GORGY RULA
Suportado ni Edgar Allan Guzman ang launching ng bagong brand ambassadors ng Beautederm na tinawag nilang "Belle Dolls."
Kinabibilangan ito nina Sofia Pablo, Shaira Diaz, Ysabel Ortega, at Miguel Tanfelix.
Si EA ang isa sa dumalo sa launching na ginanap sa Novotel Hotel, Quezon City, noong Miyerkules, October 16, 2024. ]
Natuwa ang CEO ng naturang beauy products na si Ms. Rei Anicoche-Tan dahil sa halos isandaan niyang brand ambassadors, tatlumpo ang dumalo para sumuporta sa kanyang Beautederm Belle Dolls.
Isa na roon si EA Guzman na nandoon siyempre para sa fiancée niyang si Shaira.
Read: Edgar Allan Guzman, Shaira Diaz reveal they have been engaged since December 2021

EA AND SHAIRA WEDDING PREPARATIONS
Kinumusta namin kay EA ang wedding preparations nila ni Shaira.
Ayon sa aktor, “Nasa stage na kami na…. dito na kami sa mga ninong, pinupuntahan na namin personally.
“Siyempre, we wanna show our sincerity and faithful kami sa kanila. And siyempre yung plano, lahat na-finalize na namin.”
Gusto raw nila by next year ay maayos na lahat para less stress na sa kanila. Church wedding daw ito na dito lang sa Maynila gaganapin para madali lang sa kanilang pamilya at mga imbitadong guests.
“Gusto namin tapusin siya by December, okay na kami. Para by January, yung mga maliliit na lang ang aayusin.
“Ayun! Finally okay na. Sasabihin naman namin sa inyo kung malapit na siya,” pakli ng Kapuso actor.
Hindi pa niya masabi ang eksaktong date, pero next year na raw ito.
“Important yung date talaga, lalo na sa church. Medyo mahirap kasi yung reservation sa church. Yun na lang ang inuuna namin.
“Wino-workout namin next year, kasi gusto na rin namin, e. Especially ako, gusto ko na talaga magpakasal kami.
"Hindi naman yun problema kay Shaira. Finalizing lang talaga ng ibang kailangan pang ayusin.
“Ako, reding-ready na talaga. Si Shaira reding-ready na rin.
"Pina-finalize lang namin talaga lahat is this year, and after that, okay na.
“Gusto namin dito lang sa Manila, para at least madali at sa family namin,” dagdag ni EA.
Hintayin na lang daw ang announcement ng date ng kasal, at mga buong entourage, dahil pina-finalize pa nila sa ngayon.
Read: Edgar Allan Guzman, Shaira Diaz claim they've been celibate since 2013
JERRY OLEA
Ang isa sa napagtanto ni Edgar Allan “EA” Guzman habang pinaghahandaan nila ni Shaira Diaz ang kasal, lalo nilang minahal ang isa’t isa. Hindi raw sila nag-aaway.
Saad ng aktor: “Mas lalo naming minahal yung isa’t isa, especially ako.
"Ngayong papalapit na, inaayos na namin pina-finalize na namin. Sabi ko, dun ko naramdaman na priority rin pala ako ni Shaira, yung ganun.
“Mare-realize ko na talagang mahal ako ng taong ito. Kaya habang tumatagal, yung love namin sa isa’t isa, habang pinaplano namin yung kasal, mas nagiging matatag pa kami.
“Yung mga talu-talo, wala. Hindi nangyayari sa amin yun.
"Nagulat nga kami, magkaiba kami ng opinyon, magkaiba kami ng gusto, pero at the end of the day, nag-swak. Nagkakasundo kami.
“Sige, okay. Pag ako naman may gusto, siya naman, sige okay,” masayang pahayag ni EA.
Pati ang kani-kanyang pamilya ay naging close na rin daw at madalas nilang nakaka-bonding ito.
“Sobrang supportive yung family namin ni Shaira. Ngayon, mas naging closer pa.
"Minsan sa bahay ko, dumadalaw sila, nagla-lunch sila, nagdi-dinner sila. At the same time, si Mommy, yung parents din ni Shaira. Masaya lang.
“Ngayon, sobrang happy namin, sobrang…kumbaga, buo yung family namin,” sabi pa ni EA.
Read: Edgar Allan Guzman reveals secret of staying celibate with fiancée Shaira Diaz for 11 years
NOEL FERRER
Sabi pa ni EA, pagkatapos ng kasal ay titira na raw sila ni Shaira sa bahay na ipinatayo niya. Pero dadalaw-dalaw daw doon ang mommy niya.
Naisip na rin daw niyang kapag nagka-baby na sila ay gusto na niyang magpatayo ng malaki-laking bahay.
Napapag-usapan na rin kasi nilang magka-baby na sila agad.
“Meron na. Pero ang gusto namin, kahit dalawa, okay na kami. Boy and girl sana. Kung ano man yung ibigay ni Lord, kasi blessing yun, e,” pakli ni EA.
Hindi rin daw niya pagbabawalan ang magiging asawa niya na magtrabaho. Kung gusto ni Shaira na ituloy pa rin ang kanyang showbiz career, hindi niya ito pipigilan, kahit gusto niyang siya talaga ang magtrabaho.
“Sa amin, si Shaira nire-respect ko kung ano yung gustong gawin niya kung ano yung ginagawa niya, especially yung Unang Hirit. Doon siya masaya, e.
“Kahit naman sa pagbubuntis, napag-usapan namin… kung mabuntis man siya, magwo-work pa rin siya sa Unang Hirit, kasi hosting lang naman.
“Siyempre pag malapit, kabuwanan na niya, medyo pahinga na talaga siya, sa bahay na siya. She doesn’t need to worry.
"Kasi nandito naman ako, talagang ako yung sa trabaho. E, alam naman niya, pag work ako, work talaga,” saad ni EA.
Read: Shaira Diaz reveals reason she is not engaged to Edgar Allan Guzman yet: 'Aral muna bago kasal'
