PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sanya Lopez, Ashley Ortega nanawagan ng hustisya sa comfort women

Sanya Lopez, naging emosyunal habang nagsasalita tungkol sa comfort women.
by PEP Troika
Published Oct 26, 2024
ashley ortega sanya lopez pandesal forum
Pulang Araw stars Ashley Ortega (left) and Sanya Lopez (right) talk about their interaction with real-life comfort women for their roles in the Kapuso primetime series.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Napaiyak si Sanya Lopez sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery, Quezon City, nitong Huwebes, October 24, 2024.

Ito ay dahil pinag-usapan ang hinihinging hustisya ng mga comfort women.

Read: Pulang Araw, No. 1 agad sa Netflix isang araw matapos mag-stream

Inamin ni Sanya na kapag pinag-uusapan ang tungkol sa comfort women, sobrang nalulungkot siya dahil may nakausap siya sa ilang mga lola na dumaan sa ganung kalupitan ng mga Hapon.

Sa Kapuso primetime series na Pulang Araw ay ginagampanan ni Sanya ang papel ni Teresita, na pinagpasasaan ng Japanese soldiers.

sanya lopez pulang araw
Sanya Lopez in Pulang Araw
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SANYA LOPEZ GETS EMOTIONAL

“Sorry po, very emotional talaga ako sa ganito, kasi totoo po yung nangyari sa kanila nung panahon po ng World War II,” pakli ni Sanya.

“Naimbitahan po kasi ako magpunta po sa Lila Pilipina, yung organization po para sa mga comfort women.

“Nakakalungkot po na dalawa na lang po ang natira sa kanila doon. Yun nga po, nagsalita sila na kailan kaya nila matatanggap yung hustisya na nararapat para sa kanila.

"Kasi, konti na lang sila. So, kailan pa?

“Nung nakausap ko kasi sila, sobrang durog na durog po ako. Sobrang sakit po sa puso na marinig yung kuwento nila, dahil totoo po yung nangyari sa kanila at hindi po biro.

“Yung isa po na tumatak po sa akin dun, yung kuwento po ni Lola Narcisa.

“Sabi niya dun, kapag nakikita niya yung mga kabataan ngayon, masaya sila. ‘Kung ako siguro yung bata ngayon, siguro ang saya-saya ko.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, dun pa lang po, na-realize ko sobrang suwerte pala ng henerasyon natin ngayon.

“Hindi natin naranasan yung naranasan nila nung panahon ng hapon. Napakapalad po talaga sobra natin,” naluluhang pahayag ni Sanya.

“Sabi ko, nung ginawa ko itong Teresita dito sa Pulang Araw, mas na-appreciate ko po at ginawa ko pong inspirasyon yung mga nangyari po sa kanila para mas galingan at pagbutihan ko po at mabigyan ng kredibilidad yung pagganap ko po dito bilang si Teresita.

“Kaya po sa mga lola po natin na nakipaglaban, nakipagsapalaran at ginagamit yung sarili nila, bilang kababaihan, saludo po ako sa inyo. Saludo po ako sa katatagan ninyo.

“Kaya ito pong show ng Pulang Araw, asahan nyo po na isa ito sa magiging boses ng ating mga comfort women.

“Istorya po nila ito kaya po sana ay suportahan po natin at asahan nyo po na ito pong istorya ng Pulang Araw ay makatulong para makatulong sa kanilang ipinaglalaban.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At inspirasyon po namin, at ng mga kababaihan ngayon at sa mga susunod po na henerasyon. Mabuhay po ang mga comfort women.”

Read: David Licauco, tumatanggap ng papuri dahil sa Pulang Araw

JERRY OLEA

Nasa Pandesal Forum din na iyon si Ashley Ortega, na ang karakter na si Sister Manuela Apolonia ay naging comfort woman din sa Pulang Araw.

Aminado si Ashley na hindi niya alam ang ganitong kuwento dahil hindi ito naituro sa kanila sa paaralan.

Read: How Ashley Ortega prepared for role as sex slave in Pulang Araw

ashley ortega pulang araw
Ashley Ortega in Pulang Araw
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, bilang pagganap ng isang comfort woman ay talagang mabigat,” pag-amin ni Ashley.

“And when I found out na iyon yung role na gagawin ko, nung una ay kinabahan talaga ako, kasi magiging honest po ako, hindi po ako masyadong aware sa lahat ng mga nangyari sa mga comfort women.

“I’m really grateful na I did some research about it, na-meet ko yung mga lolas, at talagang I was heartbroken.

“Tama po yung sinabi ni Ate Sanya, lahat kami nag-iiyakan sa room na yun.

“May mga kasama kaming press, kasama namin ibang creatives, pati sila naiiyak, hindi lang kaming artistang gaganap ng role nila.

“So now, yung Pulang Araw na ipinapakita ang istorya ng comfort women, and nakikita ko yung mga comments, mga feedbacks, mga reviews ng mga netizens natin, and they’re aware of what’s going on now.

“Ngayon lang nila nalalaman na may ganito palang nangyayari during World War II.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyon yung gusto naming iparating, kasi nga bilang isa din ako sa mga taong hindi pa completely aware sa pinagdaanan nila.

“So now, I am happy na yung mga students siguro nalalaman nila kung ano yung mga nangyayari.

“And I think it’s about time na isalaysay namin yung istorya ng mga comfort women para hindi maulit at para mabigyan ng hustisya yung mga comfort women natin, tulad ng mga ipinaglalaban ng mga nandito.

“Ang iba ay hindi pa nakatanggap ng hustisya. Iyun po siguro ang pinakamasakit na puwedeng maramdaman nila.

“Kasi bilang mga comfort women, alam mo parang naranasan din namin yung nangyari sa kanila. Yung eksenang mabibigat talaga na iniisip ko every after scene na, grabe nangyari talaga ito.

“Hindi lang pala to eksena, what more yung talagang totoong comfort women na talagang pinagdaanan nila iyun. Masakit talaga sa puso.

“So now I’m really happy na nagiging voice ang Pulang Araw. Nagiging aware ang mga kabataan natin ngayon sa mga nangyari, hindi lang tungkol sa comfort women story, pero yung mga nangyari talaga nung giyera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napakaraming mga Pilipinong nagsakripisyo, lumaban para sa freedom na ini-enjoy natin ngayon.”

Read: Barbie Forteza explores the world of Bodabil in Pulang Araw

NOEL FERRER

Matagal nang hiling ng advocates na sumusuporta sa mga comfort women, na sana ay mabigyan ito ng atensiyon ng ating gobyerno.

Ilang presidente na ang dumaan, hindi pa rin daw nabigyan ng hustisya ang ating mga lola na dumaan sa kalupitan ng mga Hapon noong panahon ng giyera.

Sabi ni Atty. Virginia Lacsa-Suarez, ang chairperson ng Kaisa Ka at abogado ng Malaya Lolas, 25 na lang ang buhay pang comfort women sa bansa. Hindi sila nabigyan ng sapat na atensiyon sa kanilang ipinaglalabang hustisya.

Sana, maiparating daw ito sa ating mga kabataan para malaman nila kung ano ang totoong nangyari noong panahon ng giyera.

Hindi kasi ito naibahagi sa mga mag-aaral. Wala raw ito sa ating curriculum.

PULANG ARAW HELPS IN RESTORING HISTORY

Mabuti at nandiyan daw ang Pulang Araw, dahil naisasalarawan kung ano ang buong katotohanan noong World War II.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Suarez: “Aral ito sa ating mga kabataan. Pinapaalala nito yung madilim na kasaysayan… pero kapag ganito, ang ibig kong sabihin, yung araw na iyun ay nanaisin din ng ating mga kabataan na hindi na maulit.

“Iyon yung problema, kapag kalimutan natin ang ating kasaysayan, mas malamang maulit ito.

“Lalo na sa panahon ngayon na matindi ang giyera na nangyayari sa iba’t ibang panig ng daigdig, di ba?

“Kahit sa ibang panig ng daigdig, tayo bilang Pilipino, hindi natin gugustuhin na magkaroon ng second generation ng comfort women.”

Hindi ito naaksyunan ng ating pamahalaan dahil daw sa reciprocal access agreement sa bansang Japan.

“Itong reciprocal access agreement, ito po yung ano, e… military agreement ito, e. Kaya nakakatakot.

“Ang ibig sabihin, darating dito, puwedeng magsanay, mag-training dito ang mga Japanese soldiers. And that’s part of the militarization.

“Kaya parang naniniwala kami na parang hindi dapat yung pumapasok dito sa Pilipinas sa napakaraming military agreements or welcoming foreign soldiers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, kung nasaan yun mga sundalo, na kung saan merong giyera, doon lagi napapagsamantalahan ang babae, at ginagamit ang katawan ng babae bilang reward sa mga sundalo.”

Kasama rin doon sa panel ng Pandesal Forum sina Cong. Arlene Brosas ng Gabriela; Ms. Teresita Ang See ng Flowers for Lolas; at Sharon Cabusao-Silva, ang director ng Lila Pilipina.

pandesal forum comfort women
(From left) Atty. Virginia Lacsa-Suarez, Sharon Cabusao-Silva, Ashley Ortega, Sanya Lopez, Cong. Arlene Brosas, and Teresita Ang See
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pulang Araw stars Ashley Ortega (left) and Sanya Lopez (right) talk about their interaction with real-life comfort women for their roles in the Kapuso primetime series.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results