JERRY OLEA
Nobyembre 8, 2024, Biyernes, eere sa Kapuso primetime ang ika-75 episode ng Pulang Araw.
Simula Lunes, Nobyembre 11, ay limang linggo na lamang sa ere ang serye nina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, David Licauco, at Dennis Trillo.
Ang huling episode ng Pulang Araw sa GMA-7 ay eere sa Disyembre 13, 2024. Friday the 13th!
Sa natitirang 25 episodes ng Pulang Araw, mababawasan na ba ang flashback scenes?
May matutunghayan ba tayong malalaking eksena, na maikukumpara sa “The Burning of Atlanta” ng pelikulang Gone With The Wind (1939), o kaya sa “Omaha Beach D-Day Landing” ng pelikulang Saving Private Ryan (1998)?
Read: Isay Alvarez, muling ipinamalas ang husay sa Pulang Araw

Ang finale week ng Pulang Araw, lalapit o papantay man lang ba sa ratings ng FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin?
Naulinigan nating bilang na rin ang mga araw ng Widows’ War nina Bea Alonzo, Carla Abellana, at Jean Garcia. Babalik pa ba rito ang karakter ni Rita Daniela?
Read: Bea Alonzo finds doing Widows' War fulfilling but "very draining"

MGA BATANG RILES TO AIR FIRST BEFORE SANG'GRE
If ever, anong serye ang papalit sa Pulang Araw, at sa Widows’ War?
Oktubre 16, nag-post ang GMA Drama sa Facebook ng teaser ng Mga Batang Riles, “PAPARATING NA SILA. BARKADAGULAN NA!”
Oktubre 29, may FB post ang GMA Network, “In 2025, five stars — Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, and Antonio Vinzon - are set to star in the GMA Prime series Mga Batang Riles, a drama-action series that tells the story of five teenagers who need to defend themselves against all odds to prove their innocence…”
Mauunang ipalabas ang Mga Batang Riles kesa sa Sang'gre nina Bianca Umali, Faith da Silva, Angel Guardian, at Kelvin Miranda?
Ang statement ng GMA Entertainment noong Nobyembre 4, Lunes, “GMA Entertainment's Sanggre will have new directors Rico Gutierrez and Enzo Williams.
“Direk Mark Reyes will start on new major projects for 2025 and will bequeath direction of the next Encantadia installment. Sang'gre is slated to air on GMA Prime in 2025."
Read: Mark Reyes confirms resignation from Sang'gre
Maliwanag, sa susunod na taon pa rin mapapanood ang Sang'gre. So… wala munang kapalit na serye ang Pulang Araw sa Disyembre?
Sa Enero 2025 mapapanood ang bagong Kapuso series na makikipagbakbakan sa FPJ’s Batang Quiapo?
Ang unang naulinigan natin ay panghapon ang Mga Batang Riles. Mukhang ito na ang itatapat sa serye ni Coco?! FPJ’s Batang Quiapo versus Mga Batang Riles?!
Take note na bukas, Nobyembre 8, ang pag-ere ng ika-50 episode ng Lavender Fields nina Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez, at Jericho Rosales.
Kagaya ng Pulang Araw ay 100 episodes ang Lavender Fields. So, umpisa Nobyembre 11, Lunes, ay 10 weeks ang natitira rito.
Ang finale episode ng Lavender Fields ay nakatakdang umere sa Enero 17, 2025.

Kung hindi ako nagkakamali, ang kapalit nito umpisa Enero 20, 2025, Lunes, ay ang 130-episode Incognito nina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Baron Geisler, Ian Veneracion, Kaila Estrada, Maris Racal, at Anthony Jennings.
Read: Lavender Fields at Pulang Araw pasok pa rin sa Top 10 ng Netflix
GORGY RULA
Hindi naman napaiksi ang taping ng Pulang Araw at Widows’ War. Hanggang doon lang talaga ang buong season, at hindi na lang na-extend.
Kaya todo-promo na ngayon ang Mga Batang Riles dahil plantsado na ito, ang dami na nilang na-tape at maganda raw ang kinalabasan. Posibleng ito na ang ipalit sa timeslot na maiiwan ng Pulang Araw.
Wala pang balita sa Sang’gre dahil iba na ang direktor ngayon, na ang naulinigan namin ay parang pinapa-revise ang script.
Kung mare-revise ito, panibagong taping at matatapon na lang ba yung mga unang nakunan? Parang ang sakit sa burnik.
Ang daming pagdadaanan ng primetime ng GMA-7 at sana maayos na ito.
Mabuti at maganda naman ang performance ng mga afternoon drama ng Kapuso Network.
Consistent na naglalaro sa 8% hanggang 9% ang Lilet Matias: Attorney-At-Law at ang Shining Inheritance.
Ang Forever Young naman na medyo late in the afternoon na ang timeslot ay umaabot hanggang 7% ang rating.
Ang bongga ng Family Feud, dahil laging ito ang nangunguna sa afternoon prime, na madalas ay nagdo-double digit ang rating nito.
Read: Abot-Kamay Na Pangarap, kumusta ang finale rating?
NOEL FERRER
Making the most out of TV exposure ngayon kahit alam natin na iba na ang TV viewing habits ng mga tao. Hindi na gaya ng dati.
Marami pa ngang nagsasabi na streaming and online shows are the way to go.
Talaga ba, give TV five years na lang ng pamamayagpag — at online na talaga ang gawi ng mga tao?
Basta pagandahan pa rin ng program at content dapat, di ba, kahit saan pa mang platform ito!
