PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kokoy de Santos, dalawang pelikula ang entries sa MMFF 2024

Kokoy de Santos, nagulat sa pagkakapasok ng Topakk.
by PEP Troika
Published Oct 22, 2024
kokoy de santos mmff 2024
Kapuso actor Kokoy de Santos (in photo) will be seen in two movies in the 50th edition of the Metro Manila Film Festival: the comedy-drama And The Breadwinner Is... with Vice Ganda and the hard action Topakk with Arjo Atayde.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Si Kokoy de Santos ang isa sa masuwerte sa darating na 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Dalawang official entries ang kasali siya: ang comedy-drama na And The Breadwinner Is… at ang hard action na Topakk.

Read: 31 finished films isinumite para sa last 5 slots ng MMFF 2024

Dapat ay kasali rin si Kokoy sa Green Bones ng GMA Films, pero hindi siya natuloy dahil hindi na raw pumuwede sa schedule niya ang shooting.

Kung nagkataon, magiging tatlo pa pala ang pang-MMFF niya.

“Siyempre ako, sobrang blessed. Magkaroon lang ng isa, mapasama ka lang sa isang entry, di ba?

“Mapasama lang ang proyekto at maging parte ka pa nun, sobrang laking blessing na yun,” sabi ni Kokoy nang nakapanayam ng PEP Troika pagkatapos ng announcement ng five entries para sa MMFF 2024 na ginanap sa The Podium nitong Martes, October 22, 2024.

Read: MMFF 2024 Final 5 official entries announced

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SURPRISED BY TOPAKK'S INCLUSION

Dumalo roon si Kokoy para sa sumama sa grupo ng And The Breadwinner Is… nina Vice Ganda at Direk Jun Lana ng The IdeaFirst Company.

kokoy de santos maris racal and the breadwinner is...
Kokoy de Santos (right) with Maris Racal (left) in And The Breadwinner Is...

Sabi ni Kokoy, “Actually, na-surprise talaga ako kasi hindi ko ini-expect na mapapasama pala ang Topakk.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pumunta ako dito para sa Breadwinner talaga… tapos nagulat ako na nandito rin…parang nakilig ako.”

Magiging busy raw ang Pasko ni Kokoy dahil bukod sa dalawang MMFF 2024 movies, regular din ang taping niya sa gag show na BBL Gang at ang bagong drama series ng GMA-7 na Mga Batang Riles.

Pero titiyakin daw ni Kokoy na makakasama pa rin niya ang kanyang pamilya kahit magiging busy siya sa promo ng dalawang MMFF movies niya.

“Baka mag-staycation kami ng family ko kung saan man yung promo. Siyempre, kasama ko pa rin yung family ko. Para masaya,” sabi pa ni Kokoy.

Read: Kokoy de Santos almost quit Running Man PH

NOEL FERRER

Malaki ang pasasalamat ni Kokoy de Santos dahil kakaibang experience sa kanya bilang aktor na nakatrabaho niya si Vice Ganda sa And The Breadwinner Is… at si Arjo Atayde sa Topakk.

kokoy julia topakk
Kokoy de Santos with Julia Montes in Topakk
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naidirek na siya ni Direk Jun Lana at ang dami na raw niyang natutunan, pero malaki rin ang pasasalamat ni Kokoy na naidirek siya ni Richard Somes.

Si Jun ang direktor ng And The Breadwinner Is... at si Richard naman ang direktor ng Topakk.

“Alam mo yun, para sa akin, isa sa laging hinahanap ko sa work ko yung experience lagi. Iba yung feeling na iba yung role na inaasa sa akin.

“Ang daming learnings palagi. So, nakakatuwa, nakaka-happy ng puso,” saad ni Kokoy.

PARADE OF STARS

Sa ngayon ay hindi pa masagot ni Kokoy kung saang float siya sasakay sa Parade of Stars.

“Convoy na lang ba?” natatawa niyang pahayag.

“Hindi ko alam. Pero siyempre, nagulat din nga ako na nandito yung Topakk. Pero…Direk Jun, hello…” dagdag ng Kapuso actor.

Sa trailer ng Topakk ay parang ang haba ng role ni Kokoy bilang kapatid ni Julia Montes.

Pero ayon kay Kokoy, mahaba rin ang role niya sa And The Breadwinner Is...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tutulong daw siya sa promo ng dalawang pelikula, kapag pasok lang sa schedule niya.

“Depende sa schedule kasi ginagawa ko rin yung Batang Riles, e. So, magbigayan na lang din siguro.

“Basta ako lahat, kahit papano makatulong sa promo,” sambit ni Kokoy.

Read: Kokoy de Santos, naglabas ng saloobin sa pagkakasibak ng Tahanang Pinakamasaya

JERRY OLEA

Nagpakitang-gilas si Kokoy de Santos sa pelikulang And Your Mother’s Son na idinirek ni Jun Robles Lana, at ipinalabas sa EnlighTEN: The IdeaFirst Film Festival noong Abril sa Gateway Cineplex 18 sa Cubao, Quezon City.

Co-stars doon ni Kokoy sina Sue Padro, Miggy Jimenez, at Elora Españo.

Sa IdeaFirst filmfest ay nag-screening din ang Gameboys The Movie nina Kokoy at Elijah Canlas. Suportado siyempre iyon ng mga EliKoy at CaiReel fans.

Sa MMFF 50 ay may movie rin si Elijah. Kasama siya sa Uninvited ni Vilma Santos.

Read: Kokoy de Santos, "minamani" na lang ang intimate scenes sa pelikula

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Kokoy de Santos (in photo) will be seen in two movies in the 50th edition of the Metro Manila Film Festival: the comedy-drama And The Breadwinner Is... with Vice Ganda and the hard action Topakk with Arjo Atayde.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results