GORGY RULA
Dinadagsa ng mga nakikiramay ang burol ni dating Pagsanjan mayor Girlie Javier-Ejercito, mas kilala sa showbiz bilang Maita Sanchez, umpisa noong Linggo ng gabi, November 3, 2024.
Nakapanayam ng DZRH, through Morly Alinio, ang biyudo ni Maita — ang aktor at former Laguna governor na si ER Ejercito.
Read: Former Pagsanjan mayor and actress Maita Sanchez dies at 55
MAITA SANCHEZ'S BATTLE WITH CANCER
Isinalaysay ni ER ang pinagdaanan ng kanyang asawa nang una itong ma-diagnose na may cancer taong 2015.
“Ang analysis ng kanyang mga doktor sa St. Luke’s ay stress. Stress at saka minimal diet, but more on stress-related, kasi wala naman sa lahi ni Mayor Girlie ang cancer,” lahad ni ER.
“It all started in 2014 nung ako ay illegally na tinanggal bilang elected governor ng lalawigan ng Laguna.
“Nag-manifest yung kanyang breast cancer nung 2015, 2016. Tapos pinagamot ko siya nung 2017 sa St. Luke’s Medical Center, Quezon City.
“One year kami dun, kasi incumbent mayor siya ng Pagsanjan. Walang nakakaalam sa sakit niya, at tinago talaga namin yun dahil she had to be physically fit as municipal mayor.
“Kaya one year ko siyang pinagamot sa St. Luke’s nung 2017, naging cancer-free na siya. Gumaling naman, at tuwang-tuwa kami, nakabalik siya bilang mayor ng Pagsanjan.”
Okay na raw sana si Maita, pero na-stress na naman daw ito dahil sa hindi ito pinalad nung 2022 elections.
Ito raw ang dahilan kaya bumalik ang sakit nito.
Read: Mag-asawang ER Ejercito at Girlie Ejercito, tatakbong mayor sa magkaibang bayan sa Laguna

JERRY OLEA
Naniniwala si ER na nakaka-cancer ang matinding stress dahil bumalik daw ang cancer ng kanyang asawa niya nung natalo ito nung nakaraang eleksyon.
Lahad niya: “Nag-vice-mayor siya 2019 to 2022. Three years siyang vice-mayor.
"Then, lumaban siyang mayor nung 2022, hindi naging maganda yung resulta, na-stress na naman siya. Bumalik na naman yung cancer, aggressive na.
“From breast cancer, naging stage 4 endometrial cancer. So, na-confine na naman siya sa St. Luke’s Medical Center, labas-masok kami 2023, 2024.
“Then, naka-attend pa siya sa graduation ng anak namin si Jhulia sa De La Salle University, naging cum laude. Um-attend kami sa graduation ni Jhulia. Naka-attend pa siya sa 9th birthday ng anak namin, si Diego Ejercito."
Pagpapatuloy ni ER: “After that, na-confine na siya sa St. Luke’s nung July 2024, then hindi na kami nakalabas. July 2024, hanggang sa namatay siya nung November.
“Kailangang tanggalin ang kanyang ovary, uterus, and fallopian tube because of the very aggressive stage 4 endometrial cancer.
“Naging matagumpay naman yung operation, naging problema naman complication, nag-metastasize, kumalat yung cancer cells. Lumipat sa kanyang mga intestines.
“So, ang mga bituka niya namaga, nagkaroon ng obstruction because of the lymph nodes, and the tumors were very aggressive nung cancer cells, stage 4.”
Read: Unang gabi ng lamay para kay Maita Sanchez, dinagsa sa Pagsanjan
NOEL FERRER
Awang-awa raw si ER sa asawa niya dahil sa hirap na pinagdaanan nito bago pumanaw.
“Nakakaawa si Mayor Maita, hindi siya makakain. Hindi na nagpa-function nang normal ang kanyang intestines. Kaya nabuhay siya sa NGT [nasogastric tube] dahil ang lahat na kinakain niya at iniinom niya ay sinusuka niya.
“Sa final days niya, weeks bago siya namatay nung November 2 ay continuous po ang kanyang fever because of the infections ng antibiotics.
“Araw-araw nilalagnat, tapos araw-araw may continuous bleeding because of the obstruction in the intestines at saka sepsis. Araw-araw tinatanggal siya ng tubig sa baga.
“Very painful ang death ni Mayora, but nung November 2, nung gabi, ay naghihingalo na siya, nakapikit. Pinipilit ko siyang gisingin, dahil nakapikit na siya at naghihingalo na.
“Nung dumilat siya nung 11:51 P.M., akala ko okay na siya. Yun pala, last look na niya at last breath. So, she passed away ng 12:01 in the morning on November 3, 2024."
Ayon kay ER, “Very depressing at broken ako ngayon. At least I have my family.
"Ang sabi ko naman, ang lagi naman naming pinag-usapan ni Mayora Maita na laban lang ano man ang mangyari.
“In God’s time naman, mangyayari yan, lahat naman tayo mamamatay. Nauna lang si Mayora Maita, pero ipagpatuloy pa namin ang aming ipinaglalaban. Dapat siya ang lalabang vice-mayor, e,” dagdag niya.
Tuloy pa rin ang pagtakbo ni ER sa 2025 elections bilang mayor ng Pagsanjan.
Tatlong anak din niya ang tatakbo: si Jerico ay tumatakbong vice-governor ng Laguna; si Jhulia Ejercito ay tumatakbong board member ng 4th district ng Laguna; at si John Paul ay tumatakbo namang konsehal ng Pagsanjan.
