GORGY RULA
Sinubukan ng PEP Troika na hingan ng pahayag ang kampo ni Ken Chan kaugnay ng pagsugod ng mga awtoridad, kasama ang legal counsels ng complainant at ilang miyembro ng press, sa bahay ng aktor sa Quezon City ngayong Biyernes ng umaga, Nobyembre 8, 2024.
Pero tumanggi silang magsalita.
Kahit ang legal counsel ni Ken ay hindi muna nagbigay ng statement, at wala ring sagot sa pangungulit namin kung nasaan ngayon ang Kapuso actor.
Read: Ken Chan charged with syndicated estafa over P14M investment deal
Matagal na palang walang tao sa bahay ni Ken sa Quezon City, at walang makapagsabi kung saan ito pumunta, pati ang kanyang pamilya.
Hiningan din namin ng pahayag ang Sparkle GMA Artist Center, na nangangalaga sa career ni Ken, pero wala raw silang alam na kahit anong impormasyon tungkol sa Kapuso actor.
LEAVE OF ABSENCE
Nag-file daw si Ken ng leave of absence sa GMA 7 noong buwan ng June ng taong ito.
Health concerns daw ang dahilan, pero hindi na idinetalye kung ano ang problema sa kanyang kalusugan.
Sa kanyang social media account ay mga lumang litrato lang ang ipinost ni Ken. Kabilang dito ang mga kuha sa Japan, Amerika, at ang mga kuha nila ni Jillian Ward sa Bacolod at Japan noong 2023.
Read: Ken Chan nagparamdam sa social media sa gitna ng mga espekulasyon

NOEL FERRER
Nasaan na nga ba si Ken Chan ngayon?
Buti pa ang mga kasamahan niya sa trabaho ay may hinagap kung nasaan siya. Pero paano na ang mga pulisya?
Well, hindi naman lang si Ken ang pinaghahanap ng batas na hindi makita. Napakarami nila.
Unahin na muna kaya ang mga iyon?
JERRY OLEA
Di ba, biglang “pinatay” noon ang karakter ni Ken Chan sa Kapuso afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap?
Noong panahong iyon ay naulinigan nating nasa ibang bansa na si Ken. Hindi ba iyon batid ng mga pulis na magse-serve ng warrant of arrest?
The night before ay may payanig pang shoutout sa Facebook ang isang influencer na kesyo aarestuhin na ang isang sikat na aktor. Labobo delulu eklavuuu!!!
Read: Jillian Ward agrees about Ken Chan being boyfriend material
