PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

It's Showtime hosts, nagpasalamat sa ABS-CBN sa hindi pagbitaw

It's Showtime, pinatunayan ang lakas sa ratings.
by PEP Troika
Published Oct 28, 2024
it's showtime hosts
It's Showtime celebrated its 15th anniversary with their annual "Magpasikat" competition, where Team Ogie, Kim, MC, and Lassy was declared the grand champion.
PHOTO/S: It's Showtime Facebook

GORGY RULA

Noong nakaraang linggo ay ipinagdiwang ng It’s Showtime ang kanilang 15th anniversary.

Pinatunayan nila ang kanilang lakas sa mga manonood at nararapat silang ipaglaban ng ABS-CBN.

Noong Biyernes, October 25, 2024, kung saan nag-perform ang team ni Vhong Navarro para sa "Magpasikat 2024," nakapagtala ang It's Showtime ng 8.2% rating.

Nangalahati lang ang katapat nitong Eat Bulaga!, na naka-4.1%.

Noong Sabado, October 26, kung saan in-announce ang winner sa kanilang "Magpasikat 2024," ay naka-8.1% ito. Ang Eat Bulaga! ay bumaba sa 3.5%.

Read: Team Ogie, Kim, Lassy, MC wins "Magpasikat 2024"

magpasikat 2024
Photo/s: It's Showtime Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IT'S SHOWTIME HOSTS MESSAGE

Nung Sabado rin ay nagpahayag ng kanilang saloobin ang mga host ng It's Showtime.

Nagpasalamat sila sa ABS-CBN na hindi sila binitawan sa kabila ng mga pinagdaanan ng kanilang programa na buong akala nila ay magpapaalam na sa ere.

Sabi ni Vice Ganda, “Kung iisipin natin, tapos na yun. AlDub pa lang, tapos na yun, di ba? Na-suspend yung Showtime, tapos na yun.”

Ani Jhong Hilario, “Nung panahon ng AlDub, feeling natin, parang ayaw na sa atin ng madlang pipol.”

Ang AlDub ay ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza na nabuo sa segment na "Kalyeserye" ng Eat Bulaga!, noong nasa bakuran pa ito ng GMA-7. Namaygpag sa ere ang AlDub mula 2015 hanggang 2018.

Dugtong ni Vice, “Eto na yung rurok, wala nang franchise, tapos na yun!

“Kaya ABS-CBN, to all our bosses, thank you very much, because you have been finding ways for us, for all of us.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Maraming salamat kasi hindi sila tumitigil. Kaya nga minsan kapag napapagod tayo, biglang… nakakahiyang mapagod.

“Kasi ang mga boss natin, hindi ko nga alam kung ano na yung sinusuka ng mga yun, di ba?

"Hindi ko nga alam kung ilang oras na natutulog yun, tumatawa pa ba yung mga yun. May lovelife pa ba sila?”

Read: Vice Ganda speaks up about demolition job on It's Showtime

Sabi pa ni Jhong, hindi matawaran ang tiwalang ibinigay sa kanila.

Pagsang-ayon ni Vice, “Yeah! Grabe yung trust, at yung madlang pipol kasi ang nagko-convince na 'Ilaban niyo to, may trust kami sa Showtime.'

“Kaya sa lahat ng programa ng ABS CBN, di ba? Isa tayo sa pilit nilang humihinga at buhay.

"Kaya maraming maraming salamat ABS-CBN at GMA, ang bongga niyong dalawa.”

Kaya kung ano man ang mga naririnig tungkol sa programa, wala pang makapagsabi.

May mga haka-hakang nag-uusap ulit ang TAPE, Inc. at ang GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero wala pa raw may nakakaalam, sabi nga ni Ogie Alcasid.

“I think, wala namang may alam. It’s hanging in the air. Siyempre, lahat kami… sanay na kami,” pakli ni Ogie.

Read: Ogie Alcasid on rumored end of It's Showtime-GMA agreement

NOEL FERRER

Wala pang pasok noong Biyernes, kaya mataas ang viewership ng mga programa sa telebisyon, lalo na ang Kapuso shows.

Pagkatapos ng It's Showtime, mataas din ang rating ng Lilet Matias: Attorney-at-Law na naka-8.7%.

Sumunod ang Shining Inheritance na naka-8.2%, at ang Forever Young naman ay 6.8%.

forever young
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 5.1%, at ang Love at First Night ay 4%.

Pero ang winner pa rin sa afternoon slot ay ang Family Feud na naka-10.7% nung araw na yun.

JERRY OLEA

Noong nakaraang Sabado, October 26, naman ay medyo bumaba ang Lilet Matias: Attorney-At-Law na naka-7.7%.

Ang Tadhana naman ay 7%, at ang Wish Ko Lang ay 6.7%.

Okay pa rin ang youth-oriented show ng GMA-7 na Maka na naka-5.9% nung araw na yun.

lilet matias attorney at law
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It's Showtime celebrated its 15th anniversary with their annual "Magpasikat" competition, where Team Ogie, Kim, MC, and Lassy was declared the grand champion.
PHOTO/S: It's Showtime Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results