PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Baby girl nina Derek at Ellen, wala pang face at name reveal

Derek at Ellen, pasilipin lang muna ang ginagawa sa kanilang baby girl.
by PEP Troika
Published Nov 4, 2024
derek ramsay ellen adarna baby girl
Couple Derek Ramsay and Ellen Adarna have yet to publicly share the name and show the face of their baby girl. Ellen gave birth to her first baby with Derek on October 22, 2024.
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram

GORGY RULA

Kinatutuwaan ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna na mag-post sa Instagram ng kanilang baby girl, kahit wala pa ring face reveal hanggang ngayon.

Maging ang pangalan ng baby ay hindi pa rin nila ibinahagi sa publiko, kahit marami na ang nangungulit kung ano ang ipinangalan nila rito.

Pero kung pagtitiyagaang basahin ang comments sa ipinu-post na mga larawan ng mag-asawa, binabanggit kung ano ang tawag nila sa kanilang baby girl.

Read: Ellen Adarna gives birth to first baby with husband Derek Ramsay

"BABY LIANA"?

Mukhang kaibigan nila ang sumagot sa nagtanong kung ano ang tawag nila sa baby. Si "Baby Liana" raw ito.

Meron ding nagko-comment na tinatawag ang sanggol na “Baby Ramsay” at “Mestiza.”

Sabi ng ilang taong malapit kina Derek at Ellen, parang mas kamukha raw ng aktor ang baby, pero napaka-mestiza raw na kuha kay Ellen.

Happy ang mag-asawa na mag-post muna ng konting pasilip sa baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mukhang matagal pa ang face reveal, dahil mas gusto raw nilang pribado ito.

Nag-text kami kay Derek kung tama nga bang “Baby Liana” ang tawag nila sa kanilang baby, pero hindi pa siya sumagot.

NOEL FERRER

Hindi mapigilan ang ilang nagkokomento ng kanegahan, at meron nang pinatulan si Ellen.

Merong isang nag-comment na sana raw ay hindi maitsapuwera si Elias, anak ni Ellen sa dati niyang karelasyong si John Lloyd Cruz.

Read: Ellen Adarna touched by firstborn Elias's gesture for baby sister

Sagot ni Ellen, “sana mag-isip-isip ka din.”

Nung huling check namin ay tinanggal na ang comment na yun. Pero kinuyog na ng bashing itong nag-post ng negang comment.

Masaya sina Derek at Ellen na mag-post ng konting pasilip sa kanilang baby, kagaya ng makinis na paa at napakaputing tenga nito.

Marami tuloy ang nangungulit kung kailan nila ipapakita ang bagets. Baka raw pagkatapos pa ng binyag o dedication.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta tayo, masaya tayo para kina Derek at Ellen!!!

JERRY OLEA

Base sa mga nakakarating sa atin ay magkasundo talaga sina Derek at Ellen, at mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Ang pagkakaroon nila ng baby ay lalong magpapatibay sa kanilang pagmamahalan. Nakaka-good vibes!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Couple Derek Ramsay and Ellen Adarna have yet to publicly share the name and show the face of their baby girl. Ellen gave birth to her first baby with Derek on October 22, 2024.
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results