PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Topakk ni Arjo Atayde, R16 ang habol na MTRCB rating

Violent scenes sa Topakk ni Arjo Atayde, pwedeng putulin para sa MMFF.
by PEP Troika
Published Oct 23, 2024
sylvia sanchez arjo atayde topakk
Nathan Studios, the production company owned by Sylvia Sanchez (left) and her family, is co-producer of the hard-action film Topakk, starring Arjo Atayde (right), an official entry to the Metro Manila Film Festival 2024.
PHOTO/S: Jerry Olea / Nathan Studios

GORGY RULA

Bago pa in-announce ang limang finished films na pasok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF), pinag-usapan na namin ni Sylvia Sanchez ang pelikulang Topakk na isinumite ng Nathan Studios sa Selection Committee.

Ang Nathan Studios ang pag-aaring production company ng Atayde family.

Bida sa Topakk ang anak ni Sylvia na si Arjo Atayde.

Read: MMFF 2024 Final 5 official entries announced

Ayon kay Sylvia, isinumite rin nila ang script ng Topakk, pero hindi ito napili sa unang limang pelikulang in-announce ng MMFF Selection Committee.

Pero isinumite pa rin nila ang finished film dahil naniniwala silang kaya nitong lumaban sa iba pang entries sa MMFF ngayong 2024.

Umikot na ang Topakk sa international film festivals kagaya ng Cannes, Locarno, sa Spain, at sa Austin, Texas. Nagustuhan daw ito roon.

Read: Arjo Atayde, challenging ang roles sa dalawang bagong projects

topakk mmff 2024
Arjo Atayde, Kokoy de Santos, and Julia Montes in Topakk
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VIOLENT SCENES

Ipinarating ko kay Sylvia ang komento ng iba na sobrang bayolente ng Topakk at hindi raw nababagay sa MMFF, sa Pasko.

Pero buo raw ang kumpiyansa niyang tatanggapin ito ng selection committee, kahit marami itong violent scenes.

Saad ni Sylvia, “Sa mga scenes ng movie na ito, hindi ako kabado, e. Maayos naman lahat.

"Pero alam ko kasi ang panlaban ko, maganda itong movie na ito. Itong Topakk na ito.

"At proud ako dito dahil inimbitahan ito sa ibang bansa at, honestly, pinalakpakan ito doon.

"At naniniwala ako na pagdating dito, magustuhan ng mga Pinoy dito,” pakli ni Sylvia nang nakausap ng PEP Troika pagkatapos ng announcement ng second batch ng MMFF 2024 official entries.

Ang isa pang pagdadaanan ng pelikulang Topakk ay ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board). Pinangangambahang baka ma-X o R18 ito.

Baka mahirapan silang mag-R16 dahil sa napakabayolente ng pelikula.

“Nakahanda kami. Alam namin kung ano ang gagawin namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kung R18, ilalaban ko. Kung R16, mabuti,” kaagad na sagot sa amin ni Sylvia.

Read: DGPI, kinondena ang X-rating ng MTRCB sa dalawang pelikula

arjo atayde topakk

JERRY OLEA

Sabi naman ng direktor ng Topakk na si Richard Somes, willing silang mag-adjust, at baka magbawas ng mga violent scenes kung kinakailangan.

Buo raw ang kuwento ng movie kahit mabawasan ang mararahas na eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Sylvia Sanchez, “Makikipag-usap kami sa kanila. Oo naman. Susunod naman kami sa MTRCB, pero tingnan natin kapag nagkausap na kami talaga at maayos na.

“Gagawin naman namin ng paraan na maging R16. Oo naman.

"Titingnan namin kung ano ang puwedeng i-cut, di ba? Titingnan namin kung ano ang puwedeng i-cut.

“Kung tingin namin puwedeng ma-cut na hindi makakaapekto sa pelikula, go ahead. Mag-a-adjust kami.”

Read: To abolish or to retain: Is MTRCB censorship still relevant in the digital age?

NOEL FERRER

Aayusin daw nila ang schedule ng promo ng Topakk para hindi makaapekto sa maraming commitments ni Arjo Atayde bilang kongresista ng Quezon City, pati sa ibang cast ng pelikula na sina Julia Montes, Sid Lucero, Enchong Dee, at Kokoy de Santos.

ARJO ATAYDE FOR BEST ACTOR

Hindi na raw iniisip ni Sylvia na magwaging best actor si Arjo dito. Basta kumita lang daw ito sa takilya, sobrang saya na raw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
arjo atayde topakk

“Hindi kami nag-iisip ng best actor si Arjo. Basta ang sa amin lang, kumita.

"Of course, lahat naman ng producers, gustong kumita, di ba? Tapos magustuhan ng mga Pinoy ang movie niya, yun lang.

“Kung manalo man ang cast ko, si Arjo, si Julia, si Sid, si Kokoy, si Enchong Dee, marami. Kung manalo man sa kanila, bonus yun,” saad ni Sylvia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nathan Studios, the production company owned by Sylvia Sanchez (left) and her family, is co-producer of the hard-action film Topakk, starring Arjo Atayde (right), an official entry to the Metro Manila Film Festival 2024.
PHOTO/S: Jerry Olea / Nathan Studios
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results