JERRY OLEA
Ho! Ho! Ho! Mag-i-streaming ang American Xmas comedy film na Dear Santa umpisa Nobyembre 25, 2024 sa Paramount+.
Tampok dito si Jack Black bilang Satan Claus.
Ang buod ng pelikula, “A young boy accidentally mixes up his spelling and sends his Christmas list to Satan instead of Santa.”
Ito ang ikalawang Christmas film ni Jack Black. Nauna rito ang The Holiday (2006).

Ang istorya ng American film na Dear Santa ay hindi nalalayo sa local movie na Dear Satan, starring Paolo Contis, Aya Fernandez, and Sienna Stevens.
Setyembre 18, 2024 ang target playdate ng nasabing movie na idinirek ni RC de los Reyes, at prinodyus ng Mavx Productions.
Na-X ng MTRCB ang Dear Satan, kahit pa ginawang Dear Santa ang title nito.
Read: MTRCB says X-rating for Dear Satan is final

Hindi na umapela ang Mavx, at nabalitaan nating diretso na ito sa streaming sa Netflix.
Wala pa tayong update kung kailan ang Netflix streaming ng Dear Satan aka Dear Santa — kung this year ba, next year, sa 2026 pa, o kailan man.
WHISPERS IN THE WIND
Ibinalita ng Mavx sa Facebook na sa Nobyembre 21, 2024, Huwebes, ay mag-i-streaming na sa Netflix ang pelikulang Whispers In The Wind.
Bida rito sina Carlo Aquino at Barbie Imperial, sa direksyon ni RC de los Reyes.
Si RC rin ang direktor ng pelikulang I Love Lizzy (2023) na unang pinagtambalan nina Carlo at Barbie, pati na nga iyong kontrobersyal na Dear Satan.
Bahagi ng recent post ng Mavx Productions, “MAVX brings you to Japan in the latest film Whispers in the Wind. Follow the story of the two lead characters as they move on after being hit by a strong earthquake and tsunami in Iwate, Japan, in 2011.
“Most of the scenes in the film were shot at the same ground zero location. Together with Kakai Bautista, Gian Magdangal.”

GORGY RULA
Excited ang taga-Mavx Productions sa streaming ng Whispers in the Wind sa Netflix dahil sa tingin nila, dito talaga ang audience ng pelikulang ito nina Carlo Aquino at Barbie Imperial.
Malakas naman ang Mavx movies sa Netflix na madalas ay nasa Top 10 trending.
Nakibalita na rin ako sa Mavx tungkol sa Dear Santa nina Paolo Contis at Sienna Stevens, at meron pala silang nakaplano sa pelikulang ito.
Nakiusap lang silang huwag munang i-share dahil hindi pa talaga na-finalize lahat. Abangan na lang daw ang kanilang official announcement.
Read: Dear Satan, walang theatrical release; diretso sa Netflix
NOEL FERRER
Noong Agosto 21, 2024 nag-open sa local cinemas ang Whispers in the Wind.
Kasabay nito ang opening ng documentary ng And So It Begins, Blink Twice, Harold and the Purple Crayon, Seventeen Tour ‘Follow’ Again To Cinemas, The Crow, Detective Conan: The Million Dollar Pentagram, at Thrill Fest: The Ghost Month Classic Film Series.
Hindi na nagpa-presscon ang Whispers in the Wind. Sa halip, inilaan nila ang budget para sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Noon pa man kasi ay kasado na ang Netflix streaming ng second movie team-up nina Carlo at Barbie.
Mauuna sa November 14, Huwebes, ang Netflix streaming ng Un/happy For You na reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto.
Looking forward din tayo sa Netflix streaming ng pelikulang The Delivery Rider nina Baron Geisler at Jake Cuenca.
