JERRY OLEA
BOO!!!
Horror movies overload sa local cinemas nationwide umpisa ngayong Oktubre 30, 2024, Miyerkules.
Facebook post ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), “Get ready for a spooktacular movie marathon this Halloween weekend!
“Grab your popcorn, gather your friends and head to the cinema for a Halloween weekend filled with thrills, chills and action!”
Read: Horror movies’ most scary scenes
Hatid ng Ayala Malls Cinemas ang Thrill Fest 2024, kung saan PHP150 ang ticket price para sa The Lost Boys, Corpse Bride, at Trick ‘r Treat.

Exclusive na showing din sa Ayala Malls Cinemas ang Thai action-horror film na Operation Undead, starring Awat Ratanapintha and Chanon Santinatornkul.
Handog ng Robinsons Movieworld ang Horrorkada Fest, na PHP120 ang ticket price for each movie.
Bahagi nito ang 13 Exorcisms, The Haunting at St. Joseph’s, Incident in A Ghostland, Saw X, at Immaculate.
Take note na some titles ay available sa mga piling sinehan.

SINE SINDAK
Payanig ang Sine Sindak: Ang Ika-5 Yugto ng SM Cinema, kung saan PPH150 ang tiket sa bawa’t pelikula, at P300 ang one-day pass.
Walong pelikula ang tampok dito — Nanay, Tatay, Pasahero, House of Sayuri, The Thorn: One Sacred Night, My Mother's Eyes, Mads, V/H/S/Beyond, at Tenement.
Read: Dalawang horror movies ng Viva, kalahok sa Sine Sindak 5

Showing na rin nationwide starting today ang action-packed thriller na Armor, starring Sylvester Stallone and Jason Patric.
Alin kaya sa mga ito ang dudumugin ng moviegoers, if ever? Hindi kaya mas abala ang mga tao sa pagpunta sa mga sementeryo?
QCINEMA 2024
Nakatakda ang QCinema 2024 filmfest sa Nobyembre 8-17 sa Gateway Cineplex 18, Ayala Malls Cinemas, Trinoma, Shangri-La Plaza, at Power Plant Mall.
Tampok dito ang 77 titles, including 22 short films and 55 full-length films, across 11 sections.
Naka-line up sa 12th edition ng QCinema ang Phantosmia ni Lav Diaz, The Room Next Door ni Pedro Almodovar, Ran ni Akira Kurosawa, When Fall is Coming ni Francois Ozon, Anora ni Sean Baker, at ang documentary na Lost Sabungeros.

Take note na sa Nobyembre 13 ay magpapasiklab na ang reunion movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Again.
Bago ang golden edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF), itatanghal sa local cinemas ang Hollywood films na Wicked, Moana 2, Gladiator II, at The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim.
NOEL FERRER
Mataas ang rating ng Gabi ng Lagim Special ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Tapos, inaabangan din ang Kababalaghan Special ni Kabayan Noli de Castro sa Kapamilya network taun-taon.
Bakit nga ba lulong tayo sa mga pelikulang katatakutan?
Maging sa Metro Manila Film Festival, halos palaging nagtatatak ang horror films.
Kaya naman sa initiative na ito ng partners natin sa CEAP, sana mahikayat nila ang audience ng magsama pa ng mga kapamilya, at kaibigan nila manood ng pelikula sa sinehan, lalo pa’t ang horror film ay dapat ine-enjoy kasama ang tropa!
Read: Why watching horror movies is actually good for your mental health
GORGY RULA
Huwag sanang lagim ang kasapitan sa takilya ng mga katatakutang pelikula sa takilya.
Aligaga na ang karamihan sa pag-uwi sa kani-kanyang probinsiya para sa long weekend at doon mag-Undas.
Kapansin-pansin pa ngayon sa labas na karamihan ay naka-face mask. Dumadami na naman pala ang inaatake ng COVID-19 kaya nag-iingat na rin ang karamihan.
Posibleng maapektuhan ang mga pelikulang ipalalabas dahil sa takot na magkahawaan na naman.
Kailangan pa rin natin talagang mag-ingat lalo na’t magpa-Pasko, ang daming tao sa labas.
UPCOMING MOVIES
Huwag sana ito makaapekto sa showing ng Hello, Love, Again sa November 13.
Hanggang ngayon ay todo-promote pa rin ang GMA Pictures sa Balota ni Marian Rivera na marami pa ring mga sinehang nagpapalabas nito on its third week.

Pagdating ng November 27 ay iso-showing ang Huwag Mo ‘Kong Iwan ng BenTria Productions na pinagbibidahan nina Rhian Ramos, JC de Vera, at Tom Rodriguez.
Obra ito ni Direk Joel Lamangan na hindi nga lang pinalad sa mga isinumiteng finished films sa Metro Manila Film Festival.
Mas pinili nila ng Selection Committee ang isa pang romance movie na My Future You ng Regal Entertainment.
Read: MMFF 2024: Star power, plus factor sa pagpili ng official entries

APRIL BOY REGINO BIOPIC
Kasabay nitong mag-showing ang biopic ni April Boy Regino na Idol: The April Boy Regino Story, starring John Arcenas and Kate Yalung.
Nasa cast din sina Rey “PJ” Abellana, Tanya Gomez, Dindo Arroyo, at Irene Celebre, sa panulat at direksiyon ni Efren Reyes Jr.

Sabi ni Direk Efren, parang blessing-in-disguise daw na hindi ito nakapasok 50th sa MMFF at baka mas swak daw ito sa November 27 showing, kasabay ang animated musical adventure film na Moana 2.
Kaya madalas nang naririnig ngayon sa radio ang mga sikat na awitin ni April Boy Regino, para magkainteres tayong malaman ang kuwento ng buhay niya at kung ano ang kalagayan niya bago siya pumanaw noong taong 2020.
Parehong PG (Parental Guidance) ang MTRCB rating ng Huwag Mo ‘Kong Iwan at Idol: The April Boy Regino Story.
