GORGY RULA
Natapos na noong October 31, 2024 ang maternity leave ni Yasmien Kurdi sa GMA-7, pero nagpa-extend siya hanggang January 2025 dahil may binuksan siyang bagong negosyo na kinatutuwaan niya ngayon.
Nanganak si Yasmien noong April 2024 sa second baby nila ng asawa niyang si Rey Soldevilla.
Read: Yasmien Kurdi welcomes second baby girl through C-section
YASMIEN KURDI'S OWN KIOSK
Pagkatapos niyang manganak at okay na siya, kumuha siya ng franchise ng Kohi Manju na sumikat sa Japan.
Meron na itong kiosk sa 4th level ng Market Market sa Taguig.
Kuwento ni Yasmien: “Before po kasi nagpunta ako ng Osaka sa Japan, nagbakasyon kami ng family ko. Nakita ko yung napakahabang pila sa Japan. Talagang pinagkakaguluhan nila ito. Sabi ko, ‘Sige, pipila din ako.’
“More than an hour ako pumila just to get my own cheesy pull-up pancake.
“Sabi ko, sobrang sarap kasi niya, sobrang init and all. Sabi ko, bakit wala nito sa Pilipinas? Kailangan ma-experiece din ito ng mga Filipino.
“Ang daming nangyari sa career ko, naging busy ako, naging pregnant ako and all. Na sabi ko, hindi ko na siya natutukan yung concept sa mind ko na yun.
“Kaya nung nakita ko yung franchise, kinontak ko agad sila. Nagbukas ako ng sarili kong Kohi Manju and, yun nga, nilagay ko siya sa Market Market.
“Nandun kami sa more of the experience ng mga tao na ma-experience nila yung Japan dito sa Philippines.”
Nakapanayam namin si Yasmien sa DZRH noong nakaraang Biyernes, November 8.
View this post on Instagram
YASMIEN KURDI ALSO SERVES AS CASHIER
Minsan ay nakukunan pa siya ng netizens na nagkakahera dahil kinukulang na raw siya ng staff sa dami ng customers nila.
View this post on Instagram
“Minsan talaga nagkukulang ako sa staff for the day. So, wala akong choice, kailangan pumunta ako dun and tumulong na ako, magkakahera ako,” bulalas ni Yasmien.
Akala raw niya ay matetengga siya pagkatapos niyang manganak. Pero mabuti at naging busy pa rin siya sa tulong ng kanyang asawa.
“Ang saya din kasi after giving birth… di ba, sobrang busy ko before sa showbiz na tuluy-tuloy ang taping, araw-araw nagtatrabaho ako, hindi ako nawawalan. Tapos biglang naging pregnant ako, tapos biglang wala akong ginagawa.
“Parang sabi ko, ‘Parang nalulungkot ako.’ Sabi ko, ang ganda rin yun for mental health. Tapos nakakatuwa din, busy ka, may business ka, ang dami kong natutunan, ang dami kong nami-meet na mga tao na out of showbiz naman na… uy, puwede rin pala akong kumita sa ganitong mundo.
“Iba rin pala yung kiosk world. Iba din yung small business din na world, ang ganda rin, it’s really nice,” sabi pa ni Yasmien.
Read: Yasmien Kurdi, malapit nang manganak pero sobrang busy pa rin
JERRY OLEA
Naghahanap si Yasmien ng iba pang location dahil balak niyang magbukas ng isa pang branch, o kaya susubukan daw niya ang iba pang franchise na puwede niyang simulan.
Pero hindi pa rin daw niya iiwan ang pag-aartista.
Nagpa-extend lang daw siya ng maternity leave niya hanggang January 2025, at sa kanyang pagbabalik, sana raw ay mabigyan siya ng magandang show ng GMA-7.
“Babalik ako. Maternity ko lang ito, hindi ko kaya na umalis talaga, malulungkot ako.
“Dapat hanggang October 31 ako naka-leave, pero nagpa-extend ako hanggang January next year. Hopefully, sana makabalik na ako by that time,” pakli ni Yasmien.
REUNION WITH RAINIER CASTILLO
Amenable din siya sa reunion project kung sakaling ipa-partner siya sa mga dating nakatrabaho niya.
Sa mga naka-partner ni Yasmien sa mga drama series na nagawa niya sa GMA-7, ang first loveteam partner niyang si Rainier Castillo ang gusto raw niyang makatrabaho uli.

“I think mas excited ako kay Rainier siyempre. Kasi si Rainier Castillo is ano, part talaga ng young Yasmien showbiz career, di ba? RainYas yan!
“Kung may Jennylyn-Mark, pero Rainer-Yasmien. Kami yung ano e… di ba nung time na yun, sina Jennylyn and Mark, sila yung real loveteam.
“Tapos kami yung comedy, kami yung laging nasa gilid,” natatawa niyang pahayag.
Sina Yasmien, Rainier, Jennylyn Mercado, at Mark Herras ay produkto ng first batch realiy-based artista search ng GMA-7 na StarStruck.
Read: REALITY SHOW CHRONICLES: Yasmien Kurdi recalls controversies among StarStruck girls in the past
NOEL FERRER
Nag-iba naman ang pakiramdam ni Yasmien nang naungkat ang napagdaanan niyang kontrobersiya noong 2009 — nang sampahan niya ng reklamong acts of lasciviousness si Baron Geisler.
Nagkasama noon ang dalawa sa SRO Cinemaserye: Suspetsa ng GMA-7.
Read: Yasmien Kurdi charges Baron Geisler with acts of lasciviousness and unjust vexation
Napag-ayos sila pagkatapos mag-public apology ni Baron at personal na humingi ng paumanhin sa Kapuso actress.
Read: Yasmien Kurdi withdraws case against Baron Geisler after the actor apologized to her
YASMIEN ON RITA-ARCHIE ISSUE
Ano ang reaksyon ni Yasmien sa paghahain ng reklamong acts of lasciviousness ni Rita Daniela laban sa Widows' War co-star nitong si Archie Alemania?
Naiintindihan daw ni Yasmien ang nararamdaman ni Rita. Traumatic daw talaga sa isang babae ang naranasan nila ni Rita.
Ani Yasmien, “Malungkot ako kapag nakakarinig ako ng mga ganung balita, kasi hindi siya maganda. Hindi siya maganda for both parties, maraming naaapektuhan na mga tao, masyadong mabigat yung issue.
“Nung pinagdaanan ko yun, I was really young, and I am at work. Habang nasa trabaho pa ako, nung nangyari sa akin.
“Mahirap. Mahirap yung feeling, kasi ang bigat-bigat, pupunta ka lagi ng hearing. Tapos, pag may hindi sumipot, tapos effort ka. Alam mo yung ang daming nangyayari.
“Traumatic talaga siya, para sa akin… pag naaalala ko nga yan, tingnan mo, nanginginig po ako ngayon.
“Hanggang ngayon, pag naalala ko siya, nakaka-trauma talaga siya.”
Read: Rita Daniela, sinampahan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania
Ano ang payo niya para kay Rita at sa lahat na mga kababaihang nakaranas ng pambabastos o panghahalay?
“Hindi ko po kasi masyadong alam yung issue. Hindi po ako masyado updated sa mga showbiz happening. Ang dami ko kasi… ngayon lang ako nagpa-interview ulit,” maingat na sabi ni Yasmien.
“Ang masasabi ko, huwag kayong matakot. Speak up!
"At huwag din nilang patulan kung merong mga ganung jokes, dapat sabihin agad nila na stop. Tama na.
“Huwag niyong aanuhin, papatulan yung mga ganung klaseng tao, kasi hindi niyo dapat patulan yung conversation nila na bastos or what.
“Dapat sabihin mo, huwag. Matuto kayong mag-‘no.’ Hindi yung mahihiya kayo dahil senior actor or senior sa inyo.
“Dapat huwag kayong matakot sa ganun, isumbong niyo yan. Sabihan niyo agad yung management about it.
“It’s really really important na malaman ng management, at tutulungan din naman ng management kayo regarding ng mga nangyayari.
“I’m sure may ginagawa naman sila,” saad ni Yasmien.
