JERRY OLEA
CW: Contains explicit language
Nobyembre 1, 2024, Biyernes, All Saints’ Day nag-umpisang mag-streaming sa VMX (formerly known as Vivamax) ang pelikulang Baligtaran.

Bida sa Baligtaran sina Apple Dy, Skye Gonzaga at Calvin Reyes, sa direksyon ni Aya Topacio.
Nasa cast din sina Trish Gaden at AJ Oteyza.
Noong Nobyembre 2, Sabado, All Souls’ Day ay pumuwesto na ang Baligtaran sa number 1 ng Top 10 ng VMX.
Ang iba pang nasa listahan ay Donselya, Kiskisan, Krista, Punit na Langit, Tatsulok, Pilya, Dilig, Cita at Init.
Natuwa siyempre si AJ Oteyza na umariba sa VMX ang Baligtaran.
May isa pang movie siya sa mag-i-streaming this year sa VMX, iyong Silip na nakatakdang ipalabas sa Disyembre 3, Martes.
“Masaya, ganun pa rin, katulad ng dati.
“Hindi nga lang siya sunud-sunud ang project,” sabi ni AJ nang makatsikahan ng PEP Troika noong Oktubre 26, Sabado sa isang hotel sa Cubao, Quezon City.
“Pero nae-enjoy ko naman. Dun sa Silip, parang drug lord ako dun na binababae ko yung bida.”
Ngayong 2024 ay nakasama rin siya sa VMX movies na Dayo at Hiraya kung saan billed siya as Alvaro Oteyza. Uncredited ang cameo niya sa Mapanukso.
Marami-raming VMX projects si AJ noon pa man. Nag-frontal nudity siya sa Moonlight Butterfly at Tahanan, maging sa Lockdown na nag-streaming doon.
Neil Suarez ang screen name niya sa Lockdown. Before ay gumamit din siya ng screen name na Clifford something.
Sa VMX movies niya this year ay lagi siyang naka-plaster sa maseselang eksena.
“Depende, depende rin sa artista kung gusto o ayaw. Pero parang mas safe talaga pag nakaplaster kayo,” sambit ni AJ.
AJ, PAYAG BANG MAG-FRONTAL NUDITY?
Papayag pa rin ba siyang mag-frontal kung sakali?
Mabilis na tugon ni AJ, “Papayag naman ako pero depende yun sa pelikula, sa kuwento. Kung kailangan talagang gawin, bakit hindi ko gagawin?
“Pero ako naman siyempre, sanay naman na ako sa ganyan. Kumpara noon.”
Nahihiya pa siya?
“Hindi na, e. Wala na, nagawa ko na noon, e. Bakit hindi ko kayang gawin ulit, di ba?” sabi ni AJ.
Kakayanin ba niyang magpakita ng erection?
Natawa si AJ, “Ha! Ha! Ha! Baka porno na iyon! Naalala ko tuloy yung Lockdown. Kulang na lang, lahat ng eksena, nakahubad ka, e.
“Iba talaga ang Direk Joel Lamangan. Maraming humuhusay pag naidirek niya.”
Palaban ang mga babaeng nagbi-VMX. Tinatablan ba siya sa pakikipagharutan sa mga ito?
“Ako naman, hindi ako tinatablan sa mga ganun. Kasi, ang laging pumapasok sa isip ko, professionalism,” sabi ni AJ.
“Yung craft na ginagawa ko sa pagtatrabaho. Ayun.”
Bigay na bigay ba ang mga babaeng nakaeksena niya sa VMX projects?
“Merong mga bigay na bigay. Siguro yun yung mga masasabi ko na yung bago, mga baguhan,” sey ni AJ.
“Pero siyempre lahat naman tayo, nagdaan sa ganyan, e. Hindi pa natin alam kung ano ba talaga yung dapat nating igalaw pag ganun ang mga eksena.
“Pag pumasok ka ng VMX, understood na yun na… kailangan mong gawin yun. Kasi, hindi ka naman wholesome, e. Naghuhubad ka, e.
“So wala kang choice kundi gawin kung ano yung pinagagawa sa yo. May istorya pa rin naman yun.”
Read: From Vivamax to VMX: 12 pasabog ng No. 1 Filipino streaming site
GORGY RULA
Sa dinami-dami ng mga mapangahas na pelikulang ginawa niya, meron na bang totohanan ang lampungan?
“Meron akong na-experience sa sensuality workshop noon para sa isang indie movie, hindi sa VMX. Wala pang VMX noon,” pagsisiwalat ni AJ.
“Talagang ano, talagang nanghawak ng ano. Babae, nanghawak ng ari. Nagulat ako. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Anong nangyari sa kanya noon?
“Wala, nagulat ako siyempre. Ikaw, hindi ka ba magugulat nang ganun? Ha! Ha! Ha!”
Tinigasan ba siya?
“Bilang isang lalaki, kahit ayaw mong tigasan, titigasan ka.”
Anong emote ng girl habang na-touchstone pictures nito ang kanyang birdie?
“Wala, parang nabigla rin lang siya, ganun. Siguro, hindi rin niya sinasadya na yun ang hawakan niya.”
Sa mismong shooting, hinawakan pa rin ng girl ang private part niya?
“Hinawakan pa rin. Ano siya, walang restriction. Hindi naman yun pinakita sa movie, na hindi ko na maalala ang title,” saad ni AJ.
“Extra movement lang yun pero hindi na nakita sa kamera. Extra movement. Siyempre pag nagla-love scene ka, talaga naman sa pagtatalik e ganun talaga yung ginagawa nyo.”
Pakiramdam ba siya, na-violate siya ng girl na kaeksena niya?
“Hindi naman.”
Hinawakan din ba niya ang girl sa maseselang bahagi ng katawan nito?
“Ako, oo, hinawakan ko yung ano, kung ano lang yung pinautos ng direktor. Ano lang, yung mga boobs lang,” lahad ni AJ.
“Pero camera trick ginagawa ko. Nagmumukha siyang natural kung hinahawakan ko pero may space.
“Minsan kasi, yung mga babae, ayaw din naman talaga nila.
“Depende yun sa magiging partner ko, kaya bago kami gumawa ng love scene, tinatanong ko yung mga OK at ayaw nilang gawin ko.
“Sinusunod ko naman sila bilang respeto.”
Read: Vivamax, ano ang ambag sa entertainment industry?
NOEL FERRER
Ano ang natutunan niya sa mga project at co-stars niya sa VMX?
“Siyempre yung iba’t ibang karakter. Yun yung mga napaka-special na unforgettable sa akin,” pahayag ni AJ.
“Binibigyan nila ako ng karakter na usually hindi ko pa nagagawa pero nabibigyan ko naman ng tamang akting, ganun.
“Actually, lahat naman tayo, may matututunan din, di ba? Dun na lang natin makikita yun pagka nasa sitwasyon na.
“May mga bagay na hindi natin alam, sila ang magtuturo sa atin. May mga alam sila na hindi natin alam sa henerasyon nila ngayon, di ba?”
AJ, HINDI PA RAW NAKARANAS NG SEXUAL HARASSMENT
Sa paggawa niya ng sexy projects mula noon, may pagkakataon ba na na-exploit siya ng bading?
“May mga indecent proposal, sa Messenger, ganun. Mga nagme-message, nagko-comment,” sagot ni AJ.
Iyong hinalay o inabuso ng bading, gaya ng reklamo nina Sandro Muhlach, Gerald Santos, Enzo Almario, at unnamed talent ng TV5?
“Wala naman, wala naman. Sa social media lang.”
Nag-audition kamakailan si AJ para sa isang all-male sing-and-dance group na tipong bagong bersyon ng Hagibis.
Pagtatapat ni AJ, “Kaka-audition ko pa lang. Hindi pa sure kung makukuha ako, ayun. Tapos ngayon, ano lang ako, bahay, gym, nagwo-work out.

“Tapos, raket-raket ng kung anu-ano, kung ano yung maititinda, ganun. Mga product. Hindi online selling. Post-post lang.”
