktor at seksing aktres. Hanggang sa umabot sa tikiman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na kami nagulat. At tiyak na hanggang tikiman lang yun.

Ewan ko lang kung nakarating na ang usaping tikiman kay gandarang aktres. Hindi na dapat nilang pag-awayan yun ni poging aktor.

Read: Tinagusang aktres, inutusang maglaba ang taga-wardrobe

NOEL FERRER

Up to what extent kaya ang tikiman nina poging aktor at seksing aktres? Nagharutan lang ba sila sa unang tikiman?

Nag-reenactment kaya sila ng mga mapupusok na eksenang naranasan ng seksing aktres sa mga nagawa niyang pelikula?

Oh well… humulagpos at humupa na ang init ng kanilang katawan.

Consenting adults sila, at kung may consequences man ang pagiging marupok nila, so be it.

Read: Aktor na tinigok sa drama series, tumakas sa pagkaaresto?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results