GORGY RULA
Nagsimula na sa DZRH-TV ang bagong TV, radio, at online series na WPS o West Philippine Sea nitong Martes ng 11 P.M., Nobyembre 5, 2024.
Isinulat ito at prinodyus ni Dr. Michael Raymond Aragon ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc.
Read: Chinese K-pop stars, Pinoy celebs react to PHL's arbitration win vs China
Inilunsad ito sa Manila Hotel noong Linggo, November 3.
Dinaluhan ito ng supporters ng programa, kasama ang mga estudyante ng Philippine Navy, at mga artistang tampok dito—ang magkapatid na sina Rannie at Lance Raymundo, si Daiana Menezes, at ang VMX star na si Ayanna Misola.
May special participation din sa WPS sina Jeric Raval, Aljur Abrenica, at AJ Raval.
Nilinaw ni Dr. Aragon na walang kinalaman ang gobyerno sa WPS. Bahagi raw ito ng kanilang adbokasiya para sa ating bansa.
“We are here for a crucial advocacy, the issue about the West Philippine Sea. It’s part of our EEZ, awarded in an arbitral tribunal,” bahagi ng pahayag ni Dr. Aragon.
Nilinaw rin niyang fiction ang WPS na inspired sa nangyayari sa West Philippine Sea sa kasalukuyan.
“This project is fiction, entertainment, but a subliminal way of talking to people to rally the correct foreign policy to make sure it doesn’t go to them.
“We are talking to air this on TV, free TV, cable, satellite, radio drama and Viva One. They have subscribers from all over the world, this is different from Vivamax, and is their prime brand,” dagdag ni Dr. Aragon.
Read: KC Concepcion criticizes China over West Philippine Sea issue
FIRST NON-SEXY PROJECT OF AYANNA AND AJ
Ayon kay Lance Raymundo, ito ang first project na ginawa ni AJ Raval na hindi na siya nagpa-sexy.
Kahit si Ayanna Misola na may mahalagang role sa seryeng ito ay napasabak sa action scenes, at wala raw talagang sexy scenes na ginawa.
Saad ni Lance, “Eto yung official na crossover ni AJ Raval at Ayanna Misola sa wholesome side, from sexy roles. And of course, hindi naman natin masisisi naman minsan sa social media based from the poster.
“Maraming mga bashing na nagku-question na, 'Bold ba ito?' Kung anong mga klaseng eksena na gagawin sa barko.
"Pero siyempre kapit lang, kasi ganun naman talaga, e. Hindi naman mailabas lahat sa press release na ganyan.
“Binubuhay ang patriotism dito ng mga Filipinos.”
Mapapanood ang WPS sa DZRH TV tuwing Martes at Miyerkules, at may delayed airing sa DZRH AM radio 666 ng Miyerkules at Huwebes ng 12 midnight.

NOEL FERRER
Natapos na ang Season 1 ng WPS, at pinaghandaan na raw nilang i-tape ang Season 2.
Nagpasalamat ang mga artistang bahagi ng WPS dahil sobrang naasikaso raw sila ng kanilang producer.
Parang naka-lock-in daw sila dahil kapag late night na sila na-pack up, ikinukuha sila ng hotel na matutuluyan para hindi sila mahirapan sa pag-uwi.
Pahayag ni Daiana Menezes, “Nagkaroon ako ng pamilya dito. Nakakatuwa na yung hindi pumasok ka lang para magtrabaho, talagang nag-e-enjoy talaga.”
Sabi naman ni Rannie Raymundo, “Ni-lock in kami ng aming producer, hindi dahil gusto niya kami ikulong. Kundi para hindi kami mahirapan umuwi.
“Puwede kaming umuwi anytime namin gusto. Pero just to be comfortable, baka mahirapan lang umuwi tapos maaga pa babalik, he booked a hotel for us. Ganun kami inaalagaan.”
Read: Bianca, Enchong, Agot cry foul after Malacanang downplays Chinese vessel ramming PH boat
JERRY OLEA
Hindi lang daw ang isyu sa West Philippine Sea ang tinatalakay sa WPS kundi ang iba pang problema at isyung hinaharap ng ating bansa.
Base sa trailer, kapani-paniwala na fiction ito. Kaya hindi nito mape-preempt ang isang documentary na kaugnay sa kaganapan sa West Philippine Sea.
Next year pa nakatakdang ipalabas ang naturang documentary, na ang direktor ay kapita-pitagan, at may mga nagawa nang documentary na merong adhikain.
Read: Ethel Booba hits Jay Sonza for insensitive comment on Pinoy fishermen abandoned by Chinese vessel
