JERRY OLEA
HHWK (holding hands while kumakandong) si kaaya-ayang aktres sa guwapong boyfriend sa loob ng dressing room ng isang TV program.
Bantay-sarado si guwapong boyfriend kay kaaya-ayang aktres sa taping ng weekly show nito, at super-PDA (public display of affection) sila.
Lalanggamin ang ka-sweet-an ng young lovers! Mas matamis pa yata sa lanzones ng Camiguin?!
WYSIWYG (what you see is what you get) eme! Wala silang keber na marami ang saksi sa kanilang kandungan.
Read: Bortalicious actor, PHP50K ang "professional fee" sa mga booking
GORGY RULA
Naku! Sabi nga ng ilang mahaderang production staff, kung ire-remake ang pelikulang Kandungan (1995) ni Rosanna Roces, o iyong Apoy Sa iyong Kandungan (1984) ni Vivian Velez, isa-suggest nilang itong si kaaya-ayang aktres na ang gumanap.
Kasi naman, tuwing pumapasok ang staff sa kanilang dressing room para tawagin na kailangan na sila sa stage, itong eksena ng kandungan daw ang bumubungad sa kanila.
Pero kahit nilalanggam na sila sa sobrang ka-sweet-an, wala pa rin silang inaaming sila na.
Basta kung anik-anik ang sagot nila, na alam naman ng lahat na sila na talaga.
ANO ANG NAKITA NI GUWAPONG BOYFRIEND SA KAAYA-AYANG AKTRES?
Nagtataka ang ilang taong malapit kay guwapong boyfriend kung ano ang nakita nila rito kay kaaya-ayang aktres, bakit sobrang na-in love siya rito.
Hindi kaya nakita ito ng isang ex-boyfriend ni kaaya-ayang aktres na nakipag-break noon at naging dahilan kaya bitter-bitter-an ocampo noon itong si kaaya-atang aktres?
Sakaling papasukin ni guwapong boyfriend ang pag-aartista, dapat masanay na siya sa ganitong intriga at side comments sa kanilang relasyon.
Naiirita raw kasi si guwapong boyfriend kapag nakakarinig ng di magandang komento sa kanilang dalawa, lalo na sa pinakamamahal niyang si kaaya-ayang aktres.
Read: Yayamaning BF ng aktres, naghahagis ng PHP1K bills sa party
NOEL FERRER
Itong kaaya-ayang aktres na ito, hindi makakaalpas sa pagka-starlet of first magnitude kung ang kakikayan niya ang paiiralin imbes na makilala sa aktingan.
I-google mo ang pangalan niya, ang tatambad sa iyo ay ang kanyang mga nakarelasyon.
Iyan ba ang gusto niyang imahe at kontribusyon sa industriya natin? Hayyyyyyy!!!
