PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alexa Miro MMFF 2024 movie, si Sandro Marcos ang producer?

Alexa Miro, patuloy na nauugnay kay Sandro Marcos.
by PEP Troika
Published Oct 22, 2024
alexa miro mmff 2024
Alexa Miro is one of the cast members of the horror movie Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, an official entry to the Metro Manila Film Festival 2024.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Ang fresh ni Alexa Miro nang nakita siya ng PEP Troika sa announcement ng second batch ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 official entries na ginanap sa Podium nitong Martes, October 22, 2024.

Kasama si Alexa sa cast ng horror movie na Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.

Read: Vilma-Aga, Judy Ann-Lorna, Arjo-Julia M., Carlo-Julia B., FranSeth movies make it to MMFF 2024

Pagkatapos ng Tahanang Pinakamasaya, hindi na naging visible ang singer-actress. Naging abala na raw siya sa shooting ng Strange Frequencies na kinunan pa sa Taiwan.

CO-PRODUCED BY SANDRO MARCOS?

Hindi ko nakuha kay Alexa ang pangalan ng ibang producers ng Strange Frequencies dahil maingay sa venue, pero hindi niya binanggit ang pangalan ng rumored boyfriend na si Congressman Sandro Marcos.

Nang napasama ang Strange Frequencies sa limang scripts na napili para sa MMFF 2024, naintrigang ang presidential son daw ang nag-finance ng film project.

Nagulat si Alexa nang tinanong ko ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi po siya kasama,” bulalas ni Alexa.

“Ang mga producers po nito ay Reality MM Studios… at ang bagong producer namin na ngayon lang lumabas.”

Sa pagkakaalam namin, bukod sa Reality ay kasama rin sa producers ng Strange Frequencies ang Mothership at Immerse Entertainment.

Isa rin sa producers nito ay si Enrique Gil na bida rin sa pelikula, kasama sina Jane de Leon at Rob Gomez.

Read: Vic Sotto and Vice Ganda movies make it to MMFF 2024

strange frequencies taiwan killer hospital
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Ipinagkibit-balikat na lamang ni Alexa ang patuloy na pag-uugnay sa kanya kay Sandro Marcos.

“Siyempre, alam niyo naman po, ganun talaga,” sabi niya.

Pero close pa rin naman daw sila hanggang ngayon.

“Oo naman. Hindi naman nawala yung closeness hanggang ngayon.

“I’m really honored to be his friend. Lalo na po the way that he carries himself as congressman,” safe niyang pahayag, kahit matagal nang pinag-usapan ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Read: Alexa Miro insists Sandro Marcos just "one of my closest friends" despite rumored relationship

NOEL FERRER

Grateful si Alexa Miro na nabigyan siya ng honor na mapasama sa 50th MMFF.

Kumusta ang experience ng pagsu-shoot sa Taiwan ng horror movie nilang Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital?

Napabungisngis si Alexa bago sumagot, “The whole experience po, to be honest, hanggang ngayon, hindi pa po ako maka-get over. Kasi kakauwi lang po namin last week.

“Sobrang excited po kami na ikuwento ito sa inyo. It’s something that hasn’t been done in the Philippines.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And we’re really just excited, and so honored to be able show this movie to the country.”

ALEXA'S SECOND MOVIE

Itong Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital ang second movie ni Alexa. Nauna rito ang A Girl and a Guy (2021) nila ni Rob Gomez, sa direksiyon ni Erik Matti.

Aminado si Alexa na hindi niya masyadong napaghandaan ang Strange Frequencies.

After Tahanang Pinakamasaya, tinawagan daw siya ni Enrique Gil kung gusto niyang maging part ng experience na iyon.

“Itong bagong content na ito, hindi pa po nagagawa sa bansa natin. Kaya excited po ako na ipakita ito sa inyo,” sabi ni Alexa.

“Kasi kami lang po mismo yung nag-shoot nito. Wala po kaming camera crew. Kami lang din po ang pumasok sa mga inabandonang hospital.”

Read: What do netizens say about revamped 'Eat Bulaga!' and its hosts?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alexa Miro is one of the cast members of the horror movie Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, an official entry to the Metro Manila Film Festival 2024.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results