JERRY OLEA
May official entry ang Regal Entertainment, Inc. sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF)!
Ito ay ang My Future You na bida sina Francine Diaz at Seth Fedelin, sa direksiyon ni Crisanto Aquino.
Read: Francine Diaz at Seth Fedelin, paano nagkakampihan sa bashers?

Ligwak ang horror movie na Untold starring Jodi Sta. Maria, sa direksiyon ni Derick Cabrido.
“I’m happy na this is the one that was picked,” sabi ng Regal producer na si Roselle Monteverde nitong Oktubre 22, 2024, Martes, sa The Podium, Mandaluyong City.
“Kasi, Christmas is really for the family. Eto, ang pelikulang ito, pampamilya.”
So, iyong Untold ay next year na ipapalabas?
“We’ll see,” napangiting sabi ni Roselle.
Read: First movie ni Jodi Sta. Maria sa Regal, isusumite sa MMFF 2024

HOLD ME CLOSE
Pasok din sa golden edition ng MMFF ang Viva movie na Hold Me Close starring Julia Barretto and Carlo Aquino, sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana.
Si Direk Jason Paul din ang nagdirek ng pelikulang Expensive Candy (2022) na unang pinagtambalan sina Julia at Carlo.
Itong Hold Me Close ang third movie ni Julia for 2024.

Noong Pebrero 7 ipinalabas ang Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko na pinagtambalan nila ni Aga Muhlach. Matamlay iyon sa takilya, maging nang mag-streaming sa Netflix.
Ang sumunod na movie ni Julia ay ang Un/happy For You na reunion movie nila ni Joshua Garcia, at nag-showing sa local cinemas noong Agosto 14 na kasagsagan ng Ghost Month.
Ang JoshLia movie ang first Pinoy movie na tinangkilik nang lubos ng moviegoers this year.
Read: Un/Happy For You, naka-PHP253M na sa box office
So far ay wala pang kasunod na box-office hit sa mga sumunod na Pinoy movies na nag-showing.
Si Direk Jason Paul ang nagdirek ng MMFF 2023 na Penduko, na napili base sa script.
Disappointing ang performance niyon sa takilya, at ligwak din sa mga nominasyon sa awards night.
VILMA SANTOS MOVIE
Si Vilma Santos sana ang co-star ni Judy Ann Santos sa Espantaho, na idinirek ni Chito S. Roño, at pasok din sa 50th MMFF.
Nag-back out ang Star for All Seasons, at pinalitan siya ni Lorna Tolentino.
Sa MMFF 2023 ay si Direk Chito ang chair ng 11-person jury para sa awards, at si Lorna ang vice chair.
Ang ginawa ni Ate Vi ay ang Uninvited na idinirek ni Dan Villegas. Pasok din ito sa 50th MMFF!
Read: Vilma-Aga, Judy Ann-Lorna, Arjo-Julia M., Carlo-Julia B., FranSeth movies make it to MMFF 2024
Star-studded ang Uninvited, na iprinodyus ng Mentorque (producer ng MMFF 2023 entry na Mallari, starring Piolo Pascual).
Co-stars ni Vilma sa Uninvited sina Aga Muhlach, Nadine Lustre, Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Elijah Canlas, Gabby Padilla, RK Bagatsing, Ketchup Eusebio, Cholo Barretto, Gio Alvarez, and Ron Angeles.

Si Ate Vi ang best actress ng MMFF 2023 para sa When I Met You In Tokyo. Magwagi kaya uli siya this year?
Si Nadine Lustre ang bida sa Deleter, na topgrosser ng MMFF 2022, at humakot ng awards kabilang ang best actress.
Si Aga Muhlach ang bida sa Pinoy version ng Miracle in Cell No. 7, na topgrosser ng MMFF 2019.
OTHER MMFF 2024 OFFICIAL ENTRIES
Ang Topakk na bida si Arjo Atayde, sa direksyon ni Richard Somes, ay isinumite bilang script sa 50th MMFF. Hindi iyon pinili.
Sa 39 scripts na isinumite, ang limang pinili ng screening committee ay And The Breadwinner Is... ni Vice Ganda, Green Bones nina Dennis Trillo at Ruru Madrid, Isang Himala ni Aicelle Santos, The Kingdom nina Vic Sotto at Piolo Pascual, at Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital nina Jane de Leon, Enrique Gil, Alexa Miro, at Rob Gomez.
Read: 50th MMFF entries: comedy, drama, action, horror, at musical
GORGY RULA
Maaga pa lang nitong Oktubre 22, Martes, ay may nasagap na kami kung alin ang limang pasok para makumpleto ang sampung entries ng 50th Metro Manila Film Festival.
Tumugma ang nakalap naming impormasyon.
Nakausap namin ang ilang producers at ilang taong involved sa ilang isinumiteng finished films, at agree sila sa limang napili, kahit naligwak ang kani-kanyang entry.
Malaking plus points talaga ang mga artistang kasali.
Kaya kahit napag-uusapang hindi pa tapos na tapos at nagsu-shooting pa ng ilang eksena ang Uninvited ni Vilma Santos, alam nilang maganda ang kalalabasan nito.
At hindi matawarang may Vilma Santos ka na, may Aga Muhlach at Nadine Lustre ka pa!
Read: Vilma Santos, nagsimula nang mag-shooting ng Uninvited
SUMMER MMFF
Pero sabi nga ng MMDA Chairman Atty. Don Artes, nahirapan ang selection committee sa pagpili ng limang official entries.
Nakakapanghinayang daw ang mga hindi napili kaya baka ibalik ang Summer Metro Manila Film Festival next year.
Ani Chairman Artes, “Sa 31 finished film entries, lima lang po ang pipiliin at 26 po ang hindi makakasama sa 50th edition ng MMFF.
“Kanina po, nag-uusap kami ng aming team. Ang sabi po nila, para po mabigyan pa rin ng venue yun pong mga pelikulang hindi makakalahok dito sa 50th edition namin, titingnan po namin kung kaya pa na makapag-mount tayo ng another Summer Film Festival.”
Sana, matuloy ito dahil nakakaawa naman ang mga producers na makipagsapalaran na naman sila sa paghahanap ng playdate.
NOEL FERRER
Sa golden edition ng MMFF, tigdadalawa ng pelikula sina Kokoy de Santos, Eugene Domingo, at Sid Lucero.
Kasama sina Sid at Kokoy sa Topakk.
Kasama sina Kokoy at Eugene sa And The Breadwinner Is...
Kasali rin si Sid sa The Kingdom.
Ang isa pang movie ni Uge ay Espantaho.
Read: Kokoy de Santos, dalawang pelikula ang entries sa MMFF 2024
PEPE DIOKNO VS ZIG DULAY REDUX
Naghati sa major awards ng 49th MMFF ang GomBurZa ni Direk Pepe Diokno, at ang Firefly ni Direk Zig Dulay.
Sa 50th MMFF ay may kani-kanyang entry uli sila, na sa script pa lang ay napili na.
Si Zig Dulay ang direktor ng Green Bones, at si Pepe Diokno ang direktor ng musical na Isang Himala.

Ang common denominator ng Green Bones at Isang Himala ay ang National Artist na si Ricky Lee.
May cameo ba ang National Artist na si Nora Aunor sa Isang Himala? Abangan daw natin.
Pawang taga-teatro ang mga bida sa Isang Himala — sina Aicelle Santos, Bituin Escalante, Neomi Gonzales, Kakki Teodoro, David Ezra, at Vic Robinson.
