GORGY RULA:
Sobrang saya ni Sen. Bong Revilla nang nakausap ko siya ngayong Oktubre 19, 2024, Sabado ng umaga dahil sa pagkapasa ng anak niyang si Franzel Loudette Bautista sa 2024 Physician Licensure Board Exams.

"Certified doktora ka na, anak!" bahagi ng Facebook post ni Sen. Bong ngayong Sabado.
Nasilip ko pa ang Facebook Live niya ng halos ala-una ng madaling araw ng Sabado dahil sa magandang balitang natanggap nila.
Nagising sila lahat para batiin si Loudette na naiyak na rin nang nabasang pasado siya sa board exams.
BONG REVILLA AT LANI MERCADO, SUPER PROUD PARENTS
Maluha-luha si Sen. Bong na binati ang kanyang anak.
"Ay naku! I’m so happy for my daughter Loudette. Talagang meron na tayong certified doctor.
"Kaya haping-happy kami ni Mama. Thank You Lord!"
Ang tinukoy ni Bong na Mama ay ang misis na si Lani.
Sobrang saya pa si Sen. Bong nang binati ko sa telepono. Alam daw niyang ang talagang matutuwa rito ay ang namayapa niyang ama, ang dating Sen. Ramon Revilla Sr.
"Nakakatuwa, may anak na akong doktor, abogado, congressman. Pangarap talaga ng daddy ko na magkaroon ng doktor [na anak].
"Hindi namin nakuha yun… Wala sa amin nakakuha nun. Ang anak ko ang nakakuha.
"Lahat… si Andeng nag-PreMed yan. Tapos, lahat kami gusto niya mag-doctor, e wala talaga sa amin," natatawa niyang pahayag.
Ang tinukoy niyang Andeng ay ang kapatid na si Andrea Ynares.
Sabay tukoy niya kay Loudette, "Isipin mo… grabe! Nakakatuwa! Nag-aaral talaga siya, e. Saka itong past two weeks bago ng exams niya, nag-review yan ng tatlong buwan. On her own.
"Daig pa ang nanalong senador nito. Ang sarap ng pakiramdam.
Read: Jhong Hilario, partner praised for choice of school for Sarina
NOEL FERRER:
Hiningan din ng PEP Troika ng reaksyon ang proud mama siyempre na si Cong. Lani Mercado.
Sabi ni Lani, "Super saya ko kasi parang naibigay na namin sa Panginoon ang gusto niya para sa mga anak namin.
"It’s all up to our children what will they do with the opportunities God has given them.
"I’ve been taught by my parents na ang report card ko kay God is how I will raise my kids. So I think masaya si God. I have raised my kids well. To God be the Glory.”"
Ang abugadong anak naman nina Sen. Bong at Cong. Lani na si Atty. Inah Bautista-del Rosario ang campaign manager ngayon ni Sen. Bong.
Congratulations sa pamilya Revilla, lalo na sa proud parents na sina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado!
Read: Teresa Loyzaga is a doting "glamma" to Diego Loyzaga's baby
JERRY OLEA:
Sa Oktubre 24, Huwebes ay mag-uumpisa nang mag-taping si Sen. Bong Revilla para sa Season 3 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.
Disyembre 23 ang pilot telecast niyon.
Abangan natin ang mga surpresa sa third season ng nasabing show. Nanghinayang si Sen. Bong na wala siyang entry para sa 50th Metro Manila Film Festival.
Ani Sen. Bong, "Sa totoo lang, siguro hindi pa talaga napapanahon. Sayang, no, 50 years, di ba, ng Metro Manila Film Festival? I’ve been part of the MMFF for so many years.
"Fifty years na rin ako sa movie industry... Hindi bale, next year, mapapanood niyo na ako diyan. E, nakakatakbo na ako, ha?
"Yun nga lang, medyo nagre-recover pa. Pero pinapalakas ko, para pag hinabol ako ng asawa ko, mabilis ako!"
Siyanga pala, ia-announce via live streaming ang lima pang official entries ng MMFF 2024 sa Oktubre 22, Martes ng 2:00 P.M. sa Facebook pages ng MMDA at MMFF, pati sa YouTube channel ng Prime TV.
