GORGY RULA
Hindi ako masyadong na-happy sa rating ng finale episode ng Abot-Kamay Na Pangarap na nagtapos noong Sabado, October 19, 2024.
Ang buong akala namin ay magdo-double digit ito, pero naka-9.6% lang ito.
Read: Jillian Ward, iyak nang iyak sa huling taping ng AKNP
Parang alam na kasi ng mga tagasubaybay ng drama series kung ano ang magiging ending. At bago iyan, matitindi na ang mga eksena at mataas naman ang ratings nito.

Pero mataas naman ang online views ng Abot-Kamay Na Pangarap nung araw na yun. Mababa lang talaga ang viewership sa telebisyon nung Sabado.
Kahit nga ang It’s Showtime ay hindi rin ganun kabongga ang rating. Naka-6.9% lamang ito.
Ang katapat nitong Eat Bulaga! ay 3.6%.
RATINGS OF OTHER KAPUSO SHOWS
Ang iba pang programa sa GMA-7 nung nakaraang Sabado ay okay na rin ang ratings.
Ang Tadhana, na sumunod sa Abot-Kamay Na Pangarap, ay 7.3%.
Ang Wish Ko Lang ay 5.6%, at ang Maka ay 4.8%.
Ngayong Lunes, October 21, ay nagsimula na ang Forever Young ni Euwenn Mikaell.
Matitindi na ang mga eksena sa simula pa lang kung saan binaril na ang bidang child actor, at nag-flashback na 25 years ago.

Pero ang Lilet Matias: Attorney-At-Law ang ipinalit sa timeslot ng Abot-Kamay Na Pangarap.
Consistent din kasing mataas ang rating nito at na-extend pa sila. Aabot din kaya ng dalawang taon ito?
Pagkatapos ng Lilet Matias, sumunod na ang Shining Inheritance at pumangatlo na ang Forever Young.
Read: GMA-7, mas pinalakas ang afternoon ratings

JERRY OLEA
Patuloy ang paghahari ng FPJ’s Batang Quiapo sa primetime ratings, samantalang iyong katapat na Pulang Araw ay nakaka-disappoint maski ang viewership sa Netflix Philippines.
Rumaratsada nang lubos ang Kapuso Network kung weekeend.
Noong Oktubre 19, Sabado, ay naka-7.9% ang 24 Oras, kumpara sa 1.1% ng TV Patrol Weekend, at 1.6% ng Frontline Pilipinas Weekend.
Naka-10.5% ang Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, at ang Rated Korina ay 3.5%.
Naka-11.8% ang The Clash 2024, at naka-5.3% ang Rainbow Rumble.
NOEL FERRER
Noong Oktubre 20, Linggo, ay naka-3.3% ang All Out Sundays, samantalang 2.7% ang ASAP Natin ‘To.
Ang Kapuso Movie Festival ay 2.3%, samantalang 3.4% ang Sunday Blockbusters, at 0.9% ang My Puhunan: Kaya Mo.
Ang Regal Studio Presents ay naka-2.8%.
Ang Resibo: Walang Lusot Ang May Atraso ay naka-4.3%, at ang PBA Live ay 3.9%.
Ang 24 Oras ay 7.1%, samantalang ang TV Patrol Weekend ay 1.6%, at ang Frontline Pilipinas Weekend ay 1.8%.
Ang BBL Gang ay 9.7%, at ang Tao Po ay 2%.
Ang The Voice Kids ay 12.9%, kontra sa Rainbow Rumble na 4.1%.
