PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine show of support para kay Rita, kinuwestiyon ng netizens

Claudine: "Please don't condone these wrong doings..."
by PEP Troika
Published Nov 2, 2024
Claudine Barretto (main) with a screenshot of her video call with Rita Daniela (inset)
Claudine Barretto (left) show of support para kay Rita Daniela (inset, right), kinuwestiyon ng ilang netizens. Sa kabila ng ilang comments na nakikisawsaw lang daw si Claudine sa sexual harassment issue ni Rita laban kay Archie Alemania, iginiit ni Claudine ang kanyang marangal na hangarin. Aniya, "Pls don’t condone these wrong doings kaya sila dumadami dahil sa mga tao baluktot mag-isip. KUNG KAYA GAWIN SA MGA ARTISTA ANO PA KAYA KARANIWANG TAO? Sana naintindihan nyo.”
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram

GORGY RULA:

Sinagot ni Claudine Barretto ang ilang nagkomento tungkol sa pag-post niya sa Instagram ng video chat nila ni Rita Daniela.

rita daniela claudine barretto

Claudine Barretto/Rita Daniela
Photo/s: @claubarretto / @missritadaniela on Instagram

Sabi ng isang netizen, tingin niya, hindi na dapat ito ipinost ang kanilang pag-uusap lalo na’t sensitive issue itong tinalakay at dapat pribado na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nung isang nag-comment sa IG post ni Claudine, “We know that you have a very good and genuine heart, Ms. Claudine pero sana naman po di nyo na pinopost mga ganiong bagay lalo na yung pic ni Ms. Rita diyan, since sensitive na bagay ang napag-uusapan.

“Sana alam nyo po ang salitang privacy, PUBLIC FIGURE pa naman po kayo.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinagot agad ito ni Claudine ng, “Thanks for your concern. Nasa social media na lahat. Yes we are public figures. Kaya ang daming rape at molestation sa mundo dahil sa mga tao who turns a blind eye.

“Kung si Rita nga nagsalita, ako ate nya, di puwede? Kahit ikaw na di ko kakilala pag kinailangan mo ako at wag naman sana mangyari sa inyo. WE SHOULD SPREAD AWARENESS ABOUT SENSITIVE TOPICS IF NOT ANO SILBI NATIN SA BUHAY?

“SORRY PERO SI @missritadaniela LANG ANG MAY POWER TO TELL ME TO STOP. Pls don’t condone these wrong doings kaya sila dumadami dahil sa mga tao baluktot mag-isip. KUNG KAYA GAWIN SA MGA ARTISTA ANO PA KAYA KARANIWANG TAO? Sana naintindihan nyo”

Marami sa mga followers ng aktres ang nag-agree sa kanyang pananaw, at sinasabing tama naman ang ginawa niyang pagpapahayag ng suporta kay Rita Daniela.

CLAUDINE, GAANONG KA-CLOSE KAY RITA?

Pero may ilang taong malapit kay Rita ang nagtanong kung gaano ba ka-close ang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi lang sa ilang napagtanungan ko, nabanggit lang daw noon ni Rita na si Claudine ang isa sa hinahangaan niyang aktres.

Wala raw silang ideya kung nagkita ba sila o naging magkaibigan.

Saka hanggang sa ngayon ay hindi pa nagsalita si Rita tungkol sa reklamong inihain niya laban kay Archie Alemania.

Rita Daniela and Archie Alemania
Archie Alemania / Rita Daniela
Photo/s: @missritadaniela @archiealemania on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit nung nag-file ito ng complaint sa Bacoor Prosecutor’s Office ay hindi nagpaunlak ng panayam sa media na nag-cover doon.

Ang abogado lang nitong si Atty. Maggie Abraham-Garduque ang pinagsalita.

Read: Claudine, dinamayan si Rita; biktima rin umano ng pang-aabuso

Read: Rita Daniela, sinampahan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania

JERRY OLEA:

Hiningan ng PEP Troika ng komento ang legal counsel ni Rita na si Atty. Maggie Garduque, pero ayaw na raw niyang magbigay ng statement kaugnay rito.

Siyempre, nagpapasalamat si Rita sa ipinakitang suporta ni Claudine, pero hindi raw niya alam kung aware itong ipo-post ni Claudine ang kanilang pag-uusap.

Pero nasa post ni Claudine na willing siyang mag-mediate sa dalawa kung hihingi ng apology si Archie at kung gusto nitong makipag-ayos kay Rita.

Napangiti na lang si Atty. Maggie sa tanong namin kung tama bang si Claudine ang mag-mediate kina Rita at Archie kung sakali.

Sabi ng ilang taong malapit sa aktres, hindi raw ba dapat sa abogado na nila ito o sa prosecution?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang sabi lang ni Atty. Maggie, alam daw niyang nahihirapan si Rita sa pinagdaanan niya ngayon.

Sana, huwag lang daw ito makakapagpabigat pa sa dinadala niya ngayon.

NOEL FERRER:

Lalo pang lumalala ngayon ay kung anu-ano pang mga kuwentong naglalabasan para sumabay sa mainit na isyung ito nina Rita Daniela at Archie Alemania.

CLAUDINE REVELATION, MAG-TRIGGER KAYA NG IBA PANG SEXUAL HARASSMENT ADMISSIONS MULA SA IBA'T IBANG ARTISTA?

May nagkalat pang pati raw si Kim Domingo ay nakaranas din ng sexual harassment kay Archie.

Isang taong malapit sa aktor at nakasama sa trabaho ang napagtanungan ng PEP Troika, at itinanggi niya ito.

Base lang daw sa napag-alaman niya ay walang ganung pangyayari, at hindi raw ginawa iyun ni Archie sa sexy actress.

Inaasahan na raw na may mga iba pang kuwentong maglalabasan para lalo lang idiin si Archie Alemania.

Ang tanong lang ng ibang netizens, ano ang aksyon at stand ng Sparkle dito gayong pareho nilang artists pala ang dalawang involved?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto (left) show of support para kay Rita Daniela (inset, right), kinuwestiyon ng ilang netizens. Sa kabila ng ilang comments na nakikisawsaw lang daw si Claudine sa sexual harassment issue ni Rita laban kay Archie Alemania, iginiit ni Claudine ang kanyang marangal na hangarin. Aniya, "Pls don’t condone these wrong doings kaya sila dumadami dahil sa mga tao baluktot mag-isip. KUNG KAYA GAWIN SA MGA ARTISTA ANO PA KAYA KARANIWANG TAO? Sana naintindihan nyo.”
PHOTO/S: @claubarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results